HRHG 41: The Root

64.2K 1.5K 77
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

"Whatever is done for love always occurs beyond good and evil." 

— Friedrich Nietzsche

⚜⚜⚜

Rissy's POV

Masakit sa akin ang marinig na kaya pala palaging pinagsasabihan ako ng aking kapatid na wag siyang patulan ay dahil totoo palang ginagamit lang ako nito. Pero nawala lahat ng sakit nuon ng sinabi nitong habambuhay nitong pagsisihan ang pag-iisip na paggamit sa akin, at dinig ko naman ang pagsisi kahit sa matigas nitong boses. Pero ng makita ko kung paanong maga na ang mukha ni kuya, maga ang kabilang mata, ang labi putok, at nakatungo ito, pilit nitong nilalabanan ang sakit na naramdaman nito mula sa mga suntok na nakuha nito kay Maxwell, may namuong galit ako sa tarantado kong asawa. 

Pagtingin ko kay Maxwell, parehong mga sabog ang mukha din. Kita ko rin ang pigil nitong pagngiwi kahit ang paglakad nito, alam kong may masakit din sa kanya. 

Tumahimik ang lahat ng magsalita si Daniela habang nakatingin kay kuya. Inamin nito ang nangyari at nalaman ng lahat kung sinong pumatay kay Aldrin na siyang puno ng lahat ng alitang ito, paghihiganti, at galit na namuo sa dibdib nila ng ilang taon.

Daniela looks so guilty at puno ng luha ang mga mata nito. Lahat napatingin kay Artie ng inamin nitong siya ang pumatay kay Aldrin. "I killed him to protek myself en Daniela!" malakas nitong pahayag sa matigas at nakakatakot na tinig. Walang bahid ng pagsisi sa boses nito.

*BANG* 

Malakas na putok ang nagpabaling sa lahat ng atensyon ng mga naroroon sa loob ng room at ng  tingnan ko si Maxwell, nakita ko ang pulang dugong dumaloy sa dibdib nito mula sa puti nitong damit. 

"MAXWELL!" malakas kong sigaw saka mabilis na binitawan si kuya at nagkukumahog na bumaba sa ring at parang may pakpak na nilapitan ito. Ang aking puso parang lalabas mula sa aking ribcage. Parang sasabog ito sa dahil sa pagkatakot. Hindi ko narin pinansin ang babaeng sumigaw dahil ang buong atensyon ko nakapokus na sa aking asawa. 

"Maxwell," mabilis ko itong niyakap, nanginginig pa ang aking kamay. Nakatitig lang ito sa aking ng puno ng pagmamahal, pero kita kong hirap na hirap ito. No, no, no ... you can't die on me!" umiiling-iling kong sabi habang panay parin ang pagtulo ng luha ko. Naramdaman ko ang pagbagsak nito at lalong nanginig ang buong katawan ko.

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. "NOOOOOOO......" malakas kong sigaw ng tuluyang na itong pumikit at bumagsak. Malabo narin ang paningin ko dahil sa luhang tuloy-tuloy ang ang pagtulo. At naramdaman kong may sumalo sa akin din bago pa man ako bumagsak na kasama siya.

"Shhh... Relax, Rissy. He'll be fine," pero kita ko ang takot sa mukha ni Wesley ng inalalayan akong palayo kay Maxwell at binuhat ito ni Vincent saka ni Kristoff. Nilapitan ako ni Daniela saka niyakap.

Saka ko lang napansin si Jack na nakahawak sa babaeng bumaril sa aking asawa.

"Bitiwan mo ako, Jack! I will kill him. He killed my brother," umiiyak, tumatawang sabi nito na para bang mababaliw. May dalawa pang lalaking kasama ito.

Hawak din ito ng tatlo pang lalaki. Hindi namin ito napansin na nakapasok. 

"Tito?" mabilis namang lumingon ako kay kuya na pipilay-pilay habang nakahawak sa tagiliran. Nang tingnan ko ang matandang tinawag nitong tito, just when I realized who he is. 

Mayor Sandrino Buenaventura. 

Nakilala ko na siya minsan. Madilim ang mukha nitong nakatingin kay Daniela. Mabilis namang sinalubong ito ni kuya kahit na hirap na hirap itong maglakad. May dalawang taong tumulong dito. 

Billionaire's Game (Black Omega Psi Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon