THEY started talking to me, right through my face habang nakatali ako sa isang bangka na nakatayo. Yong mga mata nila nanlilisik na tila ba may gusto silang gawin sa akin pero hindi nila magawa dahil may pumipigil sa kanila.
"Kiiiiiiings!" yong luha, pawis at sipon ko ay halos maghalo na dahil sa sitwasyong meron ako ngayon.
"Nandito ako."
Si Kings, oo, sya ang nakikita kong palapit sa akin.
"Tulungan mo ako, pakawalan mo ako dito please." pagmamaka-awa ko.
"No, you are destined to be there." anito
"No, Kings please."
"Sa pagbilog ng buwan tuluyan ka ng sasama sa amin. Matagal ka na naming hinihintay. At sana paghandaan mo na yong pag-alis natin."
"Kings ano ba?! Ano bang nangyayari sayo?" umiyak na ako ng umiyak.
Ano nanaman ba ito? Si Kings? Bakit? Bakit nya ito ginagawa? Bakit nya ako dinala dito? Ito ba ang rason kung bakit nya ako dinala dito? Nawalan na ako ng lakas kaya naa-upo na ako. Kanina kausap lang nya ito habang nangangakong sabay silang lalabas ng buhay dito, bakit ngayon ganun na ang nagyayari? Sinapian ba sya? Or, at the first place, hindi talaga si Kings ang kasama nya? Then who?
"Ihanda mo na ang sarili mo Mai, malapit na tayong umalis." aning isang babae.
Wala na akong lakas pa at siguro nga ay wala narin akong magagawa para labanan pa ang lahat ng ito. Tuluyan na nga nila akong makukuha at sasama sa kanila. Tumingala ako, yong buwan ay pabilog na at nahahawi na ang mga ulap na kasama nito. Masyadong itong matingkad kaya hindi nya masyadong maaninag ang kabuohan nito.
Sinimulan na akong tanggalin ng mga babae mula sa bangka at kaladkarin na sa bukanang papasok sa may gubat. Nagpaubaya na ako, wala narin naman akong magagawa kundi ang sumunod sa kanila.
"Welcome home, Mai." aning isang lalaki
"Ngayon, kumpleto na tayo at magiging masaya." sabi pa ng isang babae na nasa likuran ko.
"Ang magkakaibigan ay hindi nag-iiwanan." sabi pa ng isa
"Hindi ako si Mai, please, parang awa nyo na, hindi ako ang hinahanap nyo, ang hinihintay nyo, please." halos hindi na ako makahinga dahil sa kaka-iyak.
"Ikaw si Mai at wala ka ng magagawa kundi ang sumama sa amin."
Nagbago ang anyo nito, naging parang halimaw, sa sobrang takot ko napa-pikit na lang ako. Ganoon din ang mga kasama nya, nagbago ang mga anyo. Kung kanina'y para silang m ga tao ngayon ay hindi na.
"Sa amin ka na at wala ka ng magagawa." aning isang babae
Hinila nila ako papasok sa gubat, pilit akong kumakawala pero mahigpit ang pagkaka-hawak nila sa akin na tila ba nakapako ako.
Malapit na kaming makapasok sa gubat ng may maulinigan akong paparating sa isla. Nagkaroon ako ng pagkakataong makawala ng pati sila ay nagulat sa kung ano man ang paparating na iyon.
Tumakbo ako ng tumakbo para makalayo sa kanila. Saka ko nakitang lumapag ang isang helicopter sa harapan ko. Lumingon ako sa pinanggalingan ko kanina, nawala na ang gubat at deresto ko ng nakikita ang dulo ng isla. Walang kahit ano mang meron doon maliban sa malaking bato at nag-iisa iyon, pati ang tent na itinayo namin ni Kings ay wala na rin. Tumingin ako sa helicopter, may bumaba doon pero hindi ko na nakita kung sino yon dahil nawalan na ako ng malay.
4th Day: MABIGAT ang pakiramdam ko ng ibuka ko ang mga mata ko. Puro puti ang nakapaligid sa akin. Kinapa ko ang sarili ko at nakita kong may nakasabit na dextrose sa kaliwa kong kamay. Nasa hospital ako. Bakit? Anong ginagawa ko dito?
"Nurse?" tawag ko sa labas ng kwarto.
Pumasok ang isang lalaki na may dalang clip board. Naka-puti ito, siguro ay nurse o kaya ay doctor.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" anito habang may tinitingnan sa likuran ko.
"Ayos na ako. Nasaan ako?"
"Nasa Itbayat District Hospital ka, sa Itbayat, Batanes." sabi ng nurse
"Anong ginagawa ko dito?"
"Dinala ka dito ng mga sundalong nag-rescue sayo."
"Nag-rescue? Bakit? Anong nangyari sa akin?" naguguluhan ako sa mga nangyayari, kailangan ko ng paliwanag.
"Mamaya darating yong kaibigan mo. Natawagan na namin sya."
"Kaibigan? Sinong kaibigan?"
"Makikita mo din sya mamaya." sabi nito saka tuluyan ng umalis sa harapan ko.
"Nurse please." mangiyak-ngiyak na ako, gusto ko ng sagot sa mga tanong ko.
Pagkatapos ay may pumasok na isang naka-puti din sa loob ng kwarto. Medyo may katandaan na ito dahil na rin sa halos panot na ito.
"Ako na ang bahala sa kanya, sige na you can go." anito sa naunang nurse tapos bumaling sa akin. "Hi, I am Dr. Kendrick Salcedo, isa akong Neurologist."
"Neurologist?" alam ko yon, yon yong doctor sa may problema sa utak. May problema ba ako sa utak?
"Yes, you heard me right."
"Hindi ako baliw." sabi ko, kinakabahan na ako sa pwede nitong sabihin.
"No, you're not. Of course not."
"Then why the hell you are here?" please lang, kung pwede lang gusto ko ng bumalik sa normal kong buhay.
"Dahil kailangan mo ako."
"No, hindi kita kailangan. Ang kailangan ko yong makakapagbigay sa akin ng paliwanag sa mga nangyari sa akin. At hindi isang neurologist."
"I know what happened to you." sabi nito para mapakalma ako. "Hindi ka baliw at hindi ka nababaliw kung yon ang inaakala mo kaya ako nandito." dag-dag pa nito
"Then why?"
"Dahil nangyari din sa anak ko ang nangyari sayo. And sad to say, hindi sya nakaligtas na katulad mo." lumungkot ang mga mata nito at ang boses nito.
Natahimik lang ako. Pilit kong inaalam kung ano ba talaga ang dahilan ng lahat at kung ano ang maitutulong ng isang neurologist sa akin.
"I can explain what happened kung sasabihin mo sa akin ang mga nangyari sayo sa isla." anito
Nagdadalawang isip akong sabihin iyon, baka kasi pakulo lang iyon ng doktor para malaman nya kung nababaliw na nga ba talaga ako o hindi.
"Will you?" anito
"No, please let me take a rest. At yong kaibigan ko na darating daw dito, sino yon?"
"Kingsley Palma."
What? Si Kings? Si Kings...
BINABASA MO ANG
My Unforgetabble Summer
ParanormalI am given 4 days to enjoy summer with my bestfriend and I supposed to enjoy it but one thing happened that makes my summer unforgetabble. Ano yon? Find out. Highest ranks : #152 in Adventure #85 in Paranormal Starts: September 15, 2016 End: October...