Sa faculty.💬
"Demi, iaassign kita sa decorations. Makakasama mo sina Rain at Vincent, okay lang ba sayong makasama sa higher year?"😐
"Ahm...okay lang po."😅
Sa totoo lang hindi okay saken, hindi naman kasi kami close ng mga 'to eh. Ang alam ko pagdating sa arts at designs, magaling si Rain pero si Vincent...wala akong alam sa kanya basta ang tingin ko may pagka-mysterious sya. Nagsimula na kaming magusap na tatlo tungkol sa assignment samen. Nagprisinta si Rain na sya ang gumawa ng layout at magiging design ng hall habang kami ni Vincent ang bahala sa pagbili ng mga kakailanganin gaya ng mga lobo at kung anu-ano pa at saka na lang namin pagtutulungan magdecorate kasama ng mga faculty staff. Medyo awkward kasi hindi ko naman kilala mga makakasama kong 'to. Kinahapunan paglabas ko ng gate, nakita ko si Vincent na naghihintay na pala saken. Maghahanap kami at mamimili ng mga kakailanganin namin sa bookstore. Sa totoo lang kinakabahan ako kasi kami lang dalawa ang pupunta sa mall. Hindi naman sa nanghuhusga ako o nagaassume na gagawan nya 'ko ng hindi magnda pero hindi ko naman kasi sya ganung kakilala. Ang alam ko lang sya ang president ng klase nila at running for valedictorian sya.💬
"Naku kuya sorry late na kami lumabas eh. Kanina ka pa ba?😓
"Ah, okay lang kakalabas lang din naman namin eh."😐
"Ganun ba...ahm, paano...ah,kuya naibigay ba ni ate Rain yung listahan nya?"😮
"Oo nasa akin na. Ahm, pwede bang wag mo na 'kong tawaging kuya feeling ko kasi ang tanda-tanda ko na. Vince na lang!"😊
"Ahm, pasensya na! Sige...Vince!"😅
Mukha naman pala syang mabait at marunong din magpatawa. Well, mukhang magkakasundo naman kami. Pumara na sya ng jeep at pinauna nya 'kong sumakay at habang nasa byahe kami ay tuloy ang kwentuhan namin. Nalaman ko na may pagkakapareho pala kaming dalawa. Mukha lang kaming seryoso pero ang totoo may pagkakalog dn kaya nga naging kumportable na din ako sa kanya. Pagdating namin sa mall pumunta kami sa National Bookstore para bumili ng mga kailangan namin at habang naaaliw kami sa dami ng mga magagandang pagpipilian ay laking gulat at pagtataka ko nang makita ko si Mackenzie. Ano naman kaya ang ginagawa ng lalaking 'to dito sa bookstore?💬
"Ah...Demi, itatanong ko lang sa cashier ang price ng mga 'to ha!"😐
"Oo sige, mamimili muna 'ko dito."😃
Ibinaling ko ang tingin ko kay Mackenzie na papalapit sa kinaroroonan ko.💬
"Hoy Mackenzie Rodriguez, anong ginagawa mo dito?"😒
"Oh, babes! What a coincidence nandito ka rin pala! Nasan na yung kasama mo?"😮
"Paano mo nalamang may kasama 'ko? Sinusundan mo ba 'ko?"😒
"Ano? Ah...hindi noh, nagkataon lang na nandito 'ko..."😌
"Talaga lang ha? Sige nga bakit nandito ka sa bookstore? Sa pagkakaalala ko allergic ka sa ganitong lugar dahil nabobore ka!"😒
"Ahm...bumili lang ako ng...ano...ahm...card! Para kay Cindy, mahilig sya sa ganito eh..."😅
"Wow ha, nageeffort ka na ngayon sa mga babae? Bago yun ah!"😌
"Demi, okay na ang mga 'to! Ahm..."😶
"Ah...Vince si Mackenzie classmate ko. Si Vince katulong ko sya sa pagbili ng...ahm..."😮
Hindi ko mapigilang mapatigil sa pagsasalita ko dahil sa nakikita kong tingin ng dalawa sa isa't isa. Bakit parang biglang nagkaroon ng tensyon sa pagitan nila. Kung makatingin sila sa isa't isa parang anytime bigla silang magsasabong. Ano ba 'to, kailangan kong alisin ang tensyon na 'to.💬
"Ahm...Vince, okay na yan di ba? Akin na bilhin na natin?"😓
Bigla kong kinuha ang mga dala nyang decorations at agad pumila sa cashier. Sumunod din naman si Vince habang nakipila din si Mackenzie para bayqran ang card na binili nya hanggang sa makalabas na kami ng bookstore.💬
"Naku gabi na pala! Paano, kaya mo bang umuwi? Kung gusto mo ihahatid na kita sa inyo."😐
"Ha? Naku hindi na, okay lang ako kaya ko nang umuwi!"😅
"No, I insist! Hindi rin ako makakampante kung hindi ko nakitang safe kang makauwi sa inyo."😃
"Ha? Ah..."😅
"Babes! Sabay ka na saken, may dala 'kong kotse. Akin na yan!"😌
Wala na 'kong nagawa nang biglang agawin ni Mackenzie ang mga bitbit kong decorations at nagulat na lang ako nng biglang kunin ni Vince yun mula sa kanya.💬
"Ako na ang maghahatid sa kanya!"😌
"Ano? Bakit, may dala ka bang sasakyan? Pagbibitbitin mo lang sya ng mga 'to!"😒
Heto na naman sila, pakiramdam ko mas humaba ang buhok ko dahil sa ginagawa nila pero kinakabahan ako. Bakit ba may ganitong tensyon sa pagitan nila? Ano bang meron?💬
"Ah...Vince, Mackenzie! Akin na nga yan baka mamaya masira pa ang mga 'to eh! Alam nyo uuwi na lang ako magisa!"😓
"Demetria Santos!"😠
Grabe, nakakatakot talaga sya kapag tinatawag nya 'ko sa buo kong pangalan. Isa lang ang ibig sabihin nito bad trip talaga sya.💬
"Ahm...Vince, wag ka nang magalala! Sasabay n lang ako kay Mackenzie...ahm...pareho din naman kasi ng way pauwi eh..."😓
Bigla ulit inagaw ni Mackenzie ang bitbit kong pinamili saka naglakad palayo.💬
"Ahm...si...sige Vince ha, magkita na lang tayo bukas! Ingat ka!"😅
Sumunod na 'ko kay Mackenzie kung saan nakapark ang kotse nya. Binuksan nya ang pinto ng front seat, inilagay ang mga pinamili ko sa compartment. Nung sumakay na 'ko ay nakita ko na basta na lang nya inihagis sa windshield ang binili nyang card. Mukhang bad trip talaga sya pero hindi ko maintindihan kung ano ang ipinuputok ng butsi nya.💬
"Ahm...hoy! Galit ka ba, bakit ka ba nagagalit?"😮
"Hindi ako galit! Nakakabadtrip lang ang Vince na yun!"😠
"Bakit naman, ano bang ginawa nya sayo? Mabait naman saya ah..."😓
"Paano mo naman nasabi yan eh hindi mo pa naman sya ganung kakilala? Sige nga paano mo nasisigurong mabuti syang tao? Ngayon mo lang sya nakilala tapos sumama ka na agad sa kanya?"😡
"Ano? Alam mo ang OA mo, kaming dalawa ang naassign sa decorations kaya natural lang na magkasama kaming mamili kaysa naman magisa ko lang gawin 'to buti nga sinamahan ako nung tao!"😒
"Kung kasama lang naman pala ang kailangan mo sana sinabi mo saken pwede naman kitang samahan dun!"😡
"Bakit mo naman ako sasamahan, hindi namqn ako bata na pwedeng mawala sa mall noh! At saka wala ka namang kinalaman sa project na naassign saken! Alam mo galingan mo na lang sa sayaw nyo ni Cindy, dun ka dapat magfocus!"😌
"Eh hindi ko naman magawang magfocus sa kanya eh!"😣
"Huh! Paano puro kalandian ang ginagawa mo! Naku Mackenzie ha kapag hindi naging okay yang performance nyo lagot ka talaga saken! Oh, dyan na lang ako sa kanto."😑
Pilitin ko man syang ibaba ako sa kanto eh hindi ko nagawa dahil idiniretso na nya 'ko sa bahay.💬
************************************
BINABASA MO ANG
"Pwedeng Tayo, Pwedeng Hindi"
Romance"Ito ay istorya ng dalawang taong takot mahalin ang isa't isa kahit nagmamahalan na talaga sila ng sobra."