Broken Pieces

198 3 8
                                    

Marahil, ako na yata ang pinakamasaya at masuwerteng babae sa buong mundo simula noong makilala ko si Ryan. Halos lahat ng babae sa buong campus namin ay patayin na ako sa sobrang inggit dahil nagkaroon ako ng isang boyfriend na kagaya niya. Alam niyo ba kung bakit? Ide-describe ko siya sa inyo. Siya lang naman ay guwapo, mayaman, matangkad, matalino, athletic, mabait, student role model, faithful, loyal, religious lahat na yata ng katangian ng isang perfect na boyfriend na sa kanya na. Di ko nga akalain na magkakagusto sakin ang lalaking pinapangarap ko dahil noong makita at makilala ko siya para siyang isang butuin na mahirap abutin. Subalit mali ako ng inakala dahil noong naging classmate ko siya sa isang subject doon na nagsimula ang magandang istorya namin dalawa. Nagsimula sa pagiging magkaklase, naging magkaibigan, tapos naging magbestfriend, hanggang sa humantong kami sa pagkakaibigan. At noong naging kami na nga, ang pakiramdam ko palagi ay lumilipad sa ulap kasama siya. Sa pagpatak ng oras ay ‘di namin alintana sa tuwing kami ay magkausap. At higit sa lahat, sa tuwing magkahawak ang aming mga kamay ay parang kaming dalawa na lang ang tao sa mundo. Napakasaya at ganda ng mundong ginagalawan namin. Ngunit ‘di maiwasan na sa isang matamis at makulay na pagmamahalan bigla na lang darating sa buhay mo na magsasawa ka at mauumay sa paulit-ulit na sistema ng relasyon niyo.

“Hi Honey!” sabay kiss sa pisngi ko habang ako’y nagsusulat sa loob ng canteen. Di na ako nagulat o naexcite sa ginawa niyang surprise kiss sa akin tulad ng dati dahil sa tuwing nakikita niya akong may ginagawa o ‘di naman ay busy ay palagi niyang ginagawa ‘yon sakin.

“Anong ginagawa mo?” habang nakalapat ang pisngi niya sa pisngi ko at ilang saglit ay dahan siya umupo sa tabi ko. Noong una nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko siya o hindi pero dahan-dahan ko na lang ibinaling ang aking mata at –

“Ah! Ginagawa ko lang assignment ko sa I.T. Elective.” kasabay ng pagbibigay ko ng pilit na ngiti sa mukha ko. Di na naitago pa sa sarili ko ang unti-unting pagupos ng nararamdaman kong pag-ibig para sa kanya.

“Oh bakit malungkot ang honey ko? May problema ba?” tanong niya sakin nang tuluyan na niyang mapansin na tila malungkot ako at may malalim na iniisip.

“Wala honey…! Ok lang ako…”

“Talaga? Sure ka? Parang mukha ‘di naman eh! Gusto mo after ng class mo punta tayo ng mall para mag-arcade? Ako bahala!”

“Ayoko… Marami pa akong gagawin eh… Next time na lang pag ‘di na ako busy.” ang malamig na sagot ko sa kanya habang ako’y nagmamadaling  ayusin ang mga gamit ko sa aking bag. And totoo niyan ginawa ko lang dahilan ‘yon para layuan siya pansamantala dahil ang totoo naguguluhan na ako sa sarili ko. Pilit kong kinakausap at itinatanong sa sarili ko kung anong pagkakamaling ginawa ni Ryan para tuluyang mawala ang nararamdaman ko sa kanya. Wala akong nakikitang rason upang gawin ko ang mga bagay na ‘yon sa kanya. Lumipas ang oras, araw, hanggang sa umabot na halos ng isang buwan ang pag-iisip ko tungkol sa bagay na ito. Hanggang isang araw…

 “Lyn.” ang nasabi niya sakin habang nakatayo sa gate ng aming bahay. Di ko inaasahan na sa pagbukas ko ay siya ang makikita ko. Sa sobrang gulat ko ay natulala na lang ako at nakatitig sa kanya habang siya’y nakatayo’t naghihintay sa labas ng gate namin.

“Di mo ba ako papasukin?” ngiting tanong niya sakin. Ako’y biglang natauhan ng tanungin niya ako.

“Ah! Pasok ka… Sensya na medyo magulo ang bahay namin…” habang papalakad siyang papasok ng aming bahay.

“Para ka namang nakakita ng multo nung makita mo ko.” natatawang sabi niya sakin habang sinasarado ko ang pintuan ng aming gate kasabay nang dahan-dahan kong pagtingin sa kanya.

“H-h-ha?” gulat na tanong ko sa kanya. Sa sobrang gulat ko ay muntikan ko ng mahulog ang cellphone na hawak ko buti na lang nasalo ni Ryan kundi wasak ang cellphone ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Broken PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon