CHANCE LOST FOREVER (SHORT STORY)

50 0 2
                                    

My name is Penelope.

Tahimik at brainy. o sa madaling salita... NERD.

May friend ako... si Sander

Active student, matalino rin, at higit sa lahat... gwapo.

Hindi kami ganun kaclose ni Sander personally, sa text lang kami naging magkaibigan, sa text lang kami nagkakausap... sa text lang nagkalapit ang mga mundo namin.

Magkaiba kami ng section, I-B sya I-A ako... pareho kaming section one pero magkaiba ng room, sa apelyido kasi yun... Santos sya, Himenez ako.

(Hope, nagets niyo)

Matunog na matunog ang pangalan niya noong mga panahong iyon, hindi lamang dahil sa gwapo siya, kundi dahil rin sa talino at mataas na level ng confidence niya. Confident pero di mayabang.

At ako... si nobody pa rin. Nabubuhay at humihinga nang walang nakakapuna, si Sander lang.

Nahulog ang loob ko kay Sander. OO! Mahal ko siya! pero di nya alam at ayokong sabihin dahil ayokong lumayo siya. Hindi man kami ganun kalapit sa personal, at least sa text, nagkakaroon ako ng pagkakataon at KARAPATAN para kausapin siya.

"Hi penelope, kumusta ka naman today?"

yan ang text ni Sander sa akin... ARAW-ARAW.

Masaya ako sa ipinapakitang care at concern ni Sander para sa'kin, gayunpaman, nalulungkot pa rin ako kasi never pa kaming nakapag-usap sa personal. Never niya akong inapproach, isang bagay na pinagtatakahan ko. 

Bakit?

Lahat kasi ng girl sa section namin, inaaproach niya. Pwera lang sa'kin.

Ugaling ibang-iba sa ugali niya sa text.

Fourth year na kami, at two years na kaming magkatext... two years ko na siyang mahal, kahit parang balewala lang ako.

September 8, 

...higit sa limang beses na siyang absent, bagay na hindi niya ginagawa dati... Ano kayang problema niya? At saka bakit hindi na siya nagtetext? It's been three weeks nung huli kaming nagtext...

Makalipas ang ilang araw, pumasok na siya... pumayat siya at mukhang hinang-hina.

Nung araw na iyon, nakapag-usap kami... sa text pa rin syempre. Tinanong ko siya kung bakit siya umaabsent, di na sya nagreply.

Pagkatapos ng araw, na yun... Hindi na siya muling nagtext.

Makalipas ang ilang buwan, naging mas madalas ang pagliban niya sa klase.

isang araw, isang linggo na lang pinapasok niya

at ako, patuloy pa ring naghihintay sa text niya.

Isang araw, pagpasok ko sa school, his bestfriend approached me.

"Penelope, si--si Sander ano..."

Kinabahan ako. Kakaibang kaba.

"Anong nangyari kay Sander?"

"Pa-patay na siya Penelope..."

Tahimik na umagos ang luha ko... Ayaw paniwalaan ng puso ko ang narinig ko

"Pinabibigay niya pala 'to, " sabi ng bestfriend niya sabay abot sa'kin ng maraming sulat.

Maraming sulat na dapa ay noon pa niya ibibigay, pero hindi siya nagkaroon ng pagkakataon.

Natakot siyang baka, hindi ko siya mahal, na baka i-reject ko siya...

"Penelope, mahal na mahal ka ng kaibigan ko... Hindi niya lang masabi kasi natatakot siya...

Namatay siya...Cancer sa buto ang dahilan... 1st year pa lang ata tayo nung nadiagnose na meron sya nun... Ayaw niyang magpa-chemo noon, pero nung nakilala ka niya... Lagi na siyang nagpapacheck-up, umaasa na gagaling pa siya.

Penelope, nabubuhay siya para sa'yo... MAHAL NA MAHAL ka niya. Pero kahit anong pagsisikap para gumaling ang ginawa niya, kahit tiniis niya ang sakit... walang nangyari, namatay pa rin siya

Siguro nga ay oras na niya"

Hindi ko mapigilan ang pag-iyak, nakakapanghinayang man, hindi ko na maibabalik ang panahon.

Siguro nga, may plano ang Diyos.

...Ngayon, isa na akong oncologist, doktor na nag-aaral sa tumor at cancer. Umaasa akong makapagsasalba ako ng buhay ng mga taong may sakit gaya ni Sander, habang hinihintay ko ang aming pagkikita sa kabilang buhay....

IT WAS INDEED A CHANCE THAT WAS LOST TO US FOREVER,

BUT IT TAUGHT ME A VERY SPECIAL LESSON. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 24, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CHANCE LOST FOREVER (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon