chapter 21

1.3K 45 0
                                    

Zoe's POV

Kunot noo kong tinitignan yung telepono ko, bwisit na tumatawag yan, madaling araw tumatawag tapos kapag sasagutin ko naman ay walang nagsasalita

'Sira ba ulo mo? Tantanan mo akong bwisit ka'

Message sent!

Ilang segundo lang ay may natangap nanaman akong text

1 new message

'Gusto mo bang tantanan kita?'

Napairap na lang ako sa text nito

'alam mo bwisit ka'

Message sent!

Ilang segundo nanaman ay may natangap nanaman akong mensahe, nagkaroon pa ako ng text mate hayop na yan.

1 new message

'I will leave you alone kung meron ka ng boyfriend'

Napatawa naman ako ng malakas dahil sa sinabi nito, baliw na ang asungot

'corny'

Tanging text ko atsaka pinatay Yung telepono ko at bumalik sa pagtulog

---

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa balat ko, napaunat ako atsaka uminom ng kaonting tubig, nang tinignan ko yung orasan sa kwarto ko ay alas diyes na pala ng umaga, putek, may lakad pala kami.


Naligo na ako at nagbihis, bago ako lumabas ng kwarto ay pinagmasdan ko muna yung itsura ko, nangunot naman ang nuo ko dahil sa suot ko dahil hindi ko tinignan yung sinuot ko dahil sa pagmamadali ko kanina.

Nakasuot ako ng puting bistida na parang may belt na itim pero hindi naman talaga belt  dahil nakadikit ito sa bistida, tapos rubber shoes ng kulay puti, tapos yung ayos ng buhok ko ay nilugay ko lang siya pero hindi siya kulot

Pagkatapos kong pagmasdan ang itsura ko ay agad akong lumabas at pumunta sa kotse ko saka nagmaneho na

---

"Yow! Zoe! Nangdiyan ka na pala! And ooh! Nakakahiya sa mga damit namin" sabi ni Jane habang nakataas ang kamay tapos ay tinignan yung damit ko

"Dapat lang na mahiya ka"sabi ko
Tapos ay binigyan siya ng ngisi

"Ang yabang mong tomboy ka! " Nakakalokong sabi ni Hariz

"Parang ikaw" tugon ko atsaka binigyan siya ng nakakalokong ngiti

"Eh---"may sasabihin pa sana si Hariz

" sige magsalita ka pa at talagang sisikmurahan kita." sabi ko tapos pinakita ko pa yung kamao ko sa kanya, bad trip talaga.

"Tomboy talaga" pabulong na sabi ni Hariz,

"talagang" nanggigigil kong sabi kaya hindi ko na napigilang mabatukan siya, bwisit eh.

Napahimas naman ito ng kanyang ulo

" tumigil na nga kayo!" suway ni Tandang Hervin

"Tss. Matanda pa din" bulong ko atsaka umupo at lumamon na sa mga pagkaing nakalapag sa harapan namin


"Cr muna ako guys" Sabi ni Hariz atsaka umalis, ilang minuto lamang ay may nagvibrate mula sa bag ko, agad ko namang hinanap yung cellphone ko, may nagmessage sa akin, nangunot naman ang noo ko nang makita ko ang sarili ko, bwisit na picture yan, hindi talaga marunong kumuha ng litrato ang asungot na ito at nakanganga pa ako sa litratong ito. Bwisit talaga

" ui Ken at Zoe bakit parang may malaki kayong problema?" sabi ni Heza, tinignan ko naman ito at bahagya itong ngumiti

Inihagis ko yung cell phone ko sa gitna nang lamesa at inihagis din ni Kumag yung kanya kaya nagbangaan yung cellphone naming dalawa, agad namang tinignan ng mga kasama namin yung nasa telepono namin

"Ano nakita niyo na? Nabali na ba mga leeg ninyo?" Sabi naman ni Kumag, corny ang putek.

"Oo nakita na namin, so meaning kailangan niyong maging kayo ulit para lubayan kayo ng stalker niyo? "sabi ni Heza habang nakangiti

" yeah" sabi ni Kumag atsaka ngumisi, napairap naman ako

"Mga sira ulo ang sabi ay lulubayan ako kapag may shota ako hindi niya sinabing magiging kami nitong Kumag na ito" nagngingit ngit ang ngipin long Sabi, bad trip talaga.

"So kayo na ulit?" masiglang sabi ni Jane, kung hindi ko lang tropa tong mga ito iisipin kong sila may kagagawan nito

"Baliw ka! Hindi ko papatulan iyang kakornihan niyang asungot na yan" hindi ko na naiwasang taasan ang boses ko

" simulan niyo nang maging kayo!" Napalingon naman ako sa boses na nagsalita sa likod namin, bwisit na Hariz na yan.

"Nauulol na ba kayo?" Naiinis na talagang sabi ko

"Huwag ka nang umarteng Chaka doll ka, jowain mo na ang papa Ken" seryosong sabi ni Jonathan, mga kupal.

"Bakit ba kasi pinagpipilitan niyo yan?" Kalmado kong sabi.

"Siyempre kasi makikita ko na ulit ang tambalang Kenzoe!" sabi ni Jane

"Mga kupal kayo " pabulong ko nang sabi, suko na ako.

"Pwede bang bigyan natin ng pangalawang pagkakataon yung atin Zoe?" Napatingin naman ako kay Kumag dahil sa sinabi niya, bahagyang lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko ngunit hindi maaalis ang sakit na idinulot nito noon sa akin.


"Ano bang alam mong dahilan kung bakit nagwakas iyang sinasabi mong 'atin'?" Walang ganang sabi ko, tumahimik naman yung mga kasama namin at parang tuod na naka upo


"Ano nga ba?" Emosyonal na Sabi ni Kumag sa akin, bakla talaga.
Hindi ko siya sinagot at tinitigan ko lang siya ng diretso


"Hindi ko nga alam Kung bakit mo ako iniwan" nakayukong sabi ni Kumag, napaiwas naman ako ng tingin dahil ayaw kong pati ako ay maapektuhan sa ipinapakita nitong emosyon

"Ah sige labas muna kami saglit" Sabi ng mga kasama namin at tahimik na umalis sa lamesa namin, naiwan naman kami ni Kumag dito


"Ano bang ginawa mo nung iniwan kita" diretsong tugon ko


"Iniwan mo ako ng hindi ko alam ang dahilan" nakayuko pa rin nitong sabi


"Wala nga ba?"

"Gusto kong marinig mula mismo sa bibig mo kung anong dahilan mo" Sabi ni Kumag atsaka dahan dahan akong tinignan, napaiwas naman ako ng tingin


"Si Trisha" maikling tugon ko, kakaiba nga sa pandinig ko kung Trisha lamang ang tawag ko dito

"Nung mga panahong iyon ay kapareha ko si Trisha sa pagmomodelo, nang magtransfer siya sa paaralan natin ay hindi ko inaasahang magkaparehas kami ng kurso at ng room Kaya lang naman kami madalas na magkasama noon ay dahil kapareha ko siya sa isang project namin sa major subject namin" mahabang sabi ni Kumag at diretsong nakatingin sa mga mata ko kaya alam kong hindi ito nagsisinungaling


"Kasama din pala sa project niyo yung paghahalikan" nakangising sabi ko


"Nandoon ka?" Gulat nitong sabi "noong panahong iyon" simula nito "umamin si Trisha na may gusto daw ito sa akin at akmang hahalikan ako pero umiwas ako, hindi kami naghalikan, totoo, sinabi ko sa kaniyang ikaw ang mahal ko, pagkatapos nun ay bigla kang nakipaghiwalay sa akin " emosyonal nitong sabi sa akin, napatigil naman ako sa sinabi nito kaya napaiwas ako ng tingin, nakaramdam naman ako ng pagsisisi at pagka awa.







Matagal na katahimikan ang namagitan sa akin kaya napagdesisyonan Kong basagin iyon



"Yung mga kupal na kasama natin kanina, alam kong sila ang may pakana ng mga natatangap nating text"

-End of Chapter-

Ang Boyish Kong GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon