When I was young lagi kong nakikita si mommy na umiiyak. And I always asking Bakit?And then one day ang matagal ng tanong na paulit ulit na nagpeplay sa utak ko ay nasagot na. At the age of 14 I saw my father na may kasamang iba.
At dun nagumpisa ang pagbabago ng aking mundo. Dahil sa pangyayaring iyon natakot ako. Ewan ko kung bakit siguro dahil nasasaktan din ako sa tuwing nakikitang umiiyak si mommy and ayaw kong maranasan ang ganung pangyayari.
"Janine.." Nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig na iyon at sumalubong sa akin ang nakangiting si Edward.
Sinuklian ko sya ng isang matamis na ngiti.
"Hmmmm?" Sabi ko ng nasa harap ko na sya.
"Ahhhh... Gusto kitang ligawan."--Edward
"Huh? Bat naman ako" sabi ko na may kahalong ngiti saking mga labi.
"Kasi gusto kita and halos yung iba nating classmate sinasabi na gusto mo din ako the way you act kapag magkasama tayo"
Sabi ni Edward na siguradong sigurado sa bawat salita na kanyang binibitawan.
Tinap ko ang balikat ni Edward dahilan kung bakit sya napatingin sa akin.
"Sorry ed. Pero ganun talaga ako kung kumilos. Ang sweet diba? Sorry pero wala akong nararamdaman para sayo. I hope naintindihan mo. Bye! See you around Ed."
Sabi ko at iniwan na si Ed.
Pang ilan na si Ed sa mga nagbalak na manligaw sakin. And all of them laging ganun ang dahilan. And because of that some of my schoolmate ay pinangalanan akong "PAASA"
Tinatawanan ko na lamang sila. Mali bang maging Nice ako sa kanila? Is it my problem or talagang assuming sila.?
But some part of me saying na ganto pala minsan ang pakiramdam ng may binabasag kang puso or let say na may nasasaktan? Ganto ba ang nararamdaman ni Daddy nung mga panahon na sinaktan nya si mommy.?
Lumipas ang ilang buwan at ganun padin ang nangyayari may nagbabalak na manligaw at aayawan ko. May mga pagkakataong nagpapakita ako ng paghanga sa isang tao at boom! Kinabukasan may gusto nadin sya sakin. Kaya feeling ko walang trill kaya naman hindi tumatagal ang feelings ko para sa isang tao.
Kasalukuyan akong nakaupo at hinihintay ang aming teacher. Ng pumasok sya ay umayos ako ng pagkakaupo. May pinapasok sya tiningnan ko ang hamba ng pintuan at nakita ko ang pagpasok ng isang binata na.. Well good looking. May matangos na ilong, manipis at mapulang labi, ang kulay brown nitong mata at mahabang pilikmata.
"I'm Xian "
At pagkatapos nyang magpakilala ay pinaupo na sya ni maam sa likurang upuan.
Halos mabali naman ang mga leeg ng mga kaklase kong babae.Akala ko sa story lang nangyayari ang halos mabali ang leeg well pati na pala sa reality.
Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong pumunta sa kwarto ni mommy just to check kung ok ba sya. Nakahinga ako ng maluwag ng nakitang mahimbing syang natutulog. Its almost 6 months ng naghiwalay sila ni daddy at sa loob ng ilang taong panloloko ni dad ay noong nakaraang anim na buwan nya palang naisip na makipaghiwalay. Pabor na din sakin yun dahil hindi na kailangan pang maglokohan pero sa tuwing nakikita ko si mommy nagtatanong ako kung tama ba yung naiisip ko. Bakit parang ok lang kay mommy na magsama sila ni daddy kahit na wala ng silbi. I mean bakit pang kailangang magsama ng dalawang tao kung nagkakasakitan lang din naman sila or bakit pinaghahawakan padin ng isa ang relasyon nila kahit na nasasaktan na sila?
BINABASA MO ANG
PAASA na ngayon ay Umaasa (Oneshot)
RandomPaasa? Isa kaba sa kanila o isa ka sa mga Umasa? ---------------------------------- Kung isa ka kanila halina't basahin ang istoyang PAASA NA NGAYON AY UMAASA.