Yani's POV
“Yani naman eh.. Huwag ka na kasi umalis.”pangungulit ng pinsan kong si Joshua. Balak ko na kasing tumigil sa pagiging trainee ng Pledis entertainment.Bago niyo muna malaman ang ibang detalye tungkol diyan ay hayaan niyo muna akong magpakilala.Ako nga pala si Kim Yani.Yani na lang ang itawag niyo sa akin. At ang nangungulit nga pala sa akin ay si Hong Jisoo o mas kilalang Joshua ng upcoming boy group na SEVENTEEN. Naging magpinsan kami dahil magkapatid ang aming ama pero hindi ko alam kung bakit iba ang last name ko.Diba dapat Hong din ang last name ko? Hindi naman Kim si Eomma kasi Nam ang last name niya.Minsan nga naiisip ko na baka ampon lang ako pero ni minsan hindi nila pinaramdam sa akin na ampon ako.Mahal na mahal ako ng aking mga magulang.
“Huwag ka na kasi umalis...Please”sabi ni Joshua at nagpout.Ewan ko ba sa kaniya kung bakit ayaw niya akong umalis sa pagiging trainee..
“Eh ayoko nga eh. Sa California na lang ako.Mas gusto ko pang maging model kesa maging trainee.Magaling kaya akong rumampa”tumayo naman ako sa kina-uupuan ko at naglakad na parang model.
“Ang pangit.Hindi bagay.Para kang hamster na nagpapacute”sarcastic niyang sabi.
“Your so mean”naiirita kong sabi.
“Dito ka na lang kasi.Hindi na kita mababantayan kapag nandoon ka na...malapit ka na pati magdebut..tsaka ako... malapit na din magdebut..”nakangiting sabi niya.May point siya.Malapit na kami magdebut ng grupo ko eh..
“Hindi na ako bata para bantayan!”medyo pasigaw kong sabi.
“Joke lang.Huwag ka naman masyadong galit.But seriously malapit na ang debut niyo ng grupo mo..Mas mauuna nga kayong magdebut sa amin eh..Sa tingin ko nga medyo matatagalan pa kami”napansin ko nga yun. This past few days masyado na kaming nagppractice tsaka one week lang ang pahinga ko sa pagppractice.Kailan kaya ang debut nila?
“Sige na nga.. hindi na ako aalis.. but in one condition--”hindi niya ako pinatapos magsalita.
“ano naman yun?”tanong niya.
“Excited? May lakad?”sarcastic kong sabi. Pabitin muna... XD
“Grabe ka.. pabitin ka eh”sabi na nga ba eh. Yan ang sasabihin niya.
“Hindi ako aatend dun sa party”yung party kasi ay pagdiriwang ng Pledis Entertainment dahil lalo daw umaangat ang kanilang company at para na rin daw magkasama-sama ang mga trainee at artist ng sa ganon ay magkakilakilala kami in personal at makapagmeet sa isang party na para lang daw sa mga taga Pledis lang.