Eliz POVpagkatapos ng bangayan ng dalwa. naisipan ko yakarin si edna pumunta sa canteen, nagugutom na kasi ako kunti lang kinain ko kaninang umaga nagmamadali kasi ako baka malate. lam niyo na bago palang ako kaya bawal malate. wala kaming klase vacant time kasi namin.
pagdating namin sa canteen kunti palang naman ang tao kaya wala masyadong nakapila nagorder na agad ako ng makakain bumili ako ng spaghetti, fries at juice, si edna inorderan ko narin parehas nung akin kasi parang mainit ang ulo, ewan ko siguro dahil kanina. babalik nako sa upuan ko nang biglang may bumunggo sa balikat ko kaya tumilapon yung inorder ko na pagkain at alam kong sinadya yun. bakit ba ang hilig nilang bungguin ako? hays!
pagtingin ko sa likuran ko nagtatawanan ang grupo ng kababaihan at sila din ang bumunggo sa akin. problema ng mga to? may saltik ba ang mga estudyante dito?? daig pang nakatakas sa mental. di ko nalang sila pinansin at tinignan ko ang damit ko na sobrang dumi dahil sa sauce ng spaghetti. buhay nga naman.
nakita ko si edna na napatayo sa kinauupuan niya at papalapit sa gawi ko.
"Hoy! kayo dyan! anong tinatawa-tawa niyo may nakakatawa ba?! huh?!"turo niya sa mga babaeng nangbunggo sa kin. halatang naiinis siya dahil sa bakas ng tono niya.
"W-Wala" sagot nila kay edna.
"eh! yun naman pala eh! wag kayong tumawa dyan UMALIS NA KAYO! dahil kapag nabwisit ako sa inyo baka itong kinalat niyo na pagkain! ipakain ko sa inyo. naiintindihan niyo?! shooo! ALIS NA! Wag niyong hintayin uminit ang ulo ko!."taboy nito at tumingin sa akin. feeling ko nakakaawa ang itsura ko buti nalang nandito si edna.
"eliz, tayo muna sa locker papahiramin muna kita ng damit. hayaan mo na yung mga taong yun wala lang magawa siguro" yaya nito sa kin sumunod nalang ako sa kanya pero bago ako makalabas ng canteen napatingin ako sa papasok na si venice napatingin siya sa kin simula ulo hanggang paa kaya napatigil ako sa paglalakad
"Oh! what happened? siya ba ang panibagong binu-bully dito sa campus? siya ba ang NEW friend mo?" tanong niya kay edna pero nakatingin siya sa akin. hindi maarte ang tono pero mataray na may halong nangaasar. gets niyo? basta ganon.tumingin si edna kay venice pero hindi niya ito pinansin at kinapitan lang ang kamay ko.
"tara na eliz." yaya nito sa akin pero bago pa kami makaalis may inabot sa akin si venice at "handkerchief" iyon at tumuloy na siya papasok. baket? baket binigay niya saken to? mabait naman pala siya. napatingin nalang ako kay edna na nakataas ang kilay na hindi din makapaniwalang binigyan ako ng panyo. may binulong siya pero di ko narinig yun.
*****
(Girls locker room)
naupo muna ako sa upuan dahil kinukuhanan ako ni edna ng damit pamalit. hindi parin matanggal sa isip ko yung ginawa ni venice. parang ang saya ko hindi ko alam basta parang gumaan yung pakiramdam ko.
"lalim ata ng iniisip mo ah. may problema ba?" hindi ko namalayan na nakaupo na sa tabi ko si edna.
tumingin ako sa kanya.
"Wala naman, pedeng magtanong?"
"hmmm...ano yun?"
"close ba kayo ni venice?"sabi ko na may halong pagtataka nakita ko naman si edna umiwas ng tingin sa kin.
"ba't mo natanong?" tumingin ulit siya sakin.
"napansin ko kasi parang diniinan niya yung NEW friend kaya nacucurios lang ako. pasensya na...pero kung ayaw mo sagutin ayos lang."nakangiting sabi ko.
YOU ARE READING
I hate that I love you
Genç KurguSiya si Eliza Kim Aguilar, half chinesse, medyo nerd, moody girl, and simple girl. ayaw nya sa mga taong mayayabang, makulit, masunget, at sa lahat snobero.... pero paano kung isang araw ang pinaka-aayawan nyang tao ay mainLOVE sa kanya.... mahuhul...