HRHG 33: No Secrets Stayed Unrevealed

67.6K 1.7K 154
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

"There are no secrets that time does not reveal." 

— Jean Racine

⚜⚜⚜

Rissy's POV

"Sige, subuan na ulit kita para makapagtake kana ng gamot," sabi ko saka umupo sa tabi nito ng biglang tumutol ito.

"Mamaya na!" sagot nito na ikinalingon ko sa kanya. "I mean, mainit pa kasi," saka ito nagpakawala ng matamis na ngiti.

Naisip ko, di pwedeng magtagal ako dito sa bahay niya, at kailangan din niyang uminom ng gamot.

"Hihipan ko nalang ng mabuti para hindi mainit," sabi ko at parang nahihiya itong tumango. Kinuha ko ulit ang soup saka sumalok ulit gamit ng kutsara saka hinihipan ito ng husto.

Parang napipilitan lang na lumunok ito kaya napasimangot ako. "Ayaw mo lang eh," sabi ko sa naiinis na tono.

"Hinde, zaya. Masarap, promis. Dali na, subuan mo na ako, gutom na gutom na ako eh," paglalambing nito at napasimangot na ginawa ko naman.

Nahuli kong ngumingiwi ito kaya binaba ko ulit ang bowl sa tray. Naiinis na tiningnan ko siya. "Ayaw mo eh. Nakita kong ngumiwi ka!" naiinis kong sita.

"Hindi nga." Nakangiting sabi parin nito. "Kaya ako ngumingiwi kasi ang hirap lumunok," parang nagdududa pa ito kaya lalo akong nagduda sa kanya. "Masakit kasi ang lalamunan ko, zaya. Sige na, yan oh, malapit ng maubos. Kita mo, masarap eh," panggagantso pa nito kaya sinubuan ko ulit siya. Sa panghuling subo, biglang parang masusuka na ito. Mabilis ko namang kinayod ang konting natitira saka ito tinikman. Muntik kong ng mabitawan ang bowl at ibuga ito sa mukha ni Maxwell ng malasahan ko ang pait ng ampalaya at super maalat pa ito.

Lalo tuloy nag-init ang mukha ko. "Bakit hindi mo sinabi?" parang naiiyak kong sabi, saka mabilis na kinuha ang tray na parang maiiyak ako sa inis.

Imagine kinain nito ang lahat ng soup na nilagay niya sa bowl. Ultimo konti lang na nilagay ko sa aking bunganga, muntik na akong maduwal.

"Zaya, masarap naman eh. Tsaka gusto ko ng bitter food, promise," sinundan ako ni Maxwell pababa, sobrang lambing ng boses nito. Pilit akong kinokonswelo, kahit na alam kong pilit lang ito.

"Hindi eh, baka magkasakit ka lalo." Nagpadyak pa ako sa inis ko. Mabilis kong nilagay ang maduming plato sa sink at saka hinugasan ito. Hinugasan ko narin ang mga ginamit ko.

"Hindi yan. Ako pa! Kahit ano, kinakain ko, kaya okay lang ako. Wag ka ng mag-alala, okay lang ako. Tsaka gusto ko ang soup, para sa akin, the best!" pagkokonsola nito.

Tiningnan ko siya pagkatapos kong hugasan ang huling kubyertos. Nailang ako bigla ng napagtanto kong nakaboxer lang ito. Kaya tuloy nakabalandra sa pagmumukha ko ang kanyang alindog.

Damn, pandesal.

Mabilis ko namang inilipat ang tingin ko sa kanyang mga mata. "Sigurado ka?" nabawasan ang pagkapahiya ko ng ngumit ito ng matamis saka tumango.

He narrowed our gap and then encircled his hand around my waist. Lalo namang parang kinikiliti ako from head to toe. Ramdam na ramdam ko ang matitigas nitong dibdib at tiyan na nakadikit na ngayon sa aking harap. Parang gusto kong paraanin ang palad ko sa perpektong katawan nito.

Mabilis ko namang iwinaglit sa aking isipan ang kamunduhan at sinuri ang mga mata nitong nangingislap na ulit. Masaya ako at hindi ko alam ang dahilan. Pakiramdam ko, lumulutang ako sa pagkakalapit palang namin.

Billionaire's Game (Black Omega Psi Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon