Chapter 8 - ButikiNAGLALAKAD na ako ngayon papunta sa labas ng school. Sabi saakin ni Kobe ay magkita nalang kami intayin ko nalang siya sa harapan dahil masign off pa daw siya.
May paparating na kulay black na sasakyan. Umiling na ako alam ko na kung sino to. Ano bang problema mo Gregorio!!!
Maglalakad na sana ako paaalis sa pwesto ko pero bigla siyang bumusina ng sunod sunod. Walang tigil.
May mga taong tingin ng tingin kung sino ang maingay na naggagawa ng gulo dito sa harapan ng mamahaling school. Sino ba naman maglalakas ng loob diba? Tingin ko ay kilala ng mga gwardya ang nagiingay kaya hindi nila pinupuntahan.
Umiling ako. Wala talagang magawa sa buhay. Binaba niya ang window at kita ko si Gregg na chill na nakashades.
"Get in" Pagutos niya. Hindi ko ito pinansin. Sa wakas ay tinigil niya ang pagbubusina. Talaga bang gusto niyang gumawa ng palabas?
"Alexa I said get in. Dylan is in the passenger so better get in the car" Napatingin ako sa kanya ng bigla niyang Binanggit si Dylan. Talagang dinala niya pa si Dylan dito?
Binuksan niya ang window sa passenger.
"Mom, Dad said you have dinner date tonight with dad " Biglang sigaw ni Dylan sakto naman na dating ng isang gray na sasakyan.
Kita ko si Kobe na pababa. Tingin ko ay hindi niya nakita si Gregg na sa harapan ko ang sasakyan.
"Are you ready?" Bubuksan na sana niya ang pinto para saakin pero may humawak sa braso ko.
"Fuck off Kobe" May inis sa boses ni Gregg pero hininaan lang niya yung mura para hindi marinig ni Dylan sa passenger.
"Hey! I'm not going to steal your son's mother. Not now" May asar din sa boses ni Kobe. Hindi ko sure kung anong pinagsasabi ni Kobe.
Not today please!!! Binawi ko ang braso ko sa pagkakahawak ni gregg. Tinignan niya ako.
Tumingin ako kay Kobe "Sorry Kobe pero hindi pwede ngayon si Dylan nasa sasakyan ayokong magisip siya ng masama saatin tulad ng isa dito. But maybe next time" Nginitian ko ito sinara niya ng kaunti ang pinto ng sasakyan niya na medyo nabuksan niya na kanina.
"There's no next time" Nauna na siyang naglakad papuntang sasakyan. Nginitian ko si Kobe at nagumpisa na ding lumakad papunta sa sasakyan.
Buong byahe pauwi ay sobrang tahimik. Ni pati si Dylan ay naramdaman ang katahimikan. I look at Dylan and he's sleeping.
"Stop the car" I coldly said to Gregg.
He looked at me "Why?" Irita niyang tanong. "So are still trying to go to Kobe's house? Are you crazy? Dylan is there. Stop flirting" Inis niyang bulyaw saakin.
Ako pa ang nakikipaglandian? Ipapasa pa sakin tong hobby niya. Gusto ko lang naman puntahan si Dylan sa likod para naman nakakasandal siya saakin habang natutulog. Iba talaga kapag manyak na ang nagiisip.
"Wag mo akong itulad sayo. Gusto ko lang iistop mo para puntahan ko si Dylan sa likod dahil natutulog na siya. Wag kang overthinking" Tinarayan ko ito kahit na hindi niya makikita dahil maggagabi na. Inihinto niya yung sasakyan.
Walang salita. Bumaba ako tsaka lumipat sa likod. Habang inaayos ko si Dylan sa lap ko para makahiga. Nakacar seat siya pero gusto ko pa ding maging comfortable siya. Walang salita din ay pinaandar na niya uli ang sasakyan. Napahinga nalang ako may tama din talaga siya eh.
"Where do you want to eat?" Papikit na ako ng tinanong niya ako. Parang pagod na pagod na ako. Gusto ko nalang kumain sa bahay.
"At home" simpleng sagot ko. "Dylan needs to sleep" dagdag ko pa.

BINABASA MO ANG
Cassanova's Heredity (SullixChanyeol)
RomanceWe did... Kahit na wala siyang nararamdaman sakin. Pero ako puno ng pagmamahal ang namagitan sakin. Pero siya? Saya lang ang gusto niya. At nagbunga ang maling nangyari saamin. Now. He need to take responsiblity to his son kahit na wala siyang puso...