"All passengers of XXX flight. We welcome you to Incheon Airport. We welcome you to Korea."
Mariin kong nakagat ang aking labi ng marinig ko ang boses ng piloto mula sa speakers sa loob ng eroplano.
Kung pwede lang magtatalon ay ginawa ko na pero syempre nagpipigil ako. Ayoko namang magmukhang tanga sa harap ng mga kapwa ko pasahero.
Pero sobrang saya ko kasi sa wakas.. NASA KOREA NA AKO!
Kaagad akong tumayo at kinuha ang ilang gamit ko ng magbigay hudyat na ang mga Flight Attendant.
Argh! Nanginginig ako sa sobrang kaba, excitement, at takot. Ang daming naglalaro sa utak ko ngayon. Nabablanko ako pero at the same time para naman akong nasa alapaap. Daig ko pa yata nanalo sa lotto ngayon.
Mabilis kong kinuha ang ilang gamit ko at bumaba na rin kasama ng mga pasahero sa eroplano. Pumasok na ako sa Incheon Airport at kinuha pa ang bagahe ko. At ng maayos ko na ang lahat ay lumabas na ako sa airport.
Hmm..
Sandali kong binitawan ang mga gamit ko at huminga ako ng malalim. Nilanghap ko ang hangin dito sa Korea. Napapikit pa ako at iniangat ang aking mga braso.
Infairness, mas okay kaysa sa Manila. Hindi pollution ang bumungad sa akin.
Hay. Ang sarap sa pakiramdam na nandito na ako.
It feels like home..
Napailing na lamang ako ng dahil sa kaisipan na iyon.
Nang dumilat ako ay kinuha ko na ang aking mga gamit at nagsimula ng maglakad sa sakayan ng bus. Maraming taxi ang pumapara sa harapan ko pero mas pinili ko na lang ang mag-bus. Baka kasi mapamahal ako. Wala pa naman akong bonggang budget.
Kinuha ko rin ang phone ko sa bag para tignan ung address na pupuntahan ko.
Tss. Mukhang malayo pa ang lalakarin ko bago makarating sa bus station.
Busy ako sa pagtingin sa phone ko at paglalakad ng bigla na lang na may humablot dito. Halos malaglag ang puso ko sa pagkagulat pero kaagad akong bumalik sa katinuan ng makita ko ang mabilis na pagtakbo ng magnanakaw.
Shit! Nandoon yung address ng pupuntahan ko! Pati lahat ng contacts ko!
"Help! Magnanakaw!" Malakas na sigaw ko sa wikang Korean. Nakita ko ang ilang tao na napatingin sa akin. Pero lintek lang! Bakit kasi madaling araw ang flight ko?! Bakit naman kasi 2am pa lang ngayon?! Hindi ganoong kadami ang tao!
May ilang tumakbo para habulin yung magnanakaw. Pero kahit ganoon ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko. Itinabi ko muna sandali ang bagahe ko at tumakbo na. Tanging bagpack ko na lamang ang dala ko.
Walang hiya ka! Pag naabutan kita, kakalbuhin kita!!!!
Pero hingal na hingal na ako't lahat. Ilang kanto na ang nadaanan ko pero hindi ko naabutan ang walangya!
Ang ilan din na tumulong sa akin para habulin ang lintek na magnanakaw na iyon ay sumuko na din.
I did my best..
Pero bigo ako. Hindi ko siya nahabol.
Bagsak balikat at pagod na pagod akong bumalik sa Airport para kunin ang bagahe ko.
Nakakaiyak man pero wala na akong magagawa. Siguro ay kokontakin ko na lang Poleng sa Facebook para makuha ulit ung address na kailangan ko. Sigurado akong sandamakmak na sermon na naman ang aabutin ko sa kanya pero hayaan na, kaysa naman kung anong mangyari sa'kin dito sa ibang bansa.