Sa mga kaklase ko
Kasama ko hanggang sa dulo
Sa paglipas ng panaho'y sana maalala niyo
Ang pinakamaloko ninyong Lolo Kiko
Unang araw, ako'y nagalak
Dahil sa inyong pagtanggap
Pag-uyam, pang-aapi, di ninyo pinaramdam
Ito ay lagi kong inaasam
Madaling lumipas ang panahon
Tila kalendaryo ko'y di makahabol
May pagkakaibigan na palang nabubuo
Unti-unting nakikilala, inyong pagkatao
Karamihan sa inyo ay aking nakasundo
Ang ila'y nasabihan pa ng problema ko
Sila'y aking pinagkatiwalaan
Sa kababaan ng buhay, di ako iniwan
Halong saya't lungkot ang aking nararamdaman
Ngayong ilan sa inyo'y biglang lilisan
Sana huwag ninyong kalilimutan
Ako, at ang ating pinagsamahan
Sa mga itinuro, ako naman ay may nakuha
Di naman lumabas sa kabilang tainga
Dahil iyon naman talaga ang halaga
Nang araw araw na pagpasok sa eskwela
Ako'y nagagalak sa aking mga guro
Na hindi naman sa amin naging istrikto
Ang mga bata ay 'di matututo
Kung ang tutulara'y kamay na bato
Kaya ngayon, sa ating pagtatapos
Hiling ko, karununga'y di maubos
'Di malilimutan, mga ala-alang puspos
Maging kaligayahan nating lubos.