Nandito na naman ako nakitingin sa kanya. Kailan ba ako mag sasawa kakatingin sa kaniya, hanggang tingin nalang ba talga? Hindi naman kami ganito dati ehh. Ang tanga ko kasi, ang landi ko. College na kami ngayon pero minamahal ko parin siya. Kahit anong ginagawa niya namamangha ako sa kanya. Kailan niya ba ako matututunang mahalin.
Ako nga pala si Margarette Castillo, 19 yrs old, first year college, speaking of first year college, kaka college ko palang pala and this is the first day of being a college student. Anong oras na ba?? Hala 6:30 na malapit na mag 7 hala 30 minutes nalang late na ako , ohgosh really??? Kasi Tomas ehhh iniisip na naman kita, eh kailan mo ba ako inisip never diba?! Hay nako kailangan ko na mag madali.
Ligo for 5 minutes and then tada bihis na, ang bilis ko noh?! Hahha oh yan papasok na ako...
After 15 minutes nakarating na rin ako sa school namin ang daming tao sa quadrangle after 5 minutes pa pinapunta naman kami sa auditorium, may orientation pa daw kasi na chuchuchuchu... Ang tagal naman nito mapapanis na yata lawaya ko, sa totoo lang kasi madaldal talga ako hahaha...
Tingin sa kaliwa
Tingin sa kanan
Hinahanap ko ngayon yung bestfriend ko dito din kasi sa school mag cocollege di lang kami sabay ngayon kasi ihahatid siya ng daddy niya, eh ako wala yung daddy ko dito sa pilipinas nasa iabng bansa tapos si mommy naman nasa cebu inaayos yung business namin don.
Tingin ulit sa kanan
Tingin ulit sa kaliwa
And then yun nakita ko yung bestfriend ko at nakita niya rin ako, pinuntahan ko siya at tumabi sa kanya.
"Oi jaynababes namis kita" sabay hug sa kanya. "Ang oa mong babae ka halos isang araw palang tayong di nagkita" sabay batok sakin. "Aray naman po masakit ahh" sabi ko. "Ayy sorry po kiss natin" at kiniss naman niya ako sa parte kong san niya ako binatukan.
Pagkatapos ng lambingan namin nakinig na naman kami sa mga sinasabi nong babae sa harap. Ang dami niyang sinabi wala naman ako naintindihan. Ang naiisip ko lang kong nasaan kaya si tomas.
Natapos ang isang oras at tapos narin, lumabas na kami sa auditorium at pumunta kong saan saang parte ng school, malaki ang school na toh, kaya pumunta kami ni jana sa garden.
"Oi girl, balito ko dito mag aaral si tomas mo ahh" sabi niya sakin habang nakaupo kami sa grass. "Alam ko" sabi ko naman sakanya. Matagal ko ng alam na dito din siya mag aaral, syempre ako pa ba magpapahuli sa balita tungkol sa kanya. Ay wait kilala niyo na ba si tomas?
Well si tomas, siya ang lalaking mahal na mahal ko. Kaso ang masakit di niya ako mahal. Akam niyo ba nong grade 7 palang kami gusto ko na talga siya. Dati baliw na baliw talga ako sa kanya, kahit hanggang ngayon naman ehh. Nong highschool kami halos ng lahat ng ginagawa ko para sa kaniya, kahit yung project ko sa english na slam poetry para sakanya din yun. Nong highschool din kami palagi kaming nag uusap pero nong nag grade 9 na kami, ewan ko ba bigla siyang naging cold di na kami nag uusap, alam kong alam niya na gusto ko siya kahit nong grade 7 plang kami pero yun yung naging way para maging close kami.
Di nag tagal uwian na rin kaya umuwi na kami ni jana sa bahay, malapit lang naman bahay namin sa isat isa.
YOU ARE READING
The Days of Moving-on
RandomNag-mahal ka ng sobra sobra, ngunit ang minamahal mo ay mahal namang iba at sa kasamaang palad ng girlfriend niya pa.. Mamahalin mo parin ba siya??? ....