Chapter 1
She is wearing her elegant dress. She stared at the mirror in front of her, hindi nya lubos maisip na nangyayari ito sa buhay nya.
She definitely have no idea what will happened after this.Lumunok sya at pumikit . Kailangan nyang gawin ito.
" Yashia, You really need to do this" pang aalo sa sarili .
Lumabas na sya sa comfort room upang gawin ang misyon nya. Pasimpleng umupo sa table malapit sa target. May kausap itong businessman ngunit alam nyang paminsan minsan ay napapatingin ito sa kanya.
Nagring naman ang cellphone nya ng lumapit na ang waiter upang bigyan sya ng menu at hudyat na iyon upang gawin ang kanyang pag arte.
" Yes,.... oh it's okay, dont worry , yeah.. i understand sir. I hope we can still discuss it next time ...... yes sir.Thank you. " sagot nya sa kausap. She sighed.
Tumayo sya at kinuha ang gucci na bag at kahit hindi na umorder ay inabot ang tip sa waiter. She passed several men as she's heading to the door and it never surprise her that they are eyeing on her.
Not long before she exited the famous restaurant, ay lumapit sa kanya ang isang lalaki. Kilala nya ito, ngunit hindi batid ng binata.
" Waiting for someone? Huh? "
Deretso lang ang tingin nito. Nakapamulsa ang dalawang kamay. Kung tutuusin mas gwapo ito kaysa sa inaasahan. Malalago ang kilay , may matangos na ilong, at mapang akit na labi. Katulad nya, mahirap kalkulahin kung anong iniisip.
" Yes, but ..."
" Hindi sya sumipot. "Putol nito sa sasabihin nya. Tumingin ito sa gawi nya, dahilan din na lingunin nya ito.
" Focus " paalala nya sa sarili matapos tumango ,tugon sa tanong nito.Minsan pa nyang na masdan ang mukha nito.
Bago pa makahinto ang kani-kanilang kotse na minamaneho ng kanilang driver ay may van na biglang huminto sa harap nila.
Bumaba ang tatlong kalalakihang may mga baril na hawak at itinutok sa kanya at sa kasama nyang binata. Bigla syang hinila ng malakas ng isa sa mga ito, ang isang kasamahan naman nito ay sinubukang itakip ang panyong hawak sa mukha nya habang ang isa ay nakatayo lang at alertong nakatutok ang baril sa lalaking katabi nya.
" Shit " napamura ang binata.
Bago pa man nya lubusang malanghap ang pam pahilong chemical sa panyo ay nagawa nyang hawakan ang kamay ng armadong lalaki at umikot ng mabilis para pilipitin ito.
Napabagsak nya ang lalaki. Sabay dampot sa baril nito at pinukpok sa ulo nito dahilan ng pagkawala ng malay dulot sa lakas ng paghampas nya.
Napatingin naman sya sa binatang nakatayo katatapos lang din nitong makipag buno sa dalawang kasamahan ng lalaking pinatumba nya.
" Let's go! "
hinatak sya ng binata at ipinasok sa kotse nito at pinaharurot na ng driver ng binata ang sasakyan. Habang pinapaulanan sila ng bala." Ang driver ko! "
Nilingon nya ang sasakyan nyang nakaparada sa harap ng restaurant.
" Bilisan mo ang pagmamaneho! " utos nito sa driver. Nakakuyom ang kamao.
" What the hell is happening? " Tanong nito habang niyuyugyog ang balikat nya.
" I don't know " then she started crying.
" It's okay, it's okay " biglang niyakap sya nito upang aluin.
Nailigaw nila ang van na sumusunod sa kanila. Buti nalang at bullet proof ang kotse nito. Napagod sya sa nangyari kaya minabuti nyang hayaan na sumandig sa dibdib ng binata.
Hindi nya rin alam kung patay na ba talaga ang driver nya. Isa lang alam nya sa nangyayari , pakana ito lahat ni Don Lucho.
Nagising sya ng maramdaman ang lamig dulot ng aircon. Napaupo sya ng mabilis. Pinag aralan ang detalye ng kwarto, at itinutugma sa description na ibinigay sa kanya.
Napatingin sya sa relo , isang oras na pala ang tulog nya. At isang pagkakamali ito.
Walang CCTV sa loob ng kwarto at iyon ang sinigurado nya. Tumayo sya at kinuha ang bag , matapos makapa ang hinahanap ay tumungo sa pintuan at binuksan ito.
Mabilis ang pag galaw nya palabas ng guest room. Iniwasan ang bawat CCTV . Nang marating ang kwarto ng lalaki ay agad nyang kinuha ang hair pin sa buhok at ipinasok sa butas ng door knob upang buksan ito.
Nang matagumpay syang nakapasok sa kwarto ay agad nyang hinanap ang lalaki sa kama nito. Ngunit wala ito roon.
Nagulat nalang sya ng bigla nalang nagkailaw. Nakatayo ang lalaki hawak ang remote control para sa ilaw. Hindi sya makagalaw. Nagbabaga ang tingin ng binata sa kanya.
" Do not underestimate Jad , he is a smart ass, " Diego told her two years ago.
" WHAT ARE YOU DOING IN MY ROOM! " Sumigaw ito. Sabay pindot sa intercom upang tumawag ng mga bodyguards nito.
" I... I just want to leave this note " sabay kuha sa papel.
Nakapasok na sa loob ng kwarto ang mga bodyguard nito , saka palang iniabot ang note nya kay Jad.
" Sinasabi mo bang gusto mong iwan ang note na ito sa kwarto ko? Sapalagay mo maniniwala ako? " Sabay punit sa papel na hawak.
Lumapit si Jad sa kanya at hinawakan sya sa braso ng mahigpit na mahigpit. Halos madurog ang buto nya, pero nanatili syang kalmado. Hindi nya pwedeng baliin ang kamay nitong nakahawak sa kanya dahil lahat ng bodyguards ay alerto.
Malamang pati na sa labas ay alerto narin.
" Yes, i just really want to say thank you for saving me and ask a favor na sana hindi nato makarating pa sa mga pulisya, dahil baka gantihan ang pamilya ko. " Tumulo ang luha nya ng bigkasin ang mga huling salita.
*********
-XIENSHEE-
YOU ARE READING
" The DECEPTION "
Action- Trust no one. Love no one - Yashia's hand was covered with impurity. She was the reason of her father's death - all she wanted was to save him but it was the contrary. Now she's hunting the man behind the mask who made her family miserable and ju...