" Let... go of me.........please " she felt so tired. Kaya nyang patumbahin ang lalaki ngunit wala sa plano nya ang maagang kamatayan ni Jad.
" Tama na yan Jad!!. Nasasaktan na ang tao. Kailan kapa natutong manakit ng babae ha? "
Ayaw pa sana nyang bitawan ang dalaga ngunit sinunod nya ang utos ng Tiyuhing si Samuel. Kapatid ito ng yumaong ama. Ito na ang nagsilbing ama nya sa halos sampung taon.
" Okay ka lang ba hija? " tinulungan nyang makatayo ang dalaga. Kaya napansin nitong may sugat si Yashia sa mukha, dala ng pagkakadapa sa mga bubog.
" Yaya Medring, kunin mo ang first aid kit at tulungan mo si.... anong pangalan mo hija? "
" Yashia, Yashia Mazelle " kiming tugon ni Yashia. Buti nalang at mabait ang Tito ni Jad,at nakalusot sya.
" Pag nagamot na ang sugat mo ay mag dinner ka at dito ka muna magpalipas ng gabi, bukas ihahatid ka ni Jad " Tinapunan nya ng masamang tingin ang pamangkin.
" Pero Tito!.. " angal ni Jad. " May driver naman at bakit ko ihahatid ang babaeng yan ? Muntik na akong tamaan ng bala dahil sa kanya, pumasok pa ng kwarto ko, at binato nya ako ng..."
" I don't care! No buts Jad, do what I say, understand? , now.. follow me. " Bago ito tuluyang lumabas ay nag paalam muna ito sa kanya.
Kinabukasan, tanghali na ng magising si Jad , aalis nalang sana sya dahil kaya naman niyang umuwing mag-isa ngunit pinigilan sya ng tito Samuel nito.
"babalian ko talaga ng buto ang lalaking yun! " she told herself.
" let's go. " hindi man lang sya tinapunan ng tingin. Tumayo naman sya at sumunod. Nagpaalam din sya ng maayos at nagpasalamat sa Tito nito.
Walang imik silang dalawa. Nagdrive lang din ito.Seryoso ang mukha ni Jad.Hindi naman nag atubiling magtanong ang lalaki kung saan sya ihahatid, at wala rin syang planong sabihin dito.
" Pwede ka ng bumaba, " he pressed a button and the door to her side opened. Sosyal, she just rolled her eyes.
Nasa isang park sya ibinaba ng binata. Hindi sa bahay nila, hindi sa inaasahan nyang ihahatid talaga sya pero di nya maitatanging naiinis sya....
" funny Yashia, di nya alam kung saan ang bahay mo,wag kang lumandi." saway nya sa sarili ng pagkababa nya ay pinaharurot agad ni Jad ang kotse.Umuwi sya sa apartment , hideout nya ito. Minsan lang syang umuuwi dito kapag may problema lang o di kaya'y gusto nyang i relax ang sarili.
Inalis nya ang nakadecorate na plywood sa dingding, kung titingnan mo lang ang dingding para lang itong normal na dingding na may maarteng walpaper, but behind those is her past. May collage na mga pictures , may mga bank accounts na photocopies na nakadikit, may mga arrows, may mga businessman na nag uugnay sa kanyang ama .
YOU ARE READING
" The DECEPTION "
Action- Trust no one. Love no one - Yashia's hand was covered with impurity. She was the reason of her father's death - all she wanted was to save him but it was the contrary. Now she's hunting the man behind the mask who made her family miserable and ju...