Sandra's POV
I hate first day of class. Alam niyo kung bakit? Wala kang kakilala, wala kang close if you changed school. Yeah, it's hard but I have to accept it. Buti nga may mababait pang tao ang natira sa mundong ito. I met, Vera. Matangkad, chinita, morena and maganda, katulad ko.
"Sabay tayo?" Sabi ko. Nandito kami sa classroom at papalabas pa lang. Kakatapos lang ng class namin.
"Okay." Sagot niya at lumabas na kami ng classroom. Pumunta muna kami sa classroom ng ate ko para sabay-sabay na kaming uuwi. Mia, ang pangalan ng ate ko. She is now a senior. Matangkad, maputi and maganda.
As of now, we are currently waiting for a jeepney. Yeah, wala kaming service kasi hindi naman kami mayaman pero hindi rin naman kami poor, normal lang. Nung nakasakay na kami ng jeep ay ang daming estudyante ang sumakay rin doon kaya ang resulta para kaming mga sardinas dito. Sobrang sikip nakakainis naman kasi ang iba eh alam na ngang puno iyong jeep sasakay pa rin. In front of me was an unfamiliar guy, I paid no attention to him but he just keep on staring. Duh! I know I'm pretty. (sobrang mahangin lang talaga ako)
~*~
One week passed like a blur. Naalala niyo ba iyong sinabi kong 'AN UNFAMILIAR GUY'? Well guess what? Crush ko siya. I don't know why and I don't know how. I mean, to be honest hindi naman siya gwapo (medyo lang) pero ang masasabi ko lang I like his smile. Everytime he walks by my heart beats fast and Everytime I see him smile, napapangiti na rin ako. His name was, Xavier he is on the same year level as me, Freshmen. Nag-promise talaga ako na magpapakilala ako sa kanya and that day came.
Nasa labas ako ng classroom at nagta-tambay kasama si Vera at si Cassie, kaklase ko.
"Psst. Diba si Xavier iyon?" tanong ni Cassie kay Vera. Tumingin naman ako sa right side at nandon nga si Xavier.
"Oo nga. Sandra, si Xavier oh." sabi ni Vera at tinuro si Xavier. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Wag mong turuin. Psh."
"Sorry na." Hingi niya ng tawad.
"Diba nag-promise ka na magpapakilala ka? Ito na iyong chance." sabi ni Cassie. Hindi ko alam kung lalapit ba ako o hindi but in the end I thought I made the right choice.
"Hi, S-Sandra." Nauutal kong sabi. Hindi siya kumibo at ngumiti lang. Kasama niya ang kaibigan niya na parang kinikilig. Para na akong tanga dito kasi hindi niya ako kinakausap.
"Hi, Sandra." sabi ko at naglahad ng kamay and to my surprise nakipag-shake hands siya and that's when the day I regretted. After that incident, I tried everyting just to have a conversation with him but then it didn't turn out well.
"Sandra!" Tumingin ako kay Vera na nakatayo malapit sa pintuan.
"Bakit?" Tanong ko habang inaayos ang mga gamit ko. Nilagay ko ang mga libro na kailangan kong basahin para sa isang test bukas. Today is thursday and that means may basketball game ngayon. Forgot to tell, Si Xavier ay isang basketball player.
"Nagsisimula na!" Tili niya. Naguguluhan akong tumingin sa 'kanya.
"Ang alin?" Naguguluhan kong tanong. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko hanggang sa sumigaw si Vera.
"ANG BASKETBALL GAME!" Napatigil ako at napatingin sa 'kanya. Dali-Dali kong inayos ang bag ko at umalis na sa room. Nang nasa basketball court na kami nakita ko agad si Xavier.
"Oy! Ang galing ni Xavier kanina." Sabi ng isa kong kaklase na di ko masyadong close pero alam niya na crush ko si Xavier. Thanks to my bestfriend, Vera almost everyone in our class knows about it. Yeah, I really thank her for what she did. Note the sarcasm.
"Oo nga. Ang galing." I faked smile. Pa'no ba naman? Hindi ko nakita si Xavier na naka-score kaya ayan malungkot ako. Hindi naman kasi sinabi kaagad ni Vera kaya ayan sinisisi ko siya dahil nalate kami. I didn't continue watching the game at umuwi nalang. Minsan magkasabay pa kaming umuwi ni Xavier pero hindi as in sabay, iyon lang magkasabay kami sa jeep, and coincidence lang ang lahat kapag nagkasabay kami because I know to myself that we're not destined, masakit mang aminin pero tinanggap ko pa rin. Whole-heartedly.
One Day, I was waiting for him to pass by because I wanted to say hello. When he passed by I runned away because I was shy. So ang nangyari, tinawag ni Vera ang isang kaklase ni Xavier sabi namin na I said 'Hello' and what I get in reply was a 'F**K YOU'.
I just laughed at his reply but deep inside I was hurt. Masakit, sobra. Sino ba namang hindi masasaktan kapag sinabihan ka ng ganyan at sa taong gusto mo pa? Hindi ko akalain na may ganong ugali pala siya. Hindi ko akalaing iiyak ako para sa kanya na hindi naman worth it. I didn't know love could hurt this much. Bago lang ako sa pag-ibig eh anong magagawa niyo? All I really wanted was for him to notice me and appreciate what I feel.
Ang gusto ko lang naman ay pansinin niya ako.
◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆
Based on a true story, somehow.