-Hindi laging dapat ipaglaban porke mahal mo. Kailangan pag-isipan mo muna kung mahal nyo ba ang isa't-isa, kung may masasaktan ba, kung PWEDE ba. Kasi mahirap naman kung ikaw lang yung nagmamahal diba? Yung ikaw lang yung masaya. Di naman pwedeng maging selfish ka at di mo isipin kung may masasaktan. Lalo namang di pwede kung BAWAL. Matutong lumugar, isipin mo kung tama ba yung ginagawa mo.-Ayaw mo sa paasa pero magagalit ka pag di ka pinansin. Ene be? Pag pinansin ka diba aasa ka din?
-Siguraduhin mong pagmamahal na talaga yang nararamdaman mo bago ka manligaw o sumagot kasi malay mo mahal na mahal ka talaga nyan tapos sa kalagitnaan ng relasyon mo maiisip mo na di mo na/pala mahal edi nakasakit ka lang ng ibang tao. Ikina-ganda/pogi mo ba yun?
-Wag na wag mong iisipin na mali na nagmahal ka. Kahit kailan hindi naging at hindi magiging mali ang pagmamahal. Ang posible lang maging mali ay iyong mga gagawin mo sa kadahilanang nagmamahal ka.
-Bat sinisisi mo yung puso mo kasi minahal pa yung taong di ka mahal? Eh nagpu-pump lang naman yan ng dugo ah. Nagpu-pump ng dugo para mabuhay ka, para magtuloy pa ang buhay mo at makita mo na maling sinisisi mo sya kasi di pa naman talaga yung ex mo yung taong para sa'yo at masaksihan mo ang araw ng pagdating ng taong totoong mamahalin mo sa buhay mo.
-Di ikaw yung tanga kung sinubukan mong ipaglaban ang pagmamahal mo kahit niloko ka lang pala. Sya nga yung tanga eh. Nandyan na, may nagmamahal na sa kanya, aarte pa. Di naman sya naka-benefit doon. Dapat maging proud ka kasi pinaglaban mo yung nararamdaman mo, minahal mo ng totoo, di ka nanloko at naging tapat ka. Pero kung wala na talaga tigil na. Kung di ka mahal tigil na. Di naman pwedeng maging kayo na ikaw lang yung nagmamahal.
-----
That's all for today. Class dismissed. Char! Ayan nagmarunong nanaman noh? Nag-feeling alam ang lahat nanaman ako. Kung disagree kayo tell me. Fight for what you think is right as long as no one gets hurt. Wag po naman harsh😂10-08-16 -DrowningUglyPotato✌🏽️
BINABASA MO ANG
Diary ng Nagmamarunong na Patatas (Hugot Stuff)
RandomReminder: This is not an actual diary. I was just not able to think of a good title so yeh. ------------ Pag-ibig (ew.) stuff. Not everything is correct. Feel free to tell your opinions regarding my words.