INAY KO <3

36 1 0
                                    

A/N

ito po ay dedicated ko sa aking mahal na mama <3

----------------------------------------------------------------------

Oh Inay kong sa akin ay nag-aruga

Salamat sa iyong pagmamahal at pagtatyaga,

kahit ako'y pasaway, di ka parin nagsasawa,

sa isang katulad ko, na wala ng mabuting ginawa at tama.

Salamat inay ko, sa oras na iyong isinakripisyo,

sa pagod at hirap na dinanas mo,

di man ako perpektong anak para sa iyo,

tinitiis mo parin, ang mga kalokohang ginagawa ko,

Sa bawat gabi'y nakikita ko,

mga luhang pumapatak sa mga mata mo,

kitang kita ko, hirap at pasakit na dinaranas mo,

Oh inay ko wag ka ng lumuha, ako'y nasasaktan para sa iyo.

Salamat inay ko, sa oras na iyong isinakripisyo,

sa pagod at hirap na dinanas mo,

di man ako perpektong anak para sa iyo,

Ikaw parin ang nag-iisang INAY KO <3,,,,,

INAY KO &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon