Alexander pov!
"Boss okay na po. Nagawa ko na ang pinapagawa mo." napatingin ako sa relo ko. 8:32 palang.
"Sige. Umalis ka na dyan."
"Sige po boss. Palabas na ako."
pinutol ko na ang tawag ko kasabay naman ng pagkatok ng janitor."Come in."
"Sir ito na po yung mga susi."
"Okay. Here. Take this." kinuha ko ang susi mula sa isa sa kanila at inabutan sila ng pera pero nagdalawang isip pa silang tanggapin ito. "Take this." pag.uulit ko kaya kinuha na nila.
"Maraming salamat po."
Tinanguan ko lang sila at tumayo na.
"Siya nga pala bukas sa guard niyo na lang kunin tong susi. Umuwi na rin kayo."
"May lilinisin pa po kami sir."
"Hindi. Umuwi na din kayo at pumasok na lang kayo ng maaga bukas para matapos niya ang paglilinis bago ang working hours."
"Sige po sir."
Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa bulsa at iniwan na sila.
************
Lory pov!
"Nasaan ka na ba Princess?" tumayo na ako habang hawak ko ang usb para iprint yung mga ginawa ko habang kausap ko si mommy na halatang nag.aalala na naman.
"Nasa office pa po ako mom."
"Anong oras ka ba uuwi?"
"Hindi ko po alam pero malapit ko ng matapos tong ginagawa ko. May problema po ba?"
"Wala naman. Isasama ka sana namin ng dad mo sa party ng tito Terry mo." Si tito Terry yung isa pang kaibigan ni dad na isa ding lawyer.
"Hindi po ako makakasama. Pasabi na lang po kay tito." ayoko din namang dumalo sa party na yun kasi kahit matalik na magkaibigan si dad at tito Terry naiinis ako sa anak niya dahil ang kulit din ng isang yun. Hindi ko na muna ikwekwento.
"Sige. Paalis na kami ng dad mo. Ipapasundo na kita sa driver natin."
"Hindi na po mom may dala po akong kotse. Ayos lang po ako. Ingat po kayo ni dad. I love you po."
"Ikaw din ingat sa pag.uwi. I love you Princess. Tawagan mo ako pagnakauwi ka na okay?"
"Sige po. Tatawag na lang ako."
Binalik ko sa bag ko ang phone ko at sinubukan ko ang printer na nasa office ni Xander pero sira pala ito.
"Hayy naku! Walang kwenta kagaya ng boss niya!"
Wala akong choice kundi ang lumabas at maghanap ng printer sa ibang office.
"Yun!"
Pero hindi ko mabuksan ang pinto. Nakalock na ito.
"Naman! Ang aga naman ata nilang magsara."
Naghanap ulit ako sa floor na yun pero lahat ng merong printer nakalock na lahat ang pinto kaya kailangan kong bumaba. Bakit parang ang wierd sa pakiramdam. Parang ako na lang ata ang tao dito.
Habang palapit ako sa elevator pakiramdam ko lumalamig ang hangin. Hindi ko alam kung dahil sa takot dahil wala ng ni isang tao sa paligid o may multo talaga dito kagaya ng sinasabi ni Xander. Totoo nga ba yung multo na sinasabi niya? Baka totoo nga kaya maaga silang nagsisiuwian dahil nangangambala na yung multo.
Parang nanigas ang katawan ko dahil hindi ako makagalaw para pindutin ang button ng elevator.
"Paano kung makasabay ko yung multo sa loob ng elevator? Ano ka ba Lory hindi totoo yan. Walang multo. Gutom lang to." gutom na guton na ako. Kumukulo na ang tiyan ko.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Fake Idiot Fiance
RomanceI'm not an ordinary man kaya mula bata hindi ko naranasan ang magkaroon ng ordinaryong buhay at mas lalo itong gumulo when I met this girl na unang babaeng naglakas ng loob na kalabanin ako. Yes, she is strong but she's not clever in short tanga siy...