Minsan sa buhay ko, nangarap ako ng isang "Happy Ever After" Love Story.
Bilang isang masugid na tagahanga ng mga FairyTales, gustong gusto ko na laging masaya ang ending.
Dahil sa mga istoryang ito na talaga namang tumatak sa isipan ko, hindi ko maiwasang mangarap na sana ganun din ako.
Sana ang Love Story ko ay tulad ng mga napapanood ko...
Na sana, may Isang magiting na Prinsipe ang magmamahal sa akin...
Na sana, mangyari din sa akin ang Happy Ever After na mayroon si Cinderella, Sleeping Beauty, Snow White, isama na rin natin si Princess Fiona.
Nakakainggit no?
Kasi sila, kahit na may ilang pagkakaiba sila ng mga partner nila, mahal pa rin sila ng mga ito. Ganun ba talaga sa Fairy Tales?
Ang daya naman.
Pero kahit na unfair ang mundo, hanggang ngayon, naniniwala pa rin ako sa "Happy Ever After" na mayroon sa mga napapanuod ko...
At dahil iyon ang gusto ko, nabuhay ang pangarap na yon sa akin nang makilala ko si F.
***********
December 2012
Una kaming nagkakilala dahil kay A. Bestfriend ko si A, nagbakasyon sila sa probinsya nila. Nagkita sila ng mga kamag-anak nila. Si A ang nagbigay ng number ko kay F na malayong pinsan niya. Simula ng araw na yon ay madalas na kaming nagkapalitan ng text messages.
Dumating ang puntong nagtapat siya sa akin ng nararamdaman niya. Oo mabilis kung iisipin, pero mas nangibabaw sa akin ang takot at pagkagulat. Sa mga nabasa ko na mga mensahe niya ay hindi kaagad ako nakasagot bagkus ay tinanggihan ko siya.
Tinanggihan ko siya sa maayos na paraang alam ko. Oo, doon pa lang ay nasaktan na siya dahil sa ginawa ko. Patawad kung nagawa ko yon. Pero noong mga panahong iyon na nagtapat siya ay hindi pa ako handa.
Oo, nangagarap ako sa "Happy Ever After" na nangyayari sa mga Fairy Tales, pero hindi naman siguro tama na sa ganoong kabilis na paraan mangyayari yon.
Dahil sa pagtanggi ko sa pagmamahal na inaalay niya ay nagkaroon ng ilangan sa pagitan naming dalawa. Alam kong kasalanan ko kung bakit kami nagkakailangan.
Pero, sa bawat ilangan na naghahari sa aming dalawa ay tila may kurot akong nararamdaman. Hindi ko alam kung bakit pero parang masakit.
Am I getting attached with him?
Nung maisip ko ang bagay na iyan ay nagsimula akong I-evaluate ang nararamdaman ko. Tama man o mali ay ginawa ko pa rin para makasigurado ako.
Lahat ng palitan namin ng mensahe ay paulit-ulit kong binasa. Lahat ng mga napag-usapan namin ay paulit-ulit kong inalala. Lahat ng mga natatandaan kong efforts na ginawa niya ay sinariwa ko din sa aking diwa.
Ilang araw pa ang lumipas at unting-unti nang nawala ang ilangan sa aming dalawa. Sa mga araw na iyon ako nagkaroon ng pagkakataong tanungin ang sarili ko kung 'ano na ba talaga?'
Sa muli naming pagpapalitan ng mensahe ay muli din niya akong tinanong.
"pwede ba kitang ligawan, sa pangalawang pagkakataon?"
"Oo" tugon ko.
Sa ilang araw na hindi kami nagpapansinan ay nakakaramdam ako ng sakit sa may bandang dibdib ko. Ito na ba to? Tanong ko sa sarili sa tuwing nakakaramdam ako ng sakit. Wala akong sakit sa puso pero bakit may ganito sa katawan ko? "Ito na nga yata 'to" muling tugon ng isipan ko.
BINABASA MO ANG
Happy Ever After ... No More
PoetryBelieving in Fairy Tales' "Happy Ever After" is not my Love Story's Forte. Mine's is worst more than that. I'm Y and I'm the one who brought "bad" images to girls out there.