a/n: Pasyensya na po. Madaming censored(mura) words dito.
Date finished: November 28, 2013
STORY OF A GANGSTER
"Tang-ina talo na naman ako! Nangdadaya ka ba ha!" Hinatak ko yong damit ng lalakeng katapat ko sabay suntok sa mukha nya. Gagong to kanina pa ako nakakahalatang dinadaya ako.
"Teka lang pare easy ka lang!" Tumayo ako at sinipa ko yong lamesa kung saan nagsusugal kami at nag-iinom. Kinuha ko yong bote ng beer at nilapitan si Kurt.
"Easy ba kamo? Hetong sayo!" I hit him on his head. Nabasag yong bote.
"Putangnang yan! Nabasag yong bote pero yong ulo mo hindi! Bwisit ka!" Pinagsisipa ko sya hanggang sa inawat na ako ng iba naming kasama.
"Sabi ko naman sayo gaguhin mo na silang lahat wag lang ako! F*ck you! Asshole!" Sabay dura ko sa kanya. Mabilis talaga mag-init tong ulo ko kaya hanggat maaari hindi sila gumagawa ng kahit na anong ikagagalit ko pag magkasama kami. Pero tong ugok na Kurt na to hindi talaga nagtitino. Kabubugbog ko lang sa kanya nung isang araw dahil binawasan nya ng isang stick yong yosi ko. Nakakabwisit talaga! Makauwi na nga!
Pagdating ko ng bahay may naririnig na akong ingay mula sa loob. Mga hagikhikan na akala mo naglalaro ng apoy. Sinipa ko yong pinto.
"Janet may pagkain ba?!!" Sigaw ko sa nanay kong malandi.
"Nandyan ka na pala anak. Oo meron dun sa kusina"
"Don't call me your son, you bitch! Ipaghain mo na nga lang ako! Bilisan mo!"
"O-oo...." Agad naman syang tumakbo sa kusina para gawin yong utos ko.
"Ikaw naman! Bakit nandito ka pa sa pamamahay ko?! Lumayas ka dito!" Baling ko dun sa kalandian ng nanay ko. Tuwing uuwi na lang ako ng bahay na to lagi ko na lang syang nakikita dito. Mga bwisit!
Ako si Migz Juan Lazaro. 19 na ako at high school graduate lang at wala akong pakialam dun! Basagulero ako, parang gangster daw sabi nila. Minsan yong makakasalubong ko sa daan binubugbog ko lalo na't hindi maganda ang tabas ng mukha. Pag babae naman, tinatakot ko hanggang sa umiyak at tuluyang tumakbo. Nananakit lang ako pero hindi ako magnanakaw ng pera o kung ano mang gamit. Hindi ko kailangan yon dahil marami akong pera na ipinamana ng tatay ko. May-ari ako ng tatlong company at ilang hotel kaya hindi ko pinoproblema ang pera. Hindi ako ang nagmamanage ng business dahil baka mabunkrupt lang yon! Ano bang alam ko dun! Ang kailangan ko lang ay mapunta sakin ang 50% ng kita and the rest bahala na sila dun.
"Migz kain ka na!" Sigaw ni Janet mula sa dinning area. Pumunta naman ako dun.
"Anong klaseng pagkain yan?!! Bakit yan lang?"
"K-kulang pa ba to? Sandali magpapadeliver na lang ulit ako. A-ano bang gusto mo?" Natatarantang tanong ng nanay ko.
"WALA! Umalis ka na! At palayasin mo na yang lalake mo dito sa bahay natin!"
"S-sige...." Agad umalis si Janet sa harapan ko. Ako naman nagsimula ng kumain. Bwisit naman na pagkain to! Nung huling uwi ko sa bahay na to, ito din yong ulam ko, puro padeliver na lang! Putangna naman talagang buhay to! Nawalan na ako ng gana. Makapagyosi na nga lang sa kwarto ko.
Umakyat na ako sa taas. Binuksan ko yong sliding glass door ng room ko kung saan may terrace dun. Nagsindi ako ng yosi at naupo sa edge ng terrace. Isang maling galaw ko lang sigurado mahuhulog ako mula dito sa third floor ng bahay namin. Pero sanay na din naman ako sa ganitong position at kung sakaling mahulog ako edi patay kung patay! Hindi ako natatakot mamatay!
Sumilip ako sa baba, medyo nakakalula. Ano kaya kung tumalon ako dito? Tss ano ako siraulo? Tanga lang ang mga taong nagpapakamatay!
Nakita kong may humintong sasakyan sa tapat ng gate namin. Bumusina pa ang gago! Maya-maya lumabas si Janet para tingnan kung sinong ugok ang nasa labas pero laking gulat ko ng marinig ang dalawang putok ng baril at bumagsak si Janet mula sa kinatatayuan nya.