Bakit ba nangyayari sakin ang lahat ng ito? Ano bang nagawa ko?"Maggie-chan, don't cry, please. I will be alright, Jaren's gonna be alright." umiiyak na pag-aalo sakin ni Lyre habang patuloy lang kami sa pagtakbo. I don't want to see her cry but I can't do anything.
"Lyre.", tinawag ko siya at nagawa niya pa akong lingunin sa kabila ng hirap niya sa paghawak ng twin sword niya dahil sa mga sugat na natamo niya.
"Maggie-chan.", patuloy pa rin siya sa pag-iyak kasabay ng pakikipaglaban sa mga sumusubok na lumapit sa amin. Kung may lakas pa sana ako, magagawa ko siyang tulungan. "Maggie-chan, alam kong pagod ka na pero pwede ba akong humingi ng pabor? Maggie-chan, kapag sinabi kong takbo, tumakbo ka kaagad ah?"
"Lyre.", ngumiti siya sakin at napasigaw ako ng matamaan siya ng punyal na hawak ng kanyang kalaban sa tagiliran pero agad niya rin itong nasaksak pabalik gamit ang mga espada niya na nababalutan ng apoy. "Lyre."
Sinubukan kong magpalabas ng pentaring sa kamay ko pero walang nangyari. Sinubukan ko rin ang hawakan ang mga halaman, umaasang mapapasunod ko ito, pero wala pa ding nangyari. Ano pa bang silbi ng pagiging
BINABASA MO ANG
Fates Entwined
FantasyThe Black Sorceress has risen and Eleria is in great chaos and only the bearer of the Circle of Shizuka shall defeat her. She has been chosen. The bearer of the mark has been born. The sleeping powers of Maggie must be awaken to kill Niyako, the Bla...