one

38 1 0
                                    


[before prologue]



Third Person's POV



"I'm fabulous right?" Tanong ng babaeng may red na buhok.




Napangiwi ang batang babae sa sinabi ng dalaga. "Oh? Ba't ka napangiwi?" Asik ng dalaga tsaka pinandilatan ng mata ang bata kaya ito umiyak sa takot at tumakbo.




Naiwang tumatawa ang babae habang nakahawak sa tyan. "I'm so awesome!" Proud niyang sabi.




"MISS FRITZ!!!" Umalingawngaw ang sigaw ng principal sa buong hallway kaya napatakip ang dalaga ng tainga.



"Ano na naman ba, Piggydy?!" Iritableng sabi ng babae.




"DETENTION!!!" Sigaw na naman niya.



She flipped her red hair and smirk. "I knowness, Piggydy." Sarkastiko itong tumawa at tumakbo. Naiwang namumula at umuusok ang ilong ng ginang sa ginawa ng dalaga.



***



"What about the other files, Sir?" Tanong ng business woman sa isang lalaking may dalang suitcase.




"Burn it."



"Anong burn it?! Nandun ang files ng ate ko!"



Nagulat ang dalawa sa malakas na sigaw ng lalaki na nakikinig pala sa kanila. Lumapit ito at kinuwelyuhan ang lalaking may suitcase.




"Wala nang kwenta ang laman nun at hindi mapapakinabangan." Kalmadong sabi ng business woman.




"What?! Are you high?!" Tahasang sabi ng binata. Dumating ang body guard ng lalaki at hinila ang binatang nagpupumiglas pa rin. "Damn! Lalayo na ako. Bitaw." Sabi nito. Binitiwan nila ang binata.

Faked SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon