Normal

595 24 33
  • Dedicated kay Mentally Challenged Persons
                                    

Madalas kong sabihing normal ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Madalas kong sabihing normal ako. Hanggang sa may nagtanong sa akin, isang babaeng nakasuot ng puti, katamtaman ang haba ng kanyang buhok, nakasalamin, nakaupo sya sa harap ng kinauupuan ko, at nagtanong, "Paano mo nasabing normal ka?"

Ang isinagot ko, "Dahil katulad ako ng ibang tao. Kaya kong gawin ang kayang gawin ng iba. Kaya kong intindihin ang kayang intindihin ng iba. Katulad nila, ganun din ako. Sa madaling salita normal ako."

Nagpakita sya ng ngiti sa akin, "Kailangan bang maging katulad tayo ng ibang tao para lang masabing normal tayo?" Pinawi nya ang ngiti sa kanyang mukha kapalit ng malalim na titig nya sa aking mga mata, "Ang salitang normal ay alam mo lang bigkasin, ngunit hindi mo alam ang ibig sabihin."

Imbis na maliwanagan ako'y mas lalo lang akong naguluhan. Ang akala kong magiging maayos ay mas lalo pang naging magulo. Ang tuwid kong mundo noo'y biglang nabago, sa napakakumplikado at magulong mundong kinalalagyan ko ngayon.

"Mga ate! Mga Kuya! Halina po kayo dito sa Social Hall! Magsisimula na po ang ating AM activity!" Biglang nagising ang utak kong nasa kasarapan ng pagtulog nang marinig ko ang isang boses na pinalakas ng mikropono.

Pagbangon ko'y nakita kong nakatutok ang maliit na kamay ng orasan sa ika-siyam na numero at ang mahabang kamay naman nito'y nasa ika-labindalawang numero. Parehong oras ng gising ko kahapon, at parehong dahilan kung bakit ako nagising. Isinuot ko ang polo-shirt kong kulay puti at saka ko binuksan ang pinto ng kwarto ko para lumabas.

Pangalawang araw ko ngayon dito sa lugar na kinalalagyan ko, ang mundong mas malala pa sa preso na kung minsa'y mas gugustuhin ko pang nasa preso nalang kaysa mapabilang at maging isa sa mga taong may kanya kanyang mundo.

Bumaba ako para sundan ang boses sa mikropono na nanggagaling sa ikatlong palapag. Mataas ang gusali na kinalalagyan ko, limang palapag ang mayroon ito. Makikita sa unang palapag ang lobby, naruroon din ang opisina ng abnormal kong doktor. Sa ikalawang palapag makikita ang canteen, at ang mga opisina ng mga staff, naruroon din ang ilang mga kwarto kung saan tumatanggap ng mga bisita ang mga pasyenteng nandito. Nasa ikatlong palapag ang tinatawag nilang Social Hall, kung saan isinasagawa ang mga walang kakwenta-kwentang aktibidad. Sumunod dito ang ikaapat na palapag, ang kwarto ng mga pasyente. Naririto rin ang kwarto ko pero hindi ako pasyente. Ang pinakamataas na palapag ay ang panglima, ang rooftop na may basketball court at garden.

Nang marating ko ang Social Hall ay naabutan kong nagsisimula palang ang AM activity na pinamumunuan ng mga estudyanteng nakasuot ng kulay puting uniporme. Pare-parehong mukha pa rin ang nakikita ko simula pa kahapon. Kung sino ang mga nakita ko kahapon ay sila rin ang nandito ngayon.

Kahapon ang unang araw ko dito at naabutan kong isinasagawa nila ang iba't ibang laro gaya ng Binggo, Chess, Pile-up, Domino, Checkers, Sungka, Scrabble, at Snake & Ladder. Sa ngayon, napansin kong hindi nila dala ang mga kagamitang dala nila kahapon, marahil ay ibang activity ang isasagawa nila ngayon.

Bigla akong nagulat nang tawagin ako ng estudyanteng may hawak ng mikropono, "May bago po tayong dating! Si kuyang nakakulay puti! Pakilala po tayo dito sa harap kuyang nakakulay puti!" Nabaling ang atensyon ng lahat sa kinatatayuan ko. Mapa-estudyante man at maging ang mga pasyente rin ay naghihintay ng pagpapakilala ko.

NormalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon