Naglalakad ako sa may corridor nun habang nag rereply sa utak ko yung mga sinabi ng babae sa akin kahapon.
Tss..
Eh ano naman ngayon kung hindi ako pupunta?. As if naming totohanin nya yung mga sinabi nya. Saka imposibleng mag krus pa ulit yung landas namin, sa laki ba naman ng mundo magkita pa kaya kami.
Imposible talaga.
Siguro dahil sa lalim ng iniisip ko ay may nakabangga na naman ako sa corridor.
“Aray”
Putik! Eto na naman tayo. Kinakabahan na ako sa mga ganitong scene. Naalala ko na naman kasing yung babaeng weird na iyakin na yun.
“ah-ano miss sorry.” Sabi ko habang tinutulungan syang pulutin yung mga books nya na nagkalat sa sahig.
“okay lang” at laking gulat ko na lang Makita kung sino ito.
“a-alyssa.”
Nginitian nya ako sabay kinuha yung mga books na napulot ko na.
“thank you, Third.”
“a-ano sorry ah.”
“wala yun. Okay lang ako, haha kaw kasi mukhang malalim yang iniisip mo.”
‘Oo nga ikaw’
Tss.. langyang isip toh.. muntikan ko nang masabi yun ah.
“ah hindi naman. May klase ka pa ba?”
“oo meron pa eh, last class ko na.”
“ah sige, ihahatid na lang kita sa room nyo.”
“sure.”
Dug.dug.dug.dug
Heto na naman yung puso ko.
Sa tuwing nakakasama ko sya, kahit nakikita lang yung puso ko ang exagg palagi.
Magkatabi kami habang naglalakad at amoy na amoy ko yung pabango nya.
Shit!...
Ang bango nya talaga.
“thank you hah.” Sabi nya sa akin nung makarating na kami sa room nya.
Takte!.. binagalan ko ngang lahat lahat yung paglalakad pero mabilis pa rin kaming nakarating sa room nya.
“nako, wala yun!.”
“yung mga books ko nga pala.”
“ay oo nga, nakalimutan ko ha-ha” tanga tanga Third! Yung book nya ibigay mo na.
Iniabot ko na yung mga book nya sa kanya at parang nababading ako nung biglang magkadikit yung mga kamay namin. Parang ginapangan ng kung ano.. tae! Weird!
“ha-ha ang lamig ng kamay mo.. okay ka lang ba?” sabi nito na amused na amused yung mukha sabay nilapat nya yung kamay nya sa nook o.
“a-aano wala.. haha.”
Pero pakiramdam ko talaga yung mga pawis ko ang lamig
“sige pasok na ako sa loob. Ingat ka.” Pagkatapos nyang sabihin yun ay ginulo nya pa ang buhok.
Sheeeet!!...
Wag nya ngang gagawin yun..
Kinikilig ko >.<
Nagsimula na ulit akong maglakad palabas ng building namin. Pero parang nanadya lang dahil saktong nadaanan ko yung grand clock ng na nakasabit sa pinaka gitna ng school namin.
15 minutes na lang 4 na.
At shit lang, naalala ko na naman yung sinabi sa akin nung babae. Kaya sa hindi maipaliwanag na paraan ay nagtatakbo na ako ng mabilis at pumara ng taxi.
BINABASA MO ANG
Stay Forever
Novela JuvenilShe has the face of an angel and a smile that could launch a thousand of ship. Yes, she is that pretty. But do you know that she is a BIG BULLY?.. and yeah.. her initials were D.A.M.N