ERIKA
We're here at our secret hideout. Actually ginawa na naming hideout 'tong office ni Luci sa school, malaki rin naman daw ito para solohin niya lang, so she let us stay here whenever we want haha.
Habang kumakain ay naalala ko yung lalaki kanina. He's so cute and charming that I forgot to ask for his phone number or even his name. I hope to see him again sometime when we're done with this arrangement.
Tumayo ako at naglakad papunta sa ref para kumuha ng tubig. Naabutan ko namang naghuhugas ng mga platong ginamit si Luci. Napangiti naman ako nang maalala ko yung nangyari kanina. Even with those fake bumps and freckles, I think Luci still looks great. I believe the man on her back was mesmerized with her natural beauty hahaha!
Pagtapos kong uminom ay nagpaalam akong lalabas muna para magpahangin. Habang naglalakad ay di pa rin maiwasan ang mga bulong-bulungan ng mga tao at habang tumatagal ay nasasanay na ko. It's been a week, and I guess my body is gradually adjusting to the attention we're getting.
Dumiretso nalang ako sa isang abandonadong building dito sa school, di naman nawawalan ng ganito sa mga school para sa mga estudyanteng pasaway hahaha.
Napag isip isip kong umakyat muna sa rooftop nito para makapagpahinga. Habang paakyat ay may narinig akong babaeng nag uusap kaya tumigil muna ako at sumilip sa nakaawang na pinto.
"Don't make me repeat myself. I need those books later, so you'd better finish those assignments as quickly as possible, got it?" napatago naman ako sa mga nakatambak na gamit doon dahil papalabas na yung isang babae. Pagbaba nito ay lumabas na ako.
'By the away, why did I hide?' napakamot naman ako sa ulo ko at pinagpagan ang naalikabukan kong damit. Sumilip ako ulit sa pinto at nakitang may umiiyak na babae. Namumula ang pisngi nito at may kakaunting dugo sa gilid ng labi.
'Mukhang pumutok pa ang labi nito tsk.' kinuha ko naman ang panyo sa bulsa ko at lalapitan na sana ito nang bigla itong tumayo at naglakad patungo sa railings ng rooftop.
'Suicide? In broad daylight? Really?' napakunot naman ang noo ko at papanuorin nalang sana itong tumalon pero bigla akong inusig ng konsensiya ko.
"You think, killing yourself will give you peace of mind?" sabi ko habang nakatingin rito ng seryoso. Nagulat naman ito at napakapit ng mahigpit sa railings nitong rooftop.
"Well, I think it will." tumatawang sabi ko at tumingin rito ng seryoso. "But, I have a question for you, before you jump in this ten-storey building." unti unti ako ritong lumapit at humawak din sa railings.
"How about your family? Or friends, if you have one? What do you think will happen if ever they discover your lifeless body on the ground?" itinuro ko pa ang baba kung saan nakatayo ang gusaling ito. Namutla naman ito at agad agad na umakyat muli sa kabilang bahagi at doon nagtuluang muli ang mga luha nito.
"Hindi ko naman gustong gawin 'yon, pagod na pagod na kasi ako." umiiyak na sabi nito habang wala pa ring tigil ang pagluha ng mga mata nito. Inabot ko naman ang panyo ko dito kaya napatingin naman siya sa'kin at ngumiti.
"You know what, ikaw ang unang taong kumausap sa'kin dito ng maayos at walang hinihinging kapalit." nakangiti nitong sabi habang nakatingin sa langit. "If ever na magkita tayo ulit. Okay lang ba kung kausapin kita?" tanong nito saka nahihiyang tumingin sa'kin. Ngumiti naman ako at tumalikod na. Nakita ko naman ang pagkadismaya sa mukha nito at napayuko.
"What are you talking about? We're already friends, so why not? You are welcome to contact me any time." inabot ko naman dito ang kapirasong papel kung saan nakasulat ang numero ng cellphone ko. Hinanda ko 'yon para sana ibigay sa lalaking gumising sa'kin kanina.
Ngumiti naman ito at tumango nalang. Ipinagpatuloy ko na ang pagbaba dahil malapit na rin mag time. Lagot nanaman ako kay Ma'am nito.
- R E V I S E D -
BINABASA MO ANG
That Nerds Are The Long Lost Gangster Princesses
Teen FictionBattle realm is a place where royal family rules. The kingdom are ruled by kings and queens. Princes and princesses are the empire's second-highest officials. And then the underlings who will be the superiors' pet. What if, for no apparent reason, t...