(Kevin's P.O.V)
"Ah, gutom na ako..." ungot ng payaso habang hinihimas ang kaniyang tiyan.
Napailing na lang ako.
Naglalakad na kami ngayon papuntang cafeteria ng Falerio Main, tapos na kasi ang klase namin para sa umagang ito at kanina pa kami kinukulit ni Umin na kumain na dahil hindi pa raw siya nakakapag-breakfast dahil sa pagmamadali nitong makarating sa meeting namin.
Kasalanan ba namin kung tulog mantika siya at natanghali ng gising? Tapos na nga ang meeting ng dumating siya. Buti na lang at nagugutom na rin kami kaya ito papunta na kami ng cafeteria.
Habang naglalakad kami ay tumitigil ang ibang studyante sa mga ginagawa nila at tumatabi sa dinaraanan namin. Bahagya pa nilang niyuyuko ang mga ulo bilang pagbati.
Hindi na bago ang ganitong eksena sa FIU, dahil lahat ng naging member ng Wolf88 ay ginagalang ng mga students na animo ay mga panginoon. Hindi ko alam kung sinong nag-pauso nito. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad na parang walang nakikita. Sa totoo lang kasi ay naiiling kami sa ganitong atensyon ngunit wala naman kaming magagawa dahil ito na nga ang nakagawian.
"Hey, who is that girl?" napatingin kami sa tinuro ni Levin.
Sa di kalayuan ay may mga grupo ng mga babae na mukhang nagaaway-away at sa gitna ng mga ito ay isang babae na parang walang pakialam sa mga nangyayari. Nakatayo lang ito roon at walang ginagawa.
Napakunot ang noo ako nang mapagmasdan ang babae. Parang kilala ko siya... pilit ko'ng inalala sa isip ko kung saan ko nakita ang babaeng ito.
"Bakit mukhang walang buhay ung babae?" nagtatakang tanong naman ni Ken.
Bigla naman pumasok sa isipan ko ang nangyari kagabi habang naglalakad ako sa Falerio Grand. May hawig nga ito sa babaeng nakita ko kagabi. Ang pinagkaiba lang ay nagliliwanag ang napakaputi nitong balat dahil sa sinag ng araw. Pero hindi pa rin maitatago noon ang kawalang emosyon ng babae. Nakatulala lang ito kung saan na parang walang buhay, animo'y hindi siya humihinga.
Napatigil sa pagkakagulo ang dalawang grupo ng mga babae nang biglang ipadyak ng misteryosong babae ang kanang paa nito na parang wala lang dito ang naging epekto. Ngunit ang epekto ng ginawa nito ay makikita sa mga babae na nakapaligid dito na ngayon ay mga nakahandusay na sa damuhan at ang iba ay walang malay. Ang simpleng pagpadyak ng babae ay nagdulot ng malakas na pagyanig sa paligid nito.
Maging sa aming kinalalagyan ay naramdaman ang pagyanig na naging sanhi ng bahagyang pagkatumba ng mga studyante na nakapaligid sa amin. Tanging kaming labing dalawa lang ang hindi napektuhan.
Ganun pa man ay hindi namin maitatanggi na ang mukhang simpleng pagpadyak niya na iyon ay labis ang epekto sa palagid.
"Wow!" basag ni Aly sa katahimikan. Mababakas ang paghanga sa mukha ng iba pang member ng Wolf88.
Aaminin ko na maging ako ay humanga. Maaaring ang kakayahan nito ay kapantay ng sa amin o higit pa. At hindi ko gusto ang nakikita ko. Hindi ako papayag na mahihigitan ako ng isang babae.
Umalis na sa pagkakatayo sa gitna ang babae at naglalakad pa punta sa direksyon namin. Tahimik ang paligid at tanging ang pag-ihip lang ng hangin ang maririnig. Mababakas rin ang takot at pagkabigla sa mukha ng mga studyante. May ilan na hindi naiwasang magbulungan.
"I've never seen her before."
"Why she seems like a living dead?"
"Nakakatakot!"
BINABASA MO ANG
She's a Living Dead
FantasyKevin Li is one of the top students of Falerio International University--an institution that train students to become a special agent. He is one of the member of Wolf88, a group of top 12 students of FIU. During his last year in the university, he...