Kriiiiiiiiiiinggggg!
"Okay. Class dismiss!"
'Haaay salamat' anang kaklase ko.
'Gutom na ako' bulong ng katabi ko.
"Uy, Axy. Tara canteen tayo. Grabe naman yang si Ma'am. Pinapahirapan tayo sa Mandarin. Dapat Korean nalang yung Foreign Language na subject natin bes!" himutok ni Vessy habang nakatayo sa tabi ko.
"Tss. Alam ko na sunod na sasabihin mo. 'Sana Korean nalang para sobrang useful.'" panggagaya ko pa sa boses niya habang nagliligpit ng gamit.
"Eh kasi naman, yun yung sikat ngayon. Kpop. Mismong matanda nga nating kapitbahay kanina ay binati ako ng 'Annyeonghaseyo' Aba't natulaley ang gaga. Hiya naman ako sa anongasayo niya?" natatawa pa nitong kwento. Napatawa nalang din ako.
"Nagutom tuloy ako sa mga tone signs na yan! Tara sa canteen."
"Ohsiya. Tara na." sabay labas ng pinto.
Habang naglalakad papuntang canteen, naririnig namin ang bulong-bulongan ng mga estudyante.
"Kawawa naman siya." sabi ng isang babae sa gilid.
"Ikaw ba naman masuntok aba't ewan ko lang kung gumising ka pa," dagdag ng katabi niya. Nagtawanan sila.
'Tss' bulong ko.
"Sana okay lang si Kent." narinig kong banggit sa isa sa kanila.
Napahinto ako, gayundin si Vessy na nasa tabi ko nang marinig ko ang sinabi ng babae. Nagkatinginan pa kami at parehong kunot noong napalingon sa mga nag-uusap sa likod namin.
'Si Lej? Anong nangyari sa kanya?' kinakabahang bulong ng isip ko.
BINABASA MO ANG
Untold Feelings
General Fiction"All that is done should be written and what is not written has not been done." Ito ang hugot line na madalas kong marinig sa aking tiyahin kapag mayroong mga pangyayaring nagaganap sa aming pamilya. According to her, tanging iyong mga records at do...