Nasa bahay lang ako at nagbabasa ng libro kung ano man ito hindi na mahalaga.
Dumating si mama at natulog saglit nang dumating ang alas-tres naligo na ako at nagbihis. Manunuod daw kami ng mga banda. Hindi ko trip manuod pero nung nalaman ko kung sinong tutugtog hindi na ko umangal.
Sino nga bang tutugtog? Edi... BassManBand. Yung banda ng crush ko kung saan siya yung drummer. Meron pa siyang isang band pero ang alam ko nadisband na.
Sikat sila sa amin. Campus crush sila dahil lagi silang sumasali sa mga contest at laging panalo.
Nasa school ako ngayon, pinagmamasdan siya dahil nagppractice sila para sa contest mamaya.
May music hall kasi sa school at dun sila palaging nagppractice pinayagan naman sila nung principal namin at para daw di na sila gumastos.
"Helixa." nakakairitang tawag sakin nung bestfriend ko.
"Ina naman bestfriend e. Helixa talaga? Ganda na ng silay ko, e." lumapit sakin si Ely at inakbayan ako.
"Tara na para maganda pwesto natin sa panunuod!" hinila niya ako at bago tuluyang umalis napatingin sakin si Rain.
Ganda ng pangalan noh? Buti nalang binagayan ang kagwapuhan niya.
"Stop daydreaming!" kinurot ako sa pisngi ni Ely.
"Ano ba! Masakit ha!" naglakad kami papuntang park, nakasetup na lahat ng gagamitin para sa contest pati mga awards nakalabas na.
"Good Afternoon ladies and gentlemen. We're all invited here to witness a prominent contest of bands. For now we'll be preparing their stage and start after 5 minutes. Bands, please get ready and form a line at the back of the stage."
Marami ng tao ang nagdadatingan buti nalang at nasa bandang unahan kami maganda sila silay ko mamaya.
After 5 minutes, lumabas na yung baklang Emcee
"GoodAfternoon again, ladies and gentlemen. Let's now start with the contest. For the first contestant, let us welcome Bring Me Home Band!"
Pangapat ang BassManBand na tumugtog. Babae ang vocalist nila at laging nalilink si Rain at yung lead vocalist nila kaya minsan parang gusto ko nalang sumuko kahit crush ko lang siya.
Teka, crush lang ba?? O mahal na? Ewan ko...
"Goodafternoon people! We are the BassManBand. We're gonna play Migraine by MoonStar88." panimula ni Meliza
Oo nga pala hindi nga pala tayo
Hanggang dito nalang ako
Nangangarap na mapasayo
Hindi sinasadya na hanapin pa ang lugar ko
Asan nga ba ako? Andyan ba sa iyo?
Natapos ang kanta at medyo naluha ako. Patama talaga e. Kakainis!
Umalis na kami ni Ely sa kinatatayuan namin at nagpunta sa Mcdo.
"Friend, patama yung kanta? Move on na kasi. Wala kang patama kay Sam. Maganda boses, matalino, sexy at mayaman." si sam yung lead vocalist at yunh nalilink kay Rain.
"Oo na. Let's go to the bar later, libre ko. Maghahanap ako ng gwapo at kakalimutan ko na siya." bumalik kami at iaAnnounce na ang panalo.
2nd Runner up yung Bring Me Home Band, 1st Runner up naman ang FrvrBand at champion ang BassManBand. Siyempre sino pa ba ang papatalo? BMB yan e.
BINABASA MO ANG
You are the Music in me (one shot)
RandomSusuko na ko sa crush ko kaso pinigilan niya ko. bwst.