~♪٩๛♪ ♬ ヾノ♬ ♪~♪٩๛♪ ♬ ヾノ ♬ ♪~♪٩๛♪ ♬ ヾノ ♬ ♪~♪٩๛♪ ♬ ヾノ♬ ♪~♪٩๛♪ ♬ ヾノ ♬
"Love beyond one's depth"
-----------------------------Jam's point of view
"Tita, wala po akong alam sa mga nangyari... Tita gusto ko pong makita si Note. Sana po pagbigyan ninyo ako..." pagmamakaawa ko kay Tita pero tinapunan nya lang ako ng tingin.
"Lumayo ka sa anak ko! I don't what to see your f*cking face!" napatalpak ako sa sahig habang hawak ang kamay nya.
"Tita, please... Maawa na po kayo, gusto ko lang po syang makita." sana kaya kong maibalik ang oras.
Hinawi nya ang kamay ko at itinulak nya ako, "Umalis ka na!" sigaw nya sa akin, umahagul gol na ako sa iyak...
"Sarah! Tama na! Nasasaktan na si Jam. Huwag mong kakalimutan, naging matalik na kaibigan sya ni Note!" tumawa lang si Tita.
"Talaga ba Pa? Kung kaibigan nga sya ng anak natin edi sana hindi nya pinabayaan na mapahamak si Note! Sana ikaw na lang Jam ang nasa pusisyon ni Note! Sana ikaw nalang!" lumapit sya sa akin at pinaghahampas ako.
"So-sorry po... patawarin n-nyo po akooo." pagmamakaawa ko.
"Sarah tama na!" lumapit si Tita kay Tita at nilalayo nya sya sa akin. Biglang dumating sina Joon at Jun, "Jam? Are you okay?" tanong ni Jun at tinayo nila ako.
"Ilayo ninyo ang babaeng yan sa akin at baka ano pa ang magawa ko sa kanya!" Inilibot ko ang paningin ko sa kanilang lahat, takot... galit, poot at lungkot ang bumabalot sa aming lahat at ako ang may kasalanan.
Inalalayan ako nina Jun at Joon papuntang lobby at inupo nila ako sa couch. "Jam, don't blame yourself." at ipinatong ni Jun ang kaliwa nitong kamay sa balikat ko. Nasa gawing kanan ko sya at si Joon naman ay nakatayo sa likuran ko.
"It's all my fault. Tama si Tita, sana ako nalang dapat ang nasa posisyon ni Note. Sana ako nalang." ginulo ni Joon ang buhok ko pero hindi ko man sya pinansin.
"We know the story behind, Jam. We're here to support and protect you as what Note commanded us." lalo akong naiyak sa sinabi nya.
"Jam, kaya mo yan. Hahanap tayo ng pagkakataon para makapasok ka sa room ni Note. Pero I tell you, hindi mo nanaisin ang makikita mo... Baka lalo ka lang masaktan." dahil sa akin kaya delikado ang buhay ni Note.
"Pahinga ka muna Jam, pagod kana... Tama na ang kakaiyak." utos ni Jun sa akin. Pero naramdaman ko nalang na isinandal nya ang ulo ko sa balikat nya at naramdaman ko ang pagod at sakit na nararamdaman ko.
-------------
"Jam?" may naramdaman akong tumapik sa pisngi ko.
"Hmmm..." minulat ko ang mga mata ko at napapitlag ako dahil ang lapit ng mukha ni Jun. Umayos ako ng upo, at tumingin sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Diary ni Ms. Silent Lover [Completed]
Novela JuvenilMapapansin pa ba o pamamanis na? Bakit ba ang manhid mo? Bakit ba nagpapakatanga ako sa katulad mo na wala naman pakielam sa akin? Bakit pa kita minahal? Ito ay kwento tungkol sa isang dalaga na umibig sa taong hindi siya mahal. Dinaan nito sa pa...