<\ Mira Shin POV />
Hi!
Ako nga pala si Mira Shin.
Pwedeng Mira na lang.
I am an Inspirit, Sungyeol biased. Also a Fansite Noona of ' Yeol OH! '.
Ang bias ko naman sa Seventeen ay si Jeonghan. Tanggap ko kahit mas maganda sya sa akin. Mahal na mahal ko yun.
Kaya nga may Fansite rin ako na para lang sa kanya. ' Pretty Cheonsa '. Maganda na, dyosa pa.
Kaibigan ko si Erin. Halos kapatid na rin ata ang turing ko sa kanya.
Kwento ko kung paano kami nagkakilala pati ang aking nakaraan.
/ Flash Back /
Unang araw na naman ng pasukan.
Bago na namang mukha ang mga makakasalamuha ko. Kasalukuyang nasa Grade 9 na ako ngayon.
Wala naman akong inaasahang bago.
Walang kaibigan.
Walang kumakausap.
Palaging nag-iisa.
" Haayyyy " napabuntong hininga na lang ako nang nag-ring na ang bell. Hudyat na recess na.
Isusuot ko na sana ang earphones ko nang may umupong babae sa harap ko.
Tinignan ko sya at naka-ngiti sya sa akin ngayon.
" Kakain ka mag-isa? Tsk. Tsk. Nakakalungkot kaya yun " sabi niya habang binubuksan ang baunan nya
" ERIN! ERIN! " May lalaking pumasok sa room namin at nagsisisigaw. Napasapok sa noo nya ang babaeng nasa harap ko.
" Andyan ka lang pala! " tapos ay lumapit iyon sa amin " Hoy Erin! Pinapabigay pala sayo toh ni Jun oh! "
" Ano nanaman yan? " nag-roll eyes sya at hinarap ang lalaki " Hoy Mark Byun. Paki sabihan yang kaibigan mo na wala akong interest sa kanya okay? "
So sya pala si Erin. At yung lalaki ay Mark. Mark Byun.
" Kunin mo na toh. Malalagot ako sa kanya eh! " tapos napatingin sya sa akin, hala, pakiramdam ko ay uminit ang pisngi ko.
" Ayoko! " sabi ni Erin
" Bilis na. Di pa ako kumakain oh! " pamimilit pa niya. Naka-box kase ang hawak niya kaya di ko malaman kung ano yun.
" Tsk. AKIN NA NGA! BAKA UMIYAK KA PA EH!! " dali daling hinablot ni Erin yung box at ngumisi yung Mark.
" Asus. Tatanggapin rin naman pala eh! Pakipot ka pa! Yes makakakain na ako!! " tapos ay nagtatatalon sa galak paalis yung Mark
" HOY! HINDI KO TO TINANGGAP PARA SA KANYA AH! PARA MAKAKAIN KA NA KASE KAWAWA- ARGH!! Kainis naman. Sya na nga tong tinulungan " padabog na umupo ulit si Erin
Nag-pout sya. Haha ang cute nya.
" AY! Pasensya ka na sa inasal ko ah " tapos ngumiti sya sa akin " Nga pala. Ako si Erin Park " nilahad nya ang kamay nya
" A-ako, pala si Mira. Mira Shin " pagkatapos ay tinanggap ko ang kamay nya.
" Yung kanina pala. Aaahhhmmm paano ko ba yun sasabihin "
Ang kwento nya, may grade 11 na lagi syang binibigyan ng box ng chocolate tuwing recess.
Grade 8 pa lang raw sya at 10 yung lalaki laging ganun na ang sistema nila.
BINABASA MO ANG
Do You Believe In MAGIC? || Seventeen The8
FanfictionDo you believe in MAGIC? Sa panahon ngayon, may naniniwala pa kaya sa mga imposibleng bagay na mangyari? Lalo na sa isang magkalayo at magkaibang magkaibang mundo tulad nina Jas at Minghao? Isang ordinaryong babae at isang idol, pano ba at bakit ba...