FLASHBACK
"Dapat innovative yung product niyo para maging patok sa mga customers. When you say innovative, it is something new and creative. Yun bang maiisip ng iba na imposible pero you'll make it possible." paliwanag ni Lej. Nasa isang pastry shop kami at kasalukuyan niya akong tinuturuan sa aking assignment.
Patuloy lang siyang nagsasalita ngunit nakapangulambaba lamang ako habang nakatulala sa kanyang harapan. Nang mapansin niya na hindi ako nakikinig, nag'angat siya nang paningin at kunot-noo niya akong tiningnan.
"Bakit ba ang gwapo gwapo mo, Babe? Hindi ka ba nagsasawa sa pagiging gwapo mo? Inaaraw-araw mo naman ata." nakangiti kong sabi sa kanya habang nililibot ang aking paningin sa kanyang mukha.
Bahagya naman siyang nailang at inayos pa ang suot niyang salamin. Siya si Kent Alejandro Kierulf, 18 years old. Maputi, matangkad, may matangos na ilong, labing mapupula, at bahagyang singkit na mata na binagayan ng suot niyang eye glasses.
Siya ang aking secret boyfriend. Yes, secret. Sa halos isang taon naming relasyon, tanging ako, si Lej at ang aking bestfriend lamang na si Vessy ang nakakaalam sa tago naming relasyon.
Pareho kaming may istrikto na mga magulang kaya napagdesisyunan muna naming itago ito. Kasalukuyan kaming nasa huling taon ng senior highschool at balak naming ipaalam sa lahat ang aming relasyon pagka'graduate namin.
Dagdagan pa na top student si Lej kaya paniguradong tututulan ito ng kanyang mga magulang.
Napabalik ako sa aking diwa nang pisilin nito ang aking ilong. "Ayan ka na naman, gwapong-gwapo ka na naman sa akin. Aba kung aaraw-arawin mo rin akong titigan ay di ako magsasawa sa pagiging gwapo." pa'cute nitong sagot sa akin. Pataas-taas pa ang dalawang kilay nito.
BINABASA MO ANG
Untold Feelings
Ficción General"All that is done should be written and what is not written has not been done." Ito ang hugot line na madalas kong marinig sa aking tiyahin kapag mayroong mga pangyayaring nagaganap sa aming pamilya. According to her, tanging iyong mga records at do...