Devil # 21

4.6K 121 26
                                    

Sorry for the late update :)
Dont worry, magbabakasyon na naman. Mas maraming update.
Read and enjoy.


--


Chapter 21



//



After sumigaw ni Joshua. Magkatinginan lang kami. Halatang naiinis siya sa mga nakita niya. Hello? Wag siya magagalit sakin kasi wala naman akong kinalaman dito.



" Obvious naman diba? Nililigawan ko na si Eunice. " sabi ni Adrian.



" Pare, wala namang ganyanan. Alam mo naman na ako yung unang nangligaw kay Eunice diba? " sabi naman ni Joshua.



" Pero may karapatan naman akong manligaw sa kaniya. Hindi ka pa naman niya sinasagot kaya pwede ko siyang ligawan. " sagot naman ni Joshua.



Hindi ko na lang pinakinggan ang mga pinaguusapan nila, umalis na ako dun at naglakad papalayo. Tsaka wala pa naman akong balak magkaboyfriend dahil niisa sa kanila, hindi ko gusto at lalong lalo namang wala akong mahal sa dalawang 'yon. Tsaka di ko pa nakikita yung pagiging boyfriend material nila.



Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng biglang may babaeng humarang sa harapan ko. Iniiangat ko naman yung ulo ko para tignan siya. Nagulat ako ng mamukhaan ko yung babae. Siya kasi yung babae na nagsabi sa akin na lumayo ako kay Adrian. Sino ba kasi siya at anong kailangan niya.



" Hindi ka ba talaga marunong makaintindi? " masungit na sabi nung babae saken.



" Ha? " yan lang ang nasabi ko. Ang weird niya talaga. Wala naman akong ginagawa sa kaniya.



" Adrian is mine. " madiin ang pagkakasabi niya ng mga katagang yon. Lalo lang tuloy nakakapang-init ng ulo yung pagssungit niya sakin.



" Edi sayo. Inaangkin ko ba? " sagot ko naman. Medyo tumataray na din ang tono ng boses ko dahil sa inis. What's up with her? Tsaka kailan ko ba inangkin yung Devil na yun diba?



Bigla naman niyang hinawakan ang buhok ko at hinila ito. " Aray! " sigaw ko. Nananadya na talaga siya. Nakakabwisit na!



" Ano ba! Bitiwan mo nga yung buhok ko! " sigaw ko pa. Ayaw niya kasi talaga tigilan ang paghila sa buhok ko. Impakta siya. Sino ba siya para hilahin ang buhok ko. Nakakainis.



" Hindi lang 'yan ang mararanasan mo kapag hindi mo tinigilan si Adrian. " sabi niya ng bitawan niya na ang buhok ko. Walang awa eh. Masakit kaya 'yung ginawa niya. Pasalamat siya at nasa loob kami ng campus kung hindi, siguradonglalabanan ko siya.



" Sino ka ba ha? Tsaka bakit mo ko pinapalayo kay Adrian? " masungit kong tanong.



" It's none of your business. Basta layuan mo siya or else. " banta niya tsaka niya ako tinalikuran.



Porke ba maganda at sexy siya, may karapatan na siyang manghila ng buhok. Tsaka anong none of my business? Hello? Pati ako nadadamay sa kung anong meron sa kanila ni adrian and plus, nanliligaw sakin si Adrian diba? Baka mamaya girlfriend pala siya ni Adrian tapos makikita ng ibang tao na kung anu-ano ang binibigay sakin ni Adrian. Baka sabihin pa nila, mangaagaw ako.



" Wanna know more about her? " napalingon naman agad ako. Bakit ba laging bigla bigla na lang nasulpot si Zen? Nagugulat na lang tuloy ako bigla eh.



" Si-sige ba. " sagot ko naman. Ewan ko ba kung bakit pero nacucurious talaga ako sa kaniya.



" Section III-A, classmate siya ni Adrian. Siya si Daisy. "



" Ahh. Eh anong meron sa kanila ni Adrian? "
tanong ko kay Zen.



" That's for you to find out. " napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Lalo tuloy akong nacucurious, Haaay. Ayan na naman si Zen, nagpapakamisterious na naman.



" Sige. Una na ako ha. " sabi ko atsaka ako naglakad papalayo.





Nang matapos ang lunch nagkitakita na ulit kami nila Leslie sa room at nagsimula na ulit maglagay ng mga dekorasyon.



" Bhes, ang swerte mo talaga. Akin na lang kasi isa sa kanila. " bulong sakin ni Leslie.



" Umayos ka nga Bhes. Kung gusto mo, sayo na silang dalawa. " straight forward kong sagot sa kaniya.



" Wosus, Pakipot ka pa eh. " sabay tinusoktusok niya yung tagiliran ko.



" Hay. Ewan ko sayo. "



After namin mag usap ni Leslie. Lumabas muna ako ng room at pumunta sa may hagdanan at umupo. Magpapahinga muna ako. Nakakapagod din kasi 'tong mga ginagawa namin.



Habang umiinom ako tubig bigla na lang may braso akong naramdaman na pumupulupot aking katawan.



" I love you, Eunice. " sabi ni Adrian habang nakatitig sa mukha ko. Dugdugdug. Sobrang lapit kasi talaga ng mukha niya sa mukha ko. Ayan na naman 'tong puso ko. Nakakainis talaga si Adrian. Lagi na lang!



Dahil kinilabutan ako, bigla ko na lang tuloy naibuga ang tubig mula sa bibig ko kaya naman napabitaw siya sa pagkakayakap sakin.



" Ano ba 'yan. Sa sobrang gwapo ko, hindi mo tuloy kinaya. " sabay tawa niya.



" Ang yabang mo talaga. " sabi ko naman habang pinupunasan ang bibig ko.



" Gwapo naman. " sabi ulit niya. Ang yabang niya talaga. Grabe lang.



" Grabe. Ang hangin. Babagyo ata. Babagyo sa sobrang kayabangan mo. " masungit kong sabi habang patayo na ako sa pagkakaupo ko sa hagdan pero pinigilan niya ako. Bigla ko tuloy itinaas yung kaliwang kilay ko. " Oh bakit? " tanong ko.



" Iiwan mo na naman ako dito? " sabay puppy eyes niya.



" Tigilan mo nga yan. Hindi sayo bagay. Hindi ka cute. "



" Ikaw kasi. Lagi mo na lang ako iniiwan. Parang kanina lang, nung binigyan kita ng chocolate. Tinakbuhan mo ako. "
paliwanag niya.



" Once lang naman 'yun. " sagot ko.



" Twice kaya. Yung pangalawa, kanina lang nangyari. Iniwan mo ako nung nagseselos na si Joshua. Tapos di mo man lang kinain yung cake. " halata sa boses niya na nadidissapoint siya. Pero di ko naman kaya kasalanan 'yon. Silang dalawa ni Joshua ang may kasalanan. May pagsasagutan pa kasing nalalaman.



" Oo na. Asan na ba 'yung cake? " tanong ko. Bigla kasing lumambot yung puso ko sa mga paliwanag niya. Oo na. Ako na yung mahilig mang iwan. Tss.



" Eto. " sabay kuha niya nung cake sa may gilid atsaka siya umupo sa may hagdan. " Upo ka na din. "



Umupo naman ako sa tabi niya. Inabutan naman niya ako ng tinidor.



" Sa-salamat. " sabi niya habang nakangiti.



" Ba-bakit naman? " nagtataka kong tanong.



" Kasi pinagtiyatiyagaan mo ko bilang kaibigan kahit na mayabang, makulit at nakakainis akong tao. "



--

malapit na ang bakasyon ko. Makakapagupdate na ulit ako ng maayos :)

20 votes po para sa next chapter. sana po makapagvote kayo.

comment na din kayo. Thanks guys!

He's A Devil [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon