Chapter 2

517 8 7
                                    

Cha's POV
Andito ako ngayon sa labas Ateneo BEG hinihintay si Aby,Kahit kailan talaga napaka kupad kumilos non.

Ilang minuto din ang lumipas at natanaw ko na ang sasakyan niya.Agad naman itong nagparking at naglakad na papunta sakin.

"Tyang!Ang kupad mo talaga kahit kailan!"Kunwareng Inis ko dito.

"Pasensya naman po kamahalan may inasikaso pa po kasi ako sa Cafe kagabi kaya nalate ako ng gising."Paliwanag nito

"Oh siya tara na.Late na tayo oh."Aya ko dito

Pagkapasok na pagkapasok namin ay nagulat ako sa dami ng tao dito.Magtrtry out kaya silang lahat?!

Tanga lang Cha!Malamang alangan naman na tumambay lang sila dito!Utak din!-Konsensya

Aisst!Lintik ka konsensya tumigil ka dyan.

Naglibot ako ng tingin at nakita ko si Dindin na Nakikipagkwentuhan sa iba pang nga players.

Lumapit kami ni Tyang sa pwesto nila at nakipagkamustahan sa kanila.

"Hi Din,Namiss kita"Bati ko dito at tsaka niyakap

"Hello Ditse,Umuwe ka pala.Sandali magtatry out kadin ba?"Tanong nito at umagwat na ko sa yakapan namin

"Yup.Para naman may pagkaabalahan ako ngayon dito"Nakangiti kong sagot

Kwentuhan lang kami ng kwentuhan at maya maya pa ay tinipon na kami ni Coach Roger para sa mga habilin at Para magpakilalanan kami sa isa't isa.

"Oh mga bata.Kaya kayo nandito ay para magtry out ng volleyball para irepresent ang ating bansa.Basta ibigay niyo lang ang best niyo at sana walang magkasakitan sa inyo.At tsaka paalala kung hindi man kayo matanggap wag sasama ang loob niyo ha.Dahil madami pang opportunity ang nag iintay sa inyo" Mahabang paliwanag ni Coach Roger

At nag simula na nga ang pag papakilala nang ako na ang magpapakilala ay tumayo na ako at nagsimula na.

"Hi Guys!Im Charleen Abigail Cr--"

"Sorry Coach Im Late"

Naputol ang pagpapakilala ko ng biglang magsalita ang asungot na yan kaya unti unti akong nagbaling ng tingin dito ay nagulat ako.Hindi ko inaasahan na siya yun,Natawag ko pa tuloy siyang asungot.

Hingal pa din ito at tila naghahabol pa ng hininga nakahawak pa ito sa kanyang tuhod at nakayuko kaya hindi pa ako nito nakikita.

Hindi ko alam pero para akong natatae na ewan.Ang bilis ng tibok ng puso ko.Biruin mo Kaya ako nagtry out dito ay para ayusin ang mga naiwan ko dati at para maayos kami.Siguro nga tadhana na mismo ang nagawa ng paraan para pagtagpuin uli kami.Dahil kung matagal na siyang nawala sa line ng career niya at ngayon naman ay nagbabalik ako para sa kanya ay hindi imposibleng kami talaga para sa isa't isa.

Nakatitig lang ako sa kanya.Masaya ako ngayon na makita siya.Miss na miss ko na siya.Yung nga yakap at halik niya.

Unti unti itong nag taas ng ulo.At tila nagulat ng makita niya ako. Ngumiti ako dito ngunit wala akong nakuhang sagot nakatitig lang siya sa akin.

Matagal ang titigan na nangyare sa pagitan namin.Nabalik na lang kaming dalawa sa realidad ng magsalita si Coach Roger.

"Jovs You're late!Sinabi ko naman sayong may consequences pag nalate ka diba.Napaka tigas talaga ang ulo mong bata ka"Sabi ni Coach kay Jovs

You read it right guys.Si Jovelyn Gonzaga.Ang ex ko,Ang taong mahal ko pa din hanggang ngayon.

"Sorry po Coach Natraffic ako ea"Sagot nito at Lumakad na papunta sa pinakalikuran at naupo

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon