Traffic in Love

380 17 4
                                    

Traffic in Love

"This is it. Hindi ako dapat ma-late. Ito ang araw na pinakahihintay ko."

Oh hi mga readers. Ako nga pala si Mary Dale, Maymay na lang. Ngayon ang unang araw ko sa trabaho bilang isang waiter sa fastfood chain. Part time job habang bakasyon. Trabaho at aral muna bago lovelife. Wala naman forever dyan eh. Sa daan pwede pa dahil panigurado traffic na naman. Oh sige na mga readers basa basa na lang kayo at ako ay maliligo na muna.

Mabilis akong nag-ayos ng sarili ko at nag-paalam na kay Lolo.

"Tay alis na po ako." nagmano ako kay lolo tatay at ganun din kay lola nanay. Sila na ang tumayong magulang ko simula ng ako ay iwan ni Mama para magtrabaho sa ibang bansa.

"Kain ka muna bago ka umalis." pahabol pa ni lola nanay pero nakalayo na ako.

Pagsakay ko ng bus ay puno na kaya tumayo na lamang ako at naghintay ng bababang pasahero kesa naman ma-late eh di tiis tiis na lang muna. After 1836729204746281 years joke lang...may nabakanteng upuan kaya sinunggaban ko na baka maagaw pa. Tiumingin ako sa bintana para malaman kung nasaan na ako at napakaswerte ko namang nilalang ay ang gwapo ng katabi ko. Mala-Enrique Gil ang peg. Ang puti at mukhang foreigner. Ano naman kaya ang nag-dala sa taong ito na sumakay sa ganitong bus? Wala sa hitsura nya ang mag-commute. Habang nakatingin ako sa kanya ay bigla siyang humarap sa akin.

"Is there any problem miss?" tanong niya sa akin. Anak naman ng pato, inglesero. Nginitian ko na nga lang at umiling ako bilang sagot. Mahirap na baka nosebleed pa aketch. Tumingin na lamang ako harapan at as usual, andito na kami sa forever ng lahat, ang traffic. Dinaig pa ang pagong sa pag-andar buti na lang at maaga pa. Maingay ang ibang pasahero na nakikipagkwentuhan sa mga katabi nila samantalang kami naman ni Mr. Inglesero eh nakakabingi ang katahimikan.

"Excuse me, miss?" Ohhhh Emmmmmm Giiiiiiii...ako ba kinakausap nya? Wait lang baka ung babaeng nakatayo sa tabi ko ang kausap, wag assumera. Pero ilang seconds pa lang ang lumilipas...

"Excuse me miss." kinalabit pa ako.

"Yes?"

"Do you know where are we? I mean, do you know this place?" ipinakita niya sa akin ang cellphone nya kung saan nakasulat ang lugar na pupuntahan nya. At kung sweswertehin ka nga naman eh dun pa sa mall kung saan ako pupunta ang restaurant na pupuntahan niya.

"Oh yes. Ahmmmmm I, I will go der...walang juk naman dudugo ilong ko sayo" sabi ko.

"Excuse me, anong sabi mo?" narinig kong sabi niya.

"Putim na malagkit, marunong ka naman pala magtagalog eh pinahirapan mo pa ako." pabiro kong sabi at natapik ko pa sya sa balikat nya.

"Oh I'm sorry. I cant talk that much. Konti lang. But I can understand."

"Pwede na yan kesa naman magkanda-dugo dugo pa ang ilong ko kaka-ingles."

At dahil nakakaintndi naman sya ng tagalog eh ayun dinaldal ko na sya ng dinaldal. Nagtatawanan na kami dahil nakakasakay siya sa mga joke ko. Ang bilis gumaan ng loob ko sa kaniya kahit hindi ko pa sya kilala. Palabiro din pala siya at masayahin. Kung anu anong bagay na ang napag-usapan namin. Habang naguusap kami ay napatingin ako sa bintana. Malapit na pala kaming bumaba. Hindi na namin namalayan ang traffic kanina.

"Manong sa tabi na lang po." sigaw ko sa driver. "Halika na. Nandito na tayo." baling kp sa katabi ko.

Pagbaba namin ng bus ay sinamahan ko na sya sa restaurant na pupuntahan nya katabi lang ng papasukan kong fast food chain.

"Dyan ka na, dito naman ako. Ano nga pala pangalan mo? Kanina pa tayo daldalan ng daldalan hindi mo pa nasasabi pangalan mo."

"It's Edward, Mary Dale"

Traffic in Love (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon