IKADALAWAMPU'T ISANG KAPITULO
"Hello? Guys, alam na namin kung nasaan si Smile. Magkita-kita tayo sa front door. Ngayon na. See you!"
Mabilis na naputol ang tawag mula kay Christian Oliver. Nagtataka man sila sa kung paano nila nalaman kung nasaan si Smile, sinunod pa rin nila ang sabi ng kaklase.
"Guys.. Tara na." matamlay na aya ni James Paul sa mga kasama.
"Mabuti pa nga. Ayoko na dito." Halatang bad trip na sabi ni Fran at naunang maglakad palayo sa kanila.
Napatingin ang mga natirang kasama ni James Paul sa kanya. Sumimangot lang si James Paul at naglakad na din palayo.
Napailing si Angelo. "LQ pa more."
"Ano bang nangyari?" tanong ni Lyka.
"Ano ba 'yan! Nandito ka naman tapos 'di mo alam?" biro ni Quincy sa kaibigan.
Natawa si Lyka. "Sorry na!" Tapos napaisip siya. "Teka, alam mo din ba kung bakit?"
"Hindi! Hahaha!" tawa ni Quincy. "Bakit nga ba?"
"Baka nagkaroon ng LQ. Pagkalabas kasi nila mula doon sa isang kwarto, halatang bad trip na ang dalawa sa isa't isa." kwento ni Angelo.
"Baka may ginawa silang kababalaghan doon tapos hindi nagwork out?!" Pagpapanggap na gulat ni Quincy.
"Sira! Hahaha!" Binatukan siya ni Lyka.
"Joke lang!"
"Guys, tara na! Iniwan na talaga tayo ng dalawang 'yon!" sigaw ni Christian John.
"Gorabells na, mga day!" sabi ni Diomel.
***
Halos magte-trenta minutos na mula nang makarating ang grupo nina Christian John sa front door ngunit ni isa sa iba pa nilang mga kaklase ay hindi pa nila nakikita.
"Nasaan na 'yong mga 'yon?" inip na reklamo ni Diomel. "Ang tagal ah."
"Bakit kasi 'di niyo tawagan si Oliver?" sabi ni Angelo.
"Oo nga! Tsaka kinakabahan na din ako dito." pabulong na sabi ni Lyka.
"Bakit ka naman kakabahan?" tanong ni Quincy sa matalik na kaibigan.
"Basta! Ang creepy dito."
"Mas creepy si Fran. Hahaha! Bangkay, be!" biro ni Christian John para pagaanin ang atmosphere.
Inirapan lang siya ni Fran. Wala ito sa mood para makipagkulitan dahil sa nangyari kanina...
[KANINA...]
"Na-check naman na natin lahat, 'di ba?" tanong ni Fran.
"Oo, Hal. Itong kwartong ito na lang daw ang hindi pa." sagot ni James Paul. "Mga pasaway kasi eh. Sabi aalis na tapos may kwarto pa lang hindi pa nachecheck."
"Tara, i-check na natin para makaalis na tayo dito. Nakakakilabot eh."
"Okay po."
Mabilis na inikot at sinuri ng dalawa ang kwarto. May mga kahon sa loob nito na pinaglalagyan ng mga gamit at mga lumang libro o notebooks. Tulad ng ibang kwarto, madumi rin dito, makalat at maalikabok.
BINABASA MO ANG
MANSION 49 (2016)
Mystère / ThrillerUNDER MAJOR REVISION Normal na mga estudyante lamang sila mula sa section ng Perlas na nagbalak na magsama-sama upang magsaya. Ngunit sa kalaunan ng kanilang pananatili sa isang mansyon sa kakahuyan ay unti-unti ang pagsaksi nila sa mga 'di pangkara...