Ako po si Sophia. Isang mag-aaral sa isang pribadong eskwelahan sa aming lugar. 3rd year high school student pa lang ako. Nasa America pareho sina mama at papa kaya ako lang mag-isa ang naninirahan sa aming mansyon. Spoiled brat daw ako kasi only child. Mayaman man kami pero ang tingin sa akin ng mga kaklase ko ay isang nerdy. Number 1 ako sa aming klase pero ni isa sa mga 50 na kaklase ko hindi ako kinakaibigan.
Pagring ng bell. Ngtatakbohan silang palabas ng may nakabondol sa akin at nahulog lahat ng mga librong bitbit ko.
CHAPTER 1
"Ok ka lng miss?" sabi ni Mike. Si Mike ang high school crush ko. Matangkad, maputi, matangos ang ilong at mabait pa. "Ok ka lang ba?" tanong nya. Hindi ako nakaimik. "Miss. Tulongan na lang kita." sabi niya ulit. Hindi siya tulad ng mga ibang estudyante sa eskwelahan. "Miss, ok ka lang?" tanong niya ulit."Um. Oo. Salamat ha." sabi ko. "Next time mag-ingat ka ha. Oh. Ito na mga libro mo. Saan ka ba papunta? Hatid na lang kita." sabi niya. "Huwag na nakakahiya naman. Kaya ko na to. Thanks ulit." "Hindi. Tulongan na kita. Papunta kasi ako ng library." sabi niya. "Oh sige. Doon din ako papunta." sabi ko. "Marami na kasing mga bastos na estudyante kaya ingat ingat lang pag may time. Diba Pia pangalan mo?" tanong niya. "Sophia." sagot ko. "Kaya nga Pia na lang itatawag ko sayo." sabi niya. Napangiti na lang ako. "So, isusuli mo ba tong mga libro? Ang rami mo kasing bitbit. Binabasa mo ba lahat ng ito?" tanong niya. Sa dami niyang tanong tumango na lang ako. "Hi Mike. Tara." sabi ni Alex. Si Alex ay ang leader ng cheerleading sa aming skwelahan. Maputi, sexy, maganda. At nabalitaan ko lang na nagdadate daw sila ni Mike. "I can't. May pupuntahan kami ni Pia. Let's go." sabi ni Mike. "Huh?" sabi ko. Nagulat ako ng bigla niyang kinuha kamay ko at dali daling niya akong hinila palabas ng library. Nakita ko reaksyon ni Alex na nabadtrip. Hindi ko nga rin akalain na ganun gagawin ni Mike. "Anong meron? Hanggang tenga yang ngiti mo ha." sabi nito. "Wala lang. Saan ba tayo pupunta?" tanong ko. "Sumama ka na lang." sabi nito. Tumakbo siya habang hawak ang mga kamay ko papuntang parking area. "Sakay na." sabi niya. "Pano yung sundo ko?" tanong ko. "Wait. Dito ka lang" sabi ni Mike. Lumabas ito at sinundan siya ng aking mata. Nakita kong kausap niya ang driver ko at dali daling bumalik sa sasakyan. "Ano sinabi mo?" tanong ko. "Ako na lang po maghahatid kay Sophia. Magmemeryenda lang po kami at may emergency project po kasi kaming gagawin. Wag po kayong mag-alala. Ihahatid ko po siya before 8 or 9." sabi niya. Natawa na lang ako. Pinaandar niya ang sasakyan at binuksan yung kanyang iphone para magpatugtog. Prinsesa ang kanyang pinatugtog. "Pwedeng ako mamili ng kanta?" tanong ko. "Sure" sabi nito.
CHAPTER 2
Kinuha ko ung iphone niya at nagulat ako nang makita kong picture ko ang nasa wall paper nito. Inopen ko yung gallery sa kanyang cellphone at mas nagulat ako nong mga stolen pictures ko ang laman nito. Bigla niyang kinuha yung cellphone niya at sinabing "Private kasi yan." habang nakangiti. "Eh bat may mga picture ako diyan sa cellphone mo?" tanong ko. "Bawal ba? At tsaka hindi ikaw yun no. Feeling ka." sabi niya ng patawa. Hindi na lang ako umimik pero nakapagtataka kasi bat pictures ko ang laman ng gallery niya. Naku. I smell something fishy. "Hoy. Saan ba tayo pupunta? At tsaka gutom na din ako" tanong ko. "Basta. Andito na tayo." Pababa na sana ako ng sasakyan ng "Diyan ka muna. Ako na." sabi niya. Wow ha. Hindi lang gwapo, gentelman pa. "Anong ginagawa natin dito?" tanong ko. "Ano pa ba gagawin sa restaurant? Edi kakain syempre. Kala ko ba gutom ka na?" sabi niya. Napangiti na lang ako. "Date ba to? Hoy Mr. Mike Rodriguez hindi mo pa ako tinatanong kung papayag akong makipagdate sayo ha." sabi ko. "For your information Ms. Sophia. Hindi po ito date. Kakain lang date agad? Tsaka pag yayain ba kitang makipagdate sa akin alangang aayaw ka." sabi niya. "Sinisigurado ko lang po. Sorry naman." sabi ko. Nagkwentohan kami. Kumain. Nagtawanan. "San tayo pagkatapos dito?" tanong ko. "San mo ba gusto pumunta?" sabi niya. "Kahit saan. Ikaw bahala." sagot ko. Ngumiti lang siya. Bat ba kasi ang gwapo gwapo mo. Ngumiti ka pa, yan tuloy nahuhulog na ako. "Musta naman kayo ni Alex?" tanong ko habang pasakay kami ng kotse. "So. Everyone and also you thinks that I'm in a relationship with Alex? Of course not. Nagfefeeling lang siya. And the truth is she's inlove with me but I'm not inlove with her. She's not my ideal girl no. Ang arte niya and I don't like girls that are maarte" sagot niya. "Ano ba ang ideal girl mo?" tanong ko ulit. "Kagaya mo. Ahm. I mean ano." sagot niya. "Ano?" sabi ko. "Kagaya mong simple, maganda, walang kaarte arte sa buhay at tsaka masarap kasama." Ako? Maganda? Flatered naman ako. "Uy. Bat hindi ka na umiimik?" sabi niya. "Hoy Pia!" hindi parin ako umimik nang "Pusa!" sigaw ni Mike at nagpreno kaya nagulat ako. "San ang pusa?" sabi ko ng pasigaw. "Walang pusa. Sinabi ko lang yun dahil hindi ka na ngsasalita kanina. Ok ka lang ba?" sabi niya. "Ok lang. Buti nakalagay yung seatbelt ko."