Munting Hiling

1 0 0
                                    

Sa panaginip lang,
Dalawin mo naman ako.
Kahit hindi ka magsalita
Basta yakapin mo lang ako.

Heto ako,
Isang dekada ng nangungulila sayo.
Hinahanap-hanap pa rin ang presensya mo.

Laging naiisip ng isipan ko
Ang mga alaalang iniwan mo.
Bawat alaala mo
Nakatago sa puso't isip ko.

Alam ko,
Hindi mo lubusang iniwan ako.
Dahil ramdam ko
Ika'y laging nasa tabi ko.

Sana'y dinggin mo
Itong munting hiling ko sayo.
Na sana kahit sa panaginip lang
Dalawin mo naman ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 05, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Munting HilingWhere stories live. Discover now