Dahil sa pagsama ni Yesh kay Anne habang wala si Raine ay pinagbigyan niya ang hiling ni Yesh na samahan siya ng buong araw sa isang date. Excited si Yesh na maagang gumising at nagpaalam kay Raine na magkita na lamang sila sa Amusement Park na kanilang unang pupuntahan. Pagsapit naman ng alas otso ng umaga ay umalis na rin si Anne papunta sa school para sa kanilang club activity. Sa pagsakay naman sa bus ni Anne ay nagkataong nakasabay niya si Jean….
“Good morning kuya Jean” bati ni Anne
“Good morning din” bati naman ni Jean
“Pareho pala tayo ng sinasakyan papuntang school no? hehe” sabi ni Anne
“Actually hindi naman talaga ako nag ba-bus e. Ngayon lang” sabi ni Jean
“Bakit naman?” sabi ni Anne
“Hmm. Nagkataon kasing nasira yung bike ko kanina kaya napilitan akong mag bus ngayon. hehehe” sabi ni Jean
“Wow so ibig sabihin bina-bike mo lang yung pagpunta sa school?” sabi ni Anne
“Ah. Oo. Parang exercise ko na rin yun e. haha” sabi ni Jean
“Buti kapa nakakapag bike. Siguro napakasaya kung papasok ka ng school ng naka bike lang tapos ang dami mong nadadaanan na lugar na hindi nadadaanan pag naka bus lang. Hehe” sabi ni Anne
“Oo naman. haha. Bakit hindi ka ba marunong mag bike?” tanong ni Jean
“Ahm. Eh. Nakakahiya mang sabihin pero, oo di ako marunong mag bike. hehe” nahihiyang sabi ni Anne
Nang makita niya kung paano nahihiyang sinabi sa kanya ni Anne na hindi siya marunong mag bike ay bigla na lamang napansin ni Jean na napakaganda pala talaga neto lalo na pag sa malapitan. At nang makita niya ang kakaibang expression ng mukha ni Anne ay bigla na lamang niyang nasabi na…
“Gusto mo turuan kita mag bike?” tanong ni Jean
“Sigurado ka kuya Jean?” balik na tanong ni Anne
“Oo naman. Ahm. Para sa susunod maranasan mo rin yung namamasyal ka habang nagba-bike” sabi ni Jean
“Hmm. Nakakahiya kasi e” sabi ni Anne
“Huh? Bakit naman?” sabi ni Jean
“Kasi baka hindi ako agad matuto e” sabi ni Anne
“Sus yun lang ba. Okay lang yun” sabi ni Jean
“Ahm. Sure ka kuya? Hehe” tanong ni Anne
“Oo nga. Tsaka wag kang mag-alala sisiguraduhin ko na matututo kang agad. Hahaha” paniguro ni Jean
“Hmm. Thank you kuya Jean. Hehe. Akala ko noong una ay mahirap kang lapitan pero napaka bait mo pala kuya Jean.” sabi ni Anne
Nako wag mong sabihin yan. Baka maniwala na ako sa iyo. Hahaha” sabi ni Jean
Habang masayang nagkukwentuhan ang dalawa ay napagkakamalan silang magkasintahan lalo’t kung titignan mo sila ay bagay na bagay. Pagbaba nila sa bus ay dumiretso na sila sa school. Dito naman ay naghihintay sina Shin at Yana na parehong nakatingin sa dalawa na parang nagtataka kung bakit magkasabay sina Anne at Jean. Ipinaliwanag naman ni Anne ang lahat habang si Shin naman ay patuloy na inuusisa si Jean.
Samantala……
Dumiretso na sa Amusement Park si Raine at doon na lamang niya inantay si Yesh. Pagdating ni Yesh ay talagang pinaghandaan niya ang kanilang date na bukod sa maganda na siya ay lalo pa siyang gumanda sa kanyang suot na blue dress at iba rin ang kanyang hair style ngayon….
BINABASA MO ANG
Love Beats
Teen FictionThe mind forget but the heart never forget..... This is a story about a innocent promise in which two people have taken it differently as the the one remembers it and the other one forgets it...