Chapter 1
The revelation... I think Im gay.
"I think there's something wrong with me..." sabi ko kay Arix. Bestfriend ko siya.
Itinigil muna nito ang pagkalikot sa kanyang mamahaling cellphone at nag-aalalang tumingin sa akin. "What do you mean na may mali sayo? May sakit ka ba?" Puno ng pag-aalala ang boses niya. Hahawakan niya sana ang leeg ko para alamin kung may sakit nga ako pero umiwas ako sa kanya. Wala naman kasi akong lagnat.
"Tskkk, wala akong sakit." Huminga ako nang malalim. Siya naman ang tingin sa akin ay parang sinasabing "ano ba talaga ang problema mo?"
"I think I'm gay..." finally nasabi ko rin sa kanya kahit pigil ang aking paghinga. "But I'm not sure though..." sabi ko rin kaagad.
Hindi ko naman talaga sigurado kung tama ang iniisip ko dahil basta naguguluhan ako sa sarili ko ngayon. Never pa akong nagkagusto sa kapwa ko lalake... maliban na lang sa kanya... kaagad kong ipinilig ang ulo ko para alisin ang naiisip ko.
"HAHAHAHAHAHA!..." Ang lakas ng tawa ni Arix. Akala niya siguro ay joke lang ang sinasabi ko. "Let me guess, nagkakagusto ka na sa akin? Na-fall ka na ba sa akin bestfriend...?-" Di ko siya pinatapos pa sa sasabihin pa niya dapat sa akin.
"-... taena naman, magkakagusto na nga lang ako sa lalaki bakit sayo pa?" Kaila ko kagaad na dinaan ko sa pagbibiro. Natakot ako bigla. Ewan ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Pinagpapawisan ako pero hindi ako nagpahalata sa kanya. Ayaw kong isipin ni Arix na tama nga siya. Na totoong may gusto nga ako sa kanya. Hindi kasi ako sigurado na magiging okay lang sa kanya? Tumawa din ako ng malakas, magkahalo ang fake at totoo kong tawa.
What if ang akala nga niya joke lang ito? Paano kapag sinabi ko na totoo ito ay magalit siya sa akin o kaya ay mandiri at layuan niya ako? Taena, akala ko madali lang ito pero mukhang nagkamali ako. Sige pa rin ako sa pagtawa pero nahinto rin kaagad nang mapansin kong hindi na tumatawa si Arix. Nakatingin lang siya sa akin at hindi ko mabasa ang reaksiyon ng mukha niya. Galit ata siya? Seryoso kasi ang mukha niya.
Nainsulto ba siya sa sinabi ko? Haysst, napalunok ako nang sunod-sunod dahil sa kaba. "Kung hindi sa akin, kanino?" Seryoso ang boses ni Arix.
Think CJ...think..! Mag-isip ka, utos ko sa sarili ko. Takte, ayaw gumana ang isip ko ngayon. Anong isa-sagot ko sa kanya?
Sakto namang dumaan sa harap namin si Ford. Ngumiti siya sa akin kaya naman napilitan akong ngumiti rin sa kanya.Hindi ko iyon sinasadya.
"Hi, Cejs...looking fresh ha." Bati sa akin ni Ford. Pinamulahan ako ng mukha, ramdam ko iyon. Huli na nang maisip ko na paraan ito ni Ford para inisin si Arix. Kung may dahilan para masira nang todo ang araw ni Arix iyon ay si Ford.
They are mortal enemies!
Kitang-kita ko kung paano mag-ngalit ang mga bagang ni Arix sa subrang galit. Nakakuyom ang mga palad nito.
"So it's Ford?" I can feel the hatred in Arix's voice.
Hindi ako nakasagot kaagad. Mali siya sa kanyang ini-isip pero ayaw bumuka ng mga bibig ko para itama ko siya. Bakit ganito? Takte!
"Taena ka, CJ!" galit na galit si Arix. "Magiging bakla ka na nga lang bakit sa kupal pang Ford na 'yon." Halos mapatid ang mga ugat ni Arix sa leeg. Ang lakas pa ng boses nito sa subrang galit. "Ayusin mo yan Cj!Ayusin mo ang sarili mo! Hindi ka bakla! Wala akong kaibigang bakla! Taena ka!" Bulyaw pa rin ni Arix sa akin.
Iniwan ako ni Arix na nakatanga lang. Gusto ko siyang sundan at sabihin sa kanya ang totoo. Wala akong gusto kay Ford dahil siya ang gusto ko pero nanatili lang akong nakatanga.

BINABASA MO ANG
HOW MUCH? I LOVE YOU! (Completed) UNDER MAJOR REVISON
Romance(Completed Story) "How Much? I Love You." Best friend ko si Arix... Pero hindi lang iyon...customer ko din siya sa kama... Ang masakit mahal ko siya...higit sa pagiging best friend ko...mahal ko siya kung alam mo ang ibig-sabihin ko sa salitang maha...