Chiara’s POV
Grabe talaga ‘tong si Kane. Hilahin daw ba ko dito sa isang booth para makapaglaro. Eh sya lang naman nag-eenjoy. Natutuliling ako sa mga tilian ng mga babaeng nanunuod sa kanyang maglaro ng shooting game.
“Kyaaaahhhh! Ang galing mo Kane!”
“Go kuya Kane! Kaya mo yan!”
Tsk. Ang ingay! Mga wala na sa katinuan yung mga babae. Nabibingi na ko dito.
Makaalis na nga.
“Chiara!” Tsk. Ang kulit talaga nito.
Naglakad na lang ako ulit. Di ko sya pinansin.
“Oy, Sungit!”
“....”
“Chiarang Sungit!”
“......”
“Ui.”
“......”
“.....” Aba? Himala. Tumahimik ang mokong?
Nilingon ko si Kane. May tinitignan sya. Seryoso yung mukha nya.
Sinundan ko yung direksyon na tinitignan nya.
(O_O)
Si?
Si Mr. Yabang ba yun?
Si Creo?
Nakikipagsuntukan? Hala. Bakit?
Nakita kong sumugod na din si Kane dun. Dalawa kasi yung lalaking kasuntukan ni Creo at napagtutulungan sya.
Sumunod na din ako.
Grabe. Ang lalakas sumuntok ng mga ‘to.
Halos lahat nung mga estudyanteng naglilibot humihinto at nakikiusyoso na din. Grabe talaga.
“Dyan ka lang!”
“Cre--”
“Wag kang aalis dyan!”
Huh? Sino yung kinakausap nya?
Napalingon ako dun sa may gilid.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With A Heartbreaker
Novela JuvenilIsang heartthrob at isang simpleng babae na may pagka-boyish kung kumilos at walang kainte-interes sa mga lalaki.. Ano kaya ang mangyayari sa pagku-krus ng landas nila? Disaster ba o may iba pa?