HSP Ch. 12
// NATHAN ZAC'S POV //
"Lumayas ka dito!"
*BOGSH! BOGSH! BOOG!*
"Walanghiya ka talagang bata kaaaa~!"
*BOG! BLAG! BOGSH!*
"Ako pa ngayon ang walanghiya?! KAPAL NG MUKHA MO! LUMAYAS KA SA BAHAY NA TO ULUL!"
*BLAG! BUGSH!*
Nagpunas ako ng dugo sa labi. Kapal ng mukha nitong bumalik, kala mo walang nangyari. Tss. Akala ko pa naman kung sinong mabait ang naghatid sa nanay ko dito sa loob ng bahay, POCHA isa palang impakto. Tss. Gusto ko siyang patayin ngayon!!
"Aba! P*TA ka talagang bata ka!"
Inambahan niya ako ng suntok pero hinawakan ko agad siya sa kwelyo at inilapit sa akin, "IKAW ANG P*TA. INIWAN MO KAMI NG WALANG PASABI." Sabi ko sa kanya habang nagtatagis ang mga bagang ko sa galit. May parte sa akin na pumipigil na wag ko siyang patayin dahil patayin ko siya at Tangna lang!! Hindi ko talaga magawa!!
"Ngayon, kung wala ka nang gagawin dito, lumayas ka na. Hindi ka namin kailangan ni mama!" Pabalibag kong binitawan ang kwelyo niya na naging dahilan ng pagbagsak niya sa sahig.
Akala ko, gaganti pa siya pero pinunasan niya lang ang gilid ng labi niya at tumayo, "Sige, aalis na talaga ako. Nandito pa naman ako para manghingi ng isa pang pagkakataon pero ano? Suwail ka talagang bata ka!"
Palabas na sana siya nang.
"Anak?! Marco?!!" Nakita ko si mama na nakatayo sa hagdan habang kinakabahan na magkahawak ang mga kamay. Parang kahit anong oras, papatak ang mga luha niya. TANGNA, ito sa lahat ang ayaw ko eh, "B-Bakit kayo nag-aaway anak?" Madrama niyang tanong. Mabuti na nga kanina at tulog siya dahil lasing tapos ngayon, nagising naman na parang nawalan na ng tama. Bwisit kasi tong lalaki na 'to. Bumalik-balik oa, eh hindi naman na namin siya kailangan.
"Umakyat ka na 'don." sabi ko sakanya ng hindi umaalis ang titig sa tatay kong impakto na hanggang ngayon sabik na sabik ang tingin sa nanay ko.
"Anak, tama na 'to. Iwan mo muna kami ng papa m--"
"Hindi ko yan tatay. Tss." Pinutol ko na ang sasabihin niya dahil kung ako ang tatanungin, nakakasuka pakinggan. Kadiri. Umalis na ako sa harapan nila at binangga ko muna ang impakto bago ako lumabas ng bahay. Iyoyosi ko na lang 'to.
Bahala silang dalawa mag-usap dyan. Basta para sakin, indi ko na siya tatanggapin pa sa bahay.
Sinindihan ko na yung natitirang sigarilyo sa bulsa ko. Nag-hits ako sabay buga. Nandito na ako ngayon, nakasandal sa gate ng bahay habang naninigarilyong nakapamulsa ang isang kamay.
Sa pangatlong hits ko, may naaninagan akong babae na paniguradong kilala ko.Hawak hawak niya ang strap ng bag niya. Napasulyap siya sakin pero yumuko rin agad tapos binilisan pa lalo ang paglalakad. Tss. Naalala ko na naman yung kanina, "Tch. Niligtas pala ha." Sabi ko sa sarili ko sabay buga ng usok.
Tumigil siya sa paglalakad. Oh ano? Narinig niya pa yun?
Nag-hits pa ako sabay buga tsaka ko itinapon yung filter ng yosi, "Tss." Tumalikod na ako para pumasok na ulit sa bahay, kahit alam kong nakatigil pa rin siya sa kalsada.
Inurong ko na yung gate nang basagin niya ang katahimikan, "Ano bang problema mo, Zac?"
Parang nabato ako sa tanong niya. Problema ko?? HAH' kung alam niya lang. At tinatawag niya na akong 'Zac' ngayon?? Mas gusto ko pang Nathan na lang. Dahil ba sa lalaking 'yon kaya Zac na ang tawag nito sa akin?? Gusto ko na siyang sapakin sa minutong 'to.
BINABASA MO ANG
♀♂ High School Parents ♂♀
DiversosMuling magbabalik update ang HSP.Credits to the BC maker, ate @AEGraphics. Thankyou.