17. I remember your MAGIC

43 4 0
                                    

<\ Wen Junhui POV />

Nasa backstage na kami pagkatapos naming magperform.

Nakaupo kami at nagpapahinga na. Katabi ko nga pala si Hao na pindot na naman ng pindot sa phone nya.

Palihim akong sumulyap, naglalaro lang naman pala sya ng piano tiles.

Ano bang inaasahan kong ginagawa nya sa phone nya? Kainis naman.

" Oppa! "

Napatingin kaming lahat, si Jash.

" Ay! Ahehe~ Sorry. Coups Oppa! " nag peace sign sya at lumapit na lang kay Hyung.

" Baket Jash? " nakangiti namang tanong ni Hyung sa kanya.

Tss. Parang ano tong si Hyung. Mas bata kaya yang si Jash.

" Si.... Jas kase... nawawala eh " mahina nyang bulong pero rinig ko. Malamang rinig rin yun ng iba

" Huh? Alam na ba ito ng mga- "

" Yun na nga eh. Sayo ko toh unang sinabi " napakamot naman ng batok si Hyung at lumayo sila sa amin

Aba!

Maya-maya pa ay nakita ko si Hao na todo nanaman ang pindot sa phone nya.

Natanaw kong hindi na sya naglalaro.

Nagta-type sya.... sumandal ako para mas malinaw na makita ang screen nya

Kinuha ko rin ang phone ko para kunyari ay may ginagawa ako, pero naka-dungaw na ako sa phone nya

Message sent to Jas Lim

Yun ba yung buo at totoong pangalan ni Jas?

Paano nagkaroon ng number si Hao ni Jas?

Teka. Sumagot na ata si Jas.

' Nasa labas ako. Basta sa maraming tao '

Nagtype ulit si Hao. Ako naman biglang tumayo.

Ewan ko kung bakit pero lumabas ako ng venue.

Pumunta ako sa maraming mga tao

Ano bang ginagawa ko?

" WALA KANG KWENTANG FANSITE!! SINISIRA MO LANG SI JUN!! "

Naibaling ko ang atensyon ko sa mga nagkukumpulan, natatanaw ko na may... nagaaway?

Dalawang babae, na nag.... hihilahan ng buhok?

" MAS WALA KANG KWENTANG FANSITE! MADAMOT KA!!! "

When I saw the other girl's face, nabigla ako.

Is that.... Erin?

So I excuse my self para makalapit sa kanila. Madaling nabigyan ako ng daan dahil malamang sa malamang kilala nila kung sino ang dadaan

" ANG PANGET MO PARA MAGUSTUHAN NI JUN-" sigaw ni Erin, oo sya nga. Its really her.

Napansin na nya ata ako.

Dali dali nyang binitawan ang buhok ng babae, ganun rin ito sa kanya.

Nabigla silang pareho sa kaharap nila ngayon, inaayos nila ang mga sarili nila.

" Oppa.... andyan.... ka pala " sabi ng babae na magulong magulo ang buhok

I hide my laugh inside me. Nakakatawa kase yung lipstick nya, sobrang kapal na mapula na lagpas lagpas tas ngingiti. Isipin nyo nga kung di ako dapat tumawa

Do You Believe In MAGIC? || Seventeen The8Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon