Naranasan nyo na ba yung tipong adik na adik ka na sa text?
Sasali ka pa ng iba't ibang clan para lang marami kang makatext.
Well, ako.. OO. Pero dati yun, di na ngayon.
Nagpalit na ko ng number ko kaya yung mga number na lang ng friends ko yung nasa contacts ko.
Alam nyo na? College na kasi ako eh, kaya dapat ng iprioritize yung study.
Hayyyy. Okay, tama na. Ako nga pala si Rheinne Cruz. Kagaya nga ng sabi ko College na 'ko. Pero ngayong vacation, syempre stay lang ako dito sa bahayy ngayon.
"Rheinne, magpa-load ka nga kila Sky. Kelangan ko lang kasi itext yung Kuya mo." Mama
"Mama naman eh. Ayoko pong lumabas ng bahay."
"At bakit naman aber?"
"Mainit po sa labas eh. Tapos nakakatamad maglakad."
"Tamad ka talagang bata ka. Mag payong ka na lang."
"Aish. Kasi naman eh." *sabay abot ng pera pampaload*
Habang naglalakad ako, di ko maiwasang medyo kiligin. Hihi ;">
Eh pano ba naman kasi, crush ko yung anak nung nagloload. Minsan ko na lang sya makita nung hindi pa bakasyon kasi naman nag-aaral din sya sa malayo kaya every holiday and vacation na lang yung uwi nya.
Andito na 'ko ngayon sa harap nung tindahan nila.
"Pa-load nga poooo...."
Antagal naman. -_-
"PA-LOOOOAD NGA POOO."
Nakita ko si Sky tumatakbi galing sa bahay nila. Harap lang kasi ng bahay nila yung tindahan nila eh.
*o* Kita ko na muscles niya sa Braso nya. Nakasando lang kasi sya eh. Hoho
"Uy, Rheinne ikaw pala. Ano bibilhin mo?"
"Eh magpapaload sana ako eh."
"Ayyy. Wala si Mama eh. Pero wait lang, titingnan ko kung iniwan nya yung cellphone nya."
Bumalik ulit sya para kunin yung cellphone ng mama nya.
"Sorry natagalan, di ko agad kasi nakita eh." *smiles*
"Ayos lang. :)"
"Here, type your number. *abot ng cp*"
type. type. type. 09xxxxxxxxx
"Magkano?" Sky
"Thirty pesos" Ako. ^_^
"Okay." Sky
"Thank You." me
Habang naglalakad ako pauwi, syempre niregister ko muna baka kasi mawala yung load eh. Hahaha
"Oh? Nakangiti ka jan? Anong meron? Nagpaload ka lang eh."
"Tatawagan nyo po ba si Kuya?"
"Oo. Akin na cellphone mo."
*kring kring*
Nakaloud speaker kasi pag si mama yung gumagamit. ;)