chapter 10

247 11 2
                                    

*Ellah's POV*

Teka san ba pupunta yung si Audrey.

"Audrey!!!!!!!" Tawag ko sa Kanya. Ngunit tila wala syang naririnig at patuloy lang sya sa paglalakad.

"Audrey teka lang!!!!"

"Aud-------" nahinto ang pagtawag ko sa kanya dahil sa muli kong paglingon sa aming pinanggalingan ay naging masukal na gubat ito.

Hinanap ng mata ko si Audrey ngunit mga punong kahoy lang ang nakikita ko.

"Nasan kana ba Audrey!!!" Nanginginig na sambit ko.

Nakakatakot sa lugar na to! Puro patay ang mga halaman. Maging ang mga damo. Ang mga punong kahoy ay walang mga dahon!maihahalintulad ito sa isang haunted forest. Mga kuliglig at mga insekto lang ang naririnig ko. Nagpalinga linga ako at nagbabakasakaling makita ko si Audrey. Ng may taong dumaan sa likod ko.
Di ko man sya gaanong nakilala dahil sa dilim at tanging liwanag lang galing sa buwan ang nagsisilbing ilaw sa kagubatan. Kahit nag-aalinlangan ay sinundan ko sya ngunit tila napansin nya ito.

"Sandali lang hintay!!" Sigaw ko sa kanya nagtatakbo narin sya kaya hinabol ko. Ngunit napatid sya ng isang patay na sanga ng puno at nadapa. Kaya sinamantala ko ang pagkakataon upang maabotan sya. Patayo na Sana sya kaya minabuti Kong bilisan ang takbo ko kaya nahawakan ko ang kamay nya.

"T-teka *hinga* lang muna" hinihingal na sambit ko. Sabay tingin sa kanya. Di naman sya nagsalita at nakatayo na sya yun nga lang nakatalikod sya sakin.

A-ang taong hinahabol ko. Ay sya rin palang taong hinahanap ko. Kahit nakatalikod sya alam Kong sya yun !

"Audrey!!" Pabulong na sambit ko. Di sya nagsalita ngunit unti unti syang lumingon sakin at ng tuluyan ko ng makita ang kanyang buong mukha napabitiw ako sa paghawak ko sa kanya.

Nanglaki ang mata ko dahil sa nakita ko.
NO------ h-hindi.. Hindi na sya ang dating Audrey na nakilala ko. I-iba na ang itsura nya may mga ugat ugat sya sa mukha. At itim na itim ang mga mata nya. May sugat sya sa leeg. Namumutla ang mukha at labi nya.

Nakaktitig lang ako sa kanya. Pinilit kong magsalita ngunit walang lumalabas na boses galing sa bibig ko. Ng makabawi ako sa pagkagulat dahil sa pagtakbo nya ay agad ko naman syang hinabol kahit madapa-dapa ako't patuloy na umiiyak.

Hanggang sa makarating ako sa may ilog dinig na dinig ko ang lagaslas ng tubig nito. Hanggang sa napadako ang tingin ko sa isang malaking puno. Napakalaki nito ngunit tulad ng ibang puno ay wala rin itong buhay!!!

Nanginginig akong lumapit doon. Hindi ko alam pero parang hinihila ako nito ng makalapit ako sa tapat nito napatingala agad ako dahil may pumatak sa ulo ko. Napasigaw ako dahil sa nakita ko.

S-si a-audrey!! Nakabigti sya at nakalabas pa ang dila nito.

"AAAAAAHHHHHHHHHHHHHH"

*third person's POV*

Nagtatakbo ang magkakaibigan sa kwarto kung saan galing ang napakalakas na pagsigaw.

"Ellah.! Ellah.! Gising gising" niyuyugyug ni miyana si ellah.

"Aahhhhhhhh!! S-si Audrey! Si Audrey miyana huhu" hingal at humagulgol na sambit in ellah ng magising ito.

"Bakit? Anong nangyari?" Nagtatakang tanong ni miyana sa kanya.

"Si Audrey!! Nasan si Audrey?? Kailangan kung makita si Audrey" patuloy parin sa pag-iyak si ellah. Di nya kayang e explain ang nararamdamang kaba at takot.

Napatingin naman si miyana sa mga kasama. Senyales na inutusan nya ito upang tingnan ang isa pang kaibigan na nasa dulong kwarto agad naman sya nitong sinunod.

"A-anong nangyari sis? B-ba't ka sumigaw?" Tanong naman ni jasmine. Ngunit tila wala itong naririnig dahil iyak lang ito ng iyak at paulit ulit na sinasambit ang pangalan ni Audrey.

"Tahan na ellah!! Sabihin mo samin ang nangyari!" Pag aalo naman ni mayumi at hinimas ang likod nito.

Unti unting kumalma si ellah at nag angat ng tingin with her tear stained face ay nagsalita sya. Na labis namang ikinagulat ng mga kasama nya.

"I-i have the p-premonition o-of a-Audrey's d-death"

"NO---- H-HINDI ellah!!! It was just a dream! It was just a vivid dream!!" Jasmine exclaimed.

Magsasalita na Sana si mayumi ng bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang kasamahang lalake na nag aalala.

"Wala si Audrey sa kwarto nya" mabilis na saad ni Ivan.

"ANO?" The girls said in unison.

"Hinanap namin sya pero wala talaga ehh!!!" Sabat naman ni geo. Napatingin naman sila Kay ellah with a wide eye's.

"Hanapin natin sya! Bilis" agad naman silang kumilos. At naiwan si ellah na naghanap ng flashlights. Nagkita kita sila sa sala at sabay na napatingin as wall clock.

"3:00 am" saad ni Ivan.

"Bilisan natin!!!" Ellah.

Naguguluhan man ay sinunod nila ang sinabi ni ellah. Naghiwahiwalay sila upang mabilis nilang mahanap si Audrey. Hinati nila ng tigdadalawa ang grupo.
Si jasmine ksama si Ivan. Si geo ksama si miyana. At si ellah kasama si mayumi.

"Ellah!" Mahinang sambit ni mayumi.

"B-bakit mayumi?" Nanginginig na saad ni ellah.

"S-saan m-mo nakita s-si Audrey??"

Napatingin si ellah Kay mayumi tsaka inalala ang Ibang detalye.

"Sa isang walang buhay na gubat! Mga huni ng kuliglig at insekto! Lagaslas ng tubig, may ilog, at...... M-may malaking puno"

Napalaki naman ang mata ni mayumi. Saka tinawagan ang ibang kasama. Ang ganong lugar. Agad na pumasok sa isip nya ang lugar na yun.

"Sa may ilog tayo!" Saad ni mayumi ng magtipon tipon sila.

"Pero mayumi!! Madilim don. Baka may makasalamuha tayong mga mababangis na hayop" -jasmine.

Bakas sa mukha ni ellah ang page takot at pag aalala.

"Kailangan natin syang hanapin. Wag nalang tayo mag hiwahiwalay. Kahit anong mangyari dikit lang sa grupo. Naiintindihan nyo ba?" -miyana.

Tumango naman ang lahat. Habang naglalakad ay bakas sa mga mukha nila ang kaba! Mabilis ang naging paghakbang nila. Mabuti nga't wala silang panganib na nakasalubong.

"Ang lagaslas ng tubing" wala sa sariling saad ni ellah.

Kaya napatingin sila sa kanya. Tumatakbo ito patungo sa ilog kaya sinundan nila ito. Luminga linga pa ito. Na tila ba may hinahanap. Hanggang sa napadako ang tingin nila sa isang napakalaking puno. Bumigat ang hakbang ng magkakaibigan patungo sa puno. Pagdating nila sa tapat nito.

"Wla naman ehhh!!" Saad ni Ivan.
Pero hindi nagpatinag si ellah. Inangat nya ang tingin. At doon nakita niya ang hinahanap. Tinuro nya sa kaibigan ang nakita.

"S-sa taas!!" Agad na tumingala ang LAhat.

Si Audrey nakabigti sa isang sanga at labas ang mga Mata nito. Tumutulo pa ang dugo mula sa nakaluwang mga mata. Maputlang maputla at wala ng buhay! And with that napahagulgol ng iyak ang magkakaibigan.

"NOOOO!!!! AUUDDDRRREEYYYYY!!" Nagtatangis na sigaw ni jasmine

"Audreyyy!! Bakit???" Iyak naman ni mayumi.

Di nakapagsalita si ellah. Kung alam lang sana nya na mangyayari ito sa kanila sana Hindi nalang sila nagpunta sa lugar na Yun. Labis nyang sinisisi ang sarili. Unting unti nalaglag ang luha nya kasabay non ang pagsigaw nya.

"AAAHHHHHHHHH".

A/N: hi guys! Okay ba? He he. Hope you enjoyed the update po!! I'm hoping din po na mag leave kayo ng comment at vote :) para ma.inspired naman po ako. Thank you po.

remind ko lang din po. yung naka italic po. yun po ang panaginip ni ellah or yung sinasabi nyang premonition kumbaga okay!! yun lang po thank you :)

-darkfashion04

sitio walang buhay (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon