Chapter Twenty-Six
A Choice to Make, A Life to Save
HE DREAMED again.
Alam niyang panaginip lang iyon dahil nasa harap niya si Desdemona. Nasa isang malaking silid sila, nakaharap sa isang fire place. May mga upuan doon pero walang ibang tao kundi silang dalawa lang. Ang tanging liwanag doon ay ang apoy mula sa fire place. May wooden cabinet doon na maraming naka-display na mga maliliit na bote na iba-iba ang kulay. Sa isang sulok ng silid ay isang lumang grand piano. Merong music sheet sa harap ng piano.
"Magaling kang mag-piano, 'di ba?" tanong ng babae.
"Sa lahat ng musical instruments na kayang tugtuging ng pamilya ko, 'yon lang ang nakakuha ng interes ko," aniya saka lumapit sa piano. Naaalala niya ang gabing tumugtog siya sa harap ng maraming tao at ni Queen Diamond.
"Pwede ka bang tumugtog para sa akin?"
Umupo siya sa harap ng piano. Tumugtog siya ng isang piyesang alam niya. Nakaramdam siya ng lamig nang ipatong ni Desdemona ang isa nitong kamay sa kamay niya. Her hand was icy cold, literally. Tiningnan niya ito. Hindi siya manhid para hindi maramdamang gusto siya ng babae. Naramdaman na niya iyon noong una silang personal na magkita.
"May asawa na ako," paalala niya rito.
"Alam ko pero hindi mo na siya makakasama."
"Hindi ako sasama sa inyo," matigas niyang tugon. "Kahit malaman pa ng mga kuya ko na ampon ako, hindi ibig sabihin ay sasama na ako sa inyo. Mabubuhay kami ng asawa ko malayo sa angkan na ito. Wala akong balak na magpagamit sa inyo."
Ngumiti ito nang matamis pero kinilabutan siya. Napakalamig tingnan ng mga mata nito. "Alam mo bang matagal ng walang control si Consuelo sa Umbra? Unti-unti ng nakukuha ng aming pinuno ang tiwala ng karamihan sa mga membro ng grupo."
"Tinatraidor ninyo ang clan matriarch."
"Kung ang pinuno lang namin ang masusunod, matagal na dapat siyang namatay pero kailangan pa namin siya upang bumalik ang mga Contreras sa Tierra del Cielo. Tapos na ang termino niya. Kahit may mapili pa siyang kapalit niya, hindi ibig sabihin ay susuporta ang mga primogenito. Marami ng pumapanig sa amin."
"Marami nga pero natatakot pa rin kayo dahil marami pa rin ang tapat sa kanya."
"Hindi maglalaon ay makukuha rin namin sila pero kung hindi, walang problema. Kaya namin 'yong gawan ng paraan," kumpyansa nitong sabi. She touched his cheek. Umurong siya. Mahina itong tumawa. "Ano ang kaibahan ng mga babae sa buhay mo noon sa akin?"
"Si Pro. Siya ang kaibahan. Marami akong naging relasyon bago ko inibig ang asawa ko pero nang ibigin ko siya, wala ng mga babaeng nakakuha ng atensyon ko kaya itigil mo ang pang-aakit sa akin dahil hindi 'yan tatalab," aniya saka tumayo at tinalikuran ito.
"Nag-aagaw-buhay ang totoong kapatid ng mga Contreras."
Natigilan siya saka muling binalingan si Desdemona. "Ano?"
"Nakagat siya ng isa sa mga alaga ni Oberon at walang manggagamot ang makakagamot no'n maliban sa mismong gumawa ng lason," anito. Marahas niya itong hinawakan sa balikat.
"Ano ang ginawa niyo kay Ethan?" sigaw niya.
"Nasa mga kamay mo ang kaligtasan ng totoo nilang kapatid, Ezra. Kung sasama ka sa amin, maililigtas mo siya pero kung magmamatigas ka pa rin, tuluyan na siyang mawawala. Hindi mo lang siya inagawan ng lugar sa pamilya, ikaw pa mismo ang papatay sa kanya," nanunudyo nitong sabi. Sumulak ang kanyang galit. He can feel his hand burning into Desdemona's flesh but instead of pain, all he can see is her sadistic smile.
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 9: Queen Diamond
FantasiaSymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. This is the first part of the story of the mysterious Contreras matriarch. Witness her hu...