Chapter 1: Accidents
Accident. Madalas kapag naririnig mo ito, negatibo agad ang iyong naiisip.
Iba-iba rin naman ang klase ng mga aksidenteng ito. Mayroong pisikal, sa emosyon at marami pa.
Hindi lahat ng aksidente ay masama. Mayroong, mabuting naibibigay ang iba. Tulad na lamang ng aksidenteng pagtapon ng Chemical X ni Professor.
Dito nag-uumpisa ang kwento ko. Dapat nga, kwento NAMIN. Kaso, hard to reach. Parang star. Pangarap ko lang siya. Shooting star kumbaga.
Ayun. Nakapasa ako sa isang Science High School. Ako nga pala si Catherine. Tawag nila sa akin, Cathy. Hindi ako matalino, sinuwerte lang ako sa entrance exam.
Nung first year ako, madalas pa akong kabahan noon. Feeling ko kasi, sobrang talino ng mga kasama ko. Mababa kasi pagtingin ko sa sarili ko. Hindi ako yung tulad ng iba na, positibo.
Mayroon akong kaklaseng ang pangalan ay Jared Miles. Ang unique ng name lalo na't taga Pilipinas.
Matangkad siya, maputi, singkit medyo angas ang dating.
Siyempre pag nagumpisa ang school, nandyan ung Introduction, ang kinatatakutan ng karamihan. Ewan ko ba pero kahit ako, kinakabahan ako pagdating sa mga ganoon.
Isa-isa kong nilista yung mga pangalan nila para i-add sila sa facebook. Para kapag may assignments or may nakalimutan ako, may tatanungin ako.
Nung hinanap ko si Jared, sakto inadd niya rin pala ako. Accept naman ako agad.
June 17, 2010
Fb chat-
Jared Miles Valdez:
salamat
salamat sa add XD
ano section mo?
Ako:
Walang anuman, uy ano assignments?
Jared:
Research lang. 1x1 pics tsaka sa EL Math. Puro diagnostic bukas eh, Kaklase ba kita?
Ako:
Putek! Dalton ka ba? Hala. Kakahiya naman. Sorry! ><
Jared:
Last year hahaha ok lang yun.
Hindi pala siya yung kaklase ko.
Ang tanga ko rin. Sa totoo lang, tiningnan ko yung mga pictures niya. Medyo hawig sila nung kaklase ko na Jared tapos pareho pang maputi. Wala siyang gaanong pictures. Tapos nakita ko pa na Dalton siya. Nakita ko lang na may class pic sila nung nagsorry na ko. Aksidente.
Second year na siya. Pasteur yung section niya. Dalton din siya nung first year.
Katangahan ko pa, pinost ko rin sa wall niya nung inaccept ko siya na Kung ano ung assignments. Aba malay ko ba. Pero dinelete niya rin nung nalaman niyang hindi kami magkaklase. Nabaitan ako haha.
Sumunod na araw, nagkaalaman na kami ng number at naging katextmate ko siya. Ayun, gabi gabi. Tapos yung tipong, kapag nakikita ko yung name niya, napapangiti ako.
Madalas ko siyang pinapapunta sa YM kasi mas mabilis, tsaka mabagal pa yung computer namin nun. Dun kami laging nag-uusap. Hindi pa kasi namin alam kung ano yung itsura ng isa't isa. Siya na yung nagplano na pumunta ako sa stage para malaman niya kung sino ako. Sa gilid lang naman.
BINABASA MO ANG
Shooting Star
Non-Fiction"I can't set my hopes to high cause at the end, I never want to hear a goodbye. I know you're up there. Mr. Star, and I'll always look up to you cause I know that's all I can do." were shooting stars made to grant wishes? or just to set our hopes t...