Chapter 64: Love

41 2 0
                                    



                "Mark? Nasisiraan ka na ba? Alam mo ba ang sinabi mo?" sampit ni Celestine.

"Nangako ako na ipag lalaban kita....ipaglalaban ko ang pag mamahalan natin....hindi ako papayag na magkalayo tayo."

"Pero Mark....isang responsibilidad ang haharapin natin"

"Itatanan kita...mamayang gabi susunduin kita sa inyo lumabas ka exaktong ala'una ng madaling araw."

              Pinag hanadaan ko ang gabing iyon marami akong alam na ruta palabas ng palasyo ngunit sadyang mas matalino nga saakin ang aking ama at nagawa niya akong sundan.


"Halika na Celestine....dalian mo..." kaagad kong nakita si Celestine sa labas ng kanilang bakod na tila kakalabas lamang.

"Mark sigurado ka na ba talaga? Hindi ako natatakot pero nag aalangan ako kung ito nga ba ang tamang gawin." Sampit ni Celestine at kaagad ko siyang pinasakay sa kotse.

"Kahit anong mangyari Celestine....hindi naging mali ang ating pagmamahalan." Pinaandar ko na ang sasakyan.

"Saan tayo pupunta ngayon?"

"Sa malayong lugar....kung saan tahimik at malaya." Nagulat nalamang ako ng may mga tumambad na sasakyan saaming harapan at nakita ko ang aking ama.


"Patawad anak ngunit hindi ko papahintulutan ang inyong binabalak."

"At bakit ama? Walang naman kaming masamang ginagawa!" bumaba ako at hinarap sila.

"Umuwi na tayo pakiusap" madalang lumabas ang aking ama kaya naman piling tao lamang ang nakakaalam sa tunay na itsura ng hari.


"Hindi ako uuwi!"

"Pakiusap....hali ka na anak." Maya maya ay dumating ang ina ni Celestine kaya naman bumaba siya ng sasakyan at kaagad naman siyang hinila ng kanyang ina palayo.


"Mah....nasasaktan na ko! Bitiwan mo ko!" sampit ni Celestine.

"Nag usap na tayo Celestine! Hindi ko akalaing gagawin mo to!" sabi ng kanyang ina.

"Paumanhin po ngunit mahal naming ang isa't isa...mahal ko po si Celestine." Sabi ko.

"Hindi kita gusto para saaking anak kaya pinuputol ko na ang ugnayan ninyo!" pilit pinasakay niya si Celestine sa taxi kasama ng mga gamit nito at umalis.


"Jeremy umuwi na tayo." Sabi ng aking ama at wala akong nagawa kung di hayaang magkalayo kami ni Celestine....nag drop ako sa pamantasan at hindi na muling lumabas pa ng aking silid...lahat ng aking tungkulin ay tinalikudan ko na din.

"Jeremy kumain ka na! buksan mo ang pinto!" sabi ng aking ina.

"Hindi ako nagugutom." Malamig na tugon ko ngunit nabuksan nito ang pintuan ng aking silid.


"Para sa ikabubuti mo naman ang ginawa naming ng iyong Ama....wag mo sayangin ang panahon mo at ipakita mong isa kang matatag na prinsipe at karapat dapat maging hari."

"Para saan pa? hindi bat mas bagay maging hari si Francis kaysa saakin?"

"Jeremy tila hindi ko nagugustuhan ang sinasabi mo alalahanin mo ako pa din ang iyong ina!"

Searching the Casanova's PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon