Prolouge

176 8 0
                                    

Third Person's POV

Naglalakad ang mag-ama sa kalye papunta sa kanilang bahay. Masayang tangan ng bata ang kamay ng kanyang ama, habang patuloy ang pagdila sa kaniyang sorbetes.

Nasa harapan sila ng maliit na simbahan ng kanilang maliit na pamayanan, biglang kinilabit ng bata ang kanyang tatay.

"Tay, bili mo kong lobo oh! Pati si Nanay!" Masiglang sambit ng bata sa kaniyang ama at ganun na nga ang ginawa ng Ama.

Nang makapagbayad ang Ama, dali-dali nitong itinali ang manipis na lubid sa balingkinitang kamay ng bata.

"Salamat Tay. Sigurado matutuwa si Nanay, bertdey pa naman niya. Haha." Bibong tawa ng bata at hinaplos lang ng Ama ang kaniyang ulunan.

Muling naglakad ang mag-ama pa-uwi sa kanilang tahanan. Malapit na sila sa munting barong-barong na nasa isang bakanteng lote. Kung saan tuwing hapon ay naglalaro ang mga batang amoy araw at naging tinapa na, dahil sa usok ng sinunog na dapog ng kapit bahay.

"Nay andito na po kami." Sigaw ng bata, ngunit muli na naman itong napasigaw.

"Tay! Yung lobo!"

Agaran naman itong hinabol ng kaniyang Ama, nang mahablot niya ang lobo isang nakakabinging busina ang nagpabago ng buhay ni Aya.

Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeppppppppppp!

Aya's Pov

"Hoy! Gumising kana jaan! Umaga na!" Sigaw ni Nanay sa labas. Haynaku! Ano pa nga ba.

Bumangon na ako at bumaba na, diretsyo ako sa banyo para maligo na. Matapos yun ay muli akong umakyat at nagbihis na para pumasok sa skwela.

Pagbaba ko ay nakita ko si Nanay na nagkakape na habang may hawak na pandesal. Umupo narin ako at kumain, hindi pa man ako sumusubo ay agad na niya akong niratsyada.

"Binigyan kaba ng pera ng tiyahin mong mayabang huh?" Mataray na sambit niy sa akin. Parang alam ko na kung anong kahahantungan ng pag-uusapan namin.

"Hindi pa ho." Tikhim kong sagot at kumain na ako.

"Sinungaling. Pera lang pagdadamutan mu pa ako, nanay mo ko hoy!" At sinigawan na nga niya ako. Lord, kailangan bang araw-araw ganito kami.

"Nay, alam niyo naman ho kapag may nagsosobra ibinibigay ko ho sa inyo. Kaya lang po ngayon-"

"Kaya lang, kailangan mo na namang unahin yang letseng pag-aaral na yan! Naku! Kung andito lang ang tatay mo! Hindi sana!" Sigaw niya habang padabog na naghuhugas ng mga tasa.

"Alis na ho ako." Paalam ko sakanya. Wala naman akong balak na makipagsagutan kay Nanay.

"Umalis kana. Pagbalik mo sana may pera kana!" Sigaw pa niya.

Nagtuloy-tuloy lang ako hanggang sa makalagpas na ako sa eskenita sa may inuupahan naming bahay ni Nanay. Walang araw na hindi niya ako kinulit tungkol sa pera.

Sumakay na ako sa jeep at hinimas ang ulo ko. Sumasakit na naman kasi, naalala ko tuloy si tatay. Sana nga kung andito siya hindi namin mararanasan ni Nanay yung ganitong buhay. Hindi naman kasi talaga ganyan si Nanay, tinotopak lang talaga kapag walang hawak na pera.

Namatay si Tatay, nang dahil sa akin. Kasi hinabol niya yung lobo na para kay Nanay. Kung hindi ako nagpabili nun, sana buhay pa siya ngayon. Yan ang laging isinisigaw sa akin ni Nanay noon nung mamatay si Tatay. Halos tatlong taon akong pinakisamahan ni Nanay na parang hindi niya ako anak.

Labing dalawang taon narin naman ang nakalipas ng mamatay si Tatay, pitong taon lang ako ng mangyari yon. At hanggang ngayon dala ko parin ang bangungut na yun. Simula noon hindi na nagseselebreyt si Nanay ng bertdey niya, yun din kasi ang araw na namatay si Tatay.

At simula din non, mas lalo kaming naghirap. Ni hindi na nagawang humanap ng matinong trabaho si Nanay. Masyado na kasi siyang palaaway ngayon, konti lang ang marinig niyan sigurado world war three ang ending. Buti na lang at mababait ang mga kapatid ni Tatay.

Lalo na si Tita Beth, siya na kasi ang nagpaaral sa akin. Simula ng mamatay si Tatay hanggang ngayon na third year college na ako. Kumuha ako ng course na Education, Major in Math. Balak ko dapat mag Accountancy kaya lang masyado na akong abuso kapag itinuloy ko pa iyon.

Sa isang pribadong paaralan pa ako pumapasok, iisa lang naman kasi ang anak ni Tita Beth at tapos na iyon ng Engineering. Nasa ibang bansa yun, at sumusweldo ng malaki. Ang asawa naman ni Tita, retiradong seaman at may pensyon.

Isa ako sa mga dukhang pinalad na makapasok sa sikat na sikat na Rei-Dex Academy. 

Sobrang bait nila sa amin, sila ang nagbabayad ng bahay, tubig at kuryente namin. Parang ang labas ampon nila kami ni Nanay pero nakabukod lang. Kaya nga mas lalo kong pinagsisikapan para hindi sila mapahiya na tinulungan nila ako.

Pinagsisikapan ko ng husto ang pag-aaral ko, hindi naman sa pagmamayabang pero grumaduate ako ng validictorian nung elementary at salututorian nung high school. At ngayong college ako hindi ako nawala sa Dean's List. Sinisigurado kong ganado parin silang tulungan kami.

Pero si Nanay, naku sobrang galit kay Tita. Hindi naman niya matanggihan ang mga tulong ni Tita dahil alam niya na kailangan namin. Naging maayos parin naman ang pagpapapalaki sa akin ni Nanay. Kahit ganun yun, sobrang mahal ko siya lalo pa't siya nalang ang kasama ko.

Hindi kami mayaman sakto lang kaming nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. At pinagpala lang kami ni Lord ng mga mabubuting tao sa paligid namin.

Siguro kung nabubuhay lang si Tatay ngayon, masaya kami. Kung sana ako nalang yung humabol dun sa lobo. Ako na lang sana. Bakit kasi hindi na lang ako?

Bakit hindi na lang ako?!

Alliyah Corpuz, 19. Quezon City.

VOTE!!! COMMENT!!! SHARE!!!

Bakit Hindi Na Lang Ako? (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon